Episode 5: Bet
3rd Person’s Point of View
“Hello, Sino i—“ naputol ang sasabihin ni Sean ng may humila sa cellphone mula sa tenga niya. Pagtingin niya sa humila ito ay si…
“Nigel?” gulat si Sean sa ginawang pagkuha ni Nigel ng phone niya. Hinawakan ni Nigel ng mahigpit ang wrist niya.
“Hindi ko ba nilinaw ang sarili ko sayo” galit na galit na si Nigel sa ginawa ni Sean. Hindi makatingin si Sean dahil natatakot siya sa expression na pinakita Nigel. “Answer me, anong narinig mo?” galit pa din ang tono ni Nigel.
“May umiiyak sa kabilang linya” hindi makatingin na sabi ni Sean.
“Humarap ka sa akin” sigaw ni Nigel, napaharap si Sean dahil sa takot.
“Nigel I’m sorry” naiiyak na si Sean.
Hinila ni Nigel si Sean sa kama niya at inihiga ito. Dumagan si Nigel kay Sean. Patuloy pa din ang pagluha ni Sean, nanginginig na din ito sa takot. Nakatingin lang sila sa isat isa, habang tinititigan ni Nigel si Sean ay unti-unting nawawala ang galit nito.Walang sabi-sabi ay hinalikan ni Nigel si Sean, may pagkamarahas ang halik na ginagawa ni Nigel.
“Kanina pa ako nagpipigil” sabi ni Nigel. Nagtataka si Sean sa ginagawa ng binate pero wala siyang magawa dahil nanghihina pa rin siya sa sobrang takot. Patuloy lang sa paghalik si Nigel kay Sean, hinahalikan na din niya ang leeg nito. And Sean feels that na binababoy na siya ni Nigel. Patuloy lang siya sa pag-iyak at ng mapansin yun ni Nigel ay tumigil siya at tumayo. Tumingin siya sa malayo.
“Layuan mo na ako, tumigil ka na din sa pangengealam ng gamit ko. At kung maari umalis ka sa dorm na ito.” Cold na pagkakasabi ni Nigel at naglakad na siya palabas.
Iyak lang ng iyak si Sean hanggang sa siya ay makatulog.
Kinabukasan ay nagkita si Sean at Kenneth.
“Sean bakit ang tagal mong dumating?” tanong ni Kenneth sa kakarating lang na si Sean.
“Late na kasi ako nagising” pagdadahilan ni Sean.
“Teka, bakit namumugto yang mga mata mo? Umiyak ka ba? May umaway ba sayo? Come tell me” gusto nang umiyak ni Sean at magsumbong kay Kenneth pero ayaw niyang gawin dahil natatakot siyang masira ang pagkakaibigan nina Kenneth at Nigel.
“Wala ito, by the way” may inabot na papel si Sean kay Kenneth.“Ano ito?” out of curiosity na sabi ni Kenneth.
“Open it” nakangiting sabi ni Sean. Inopen ni Kenneth ang nakatiklop na papel. At nagulat sa nakita.
“Seriously?” gulat na tanong niya kay Sean. Nasa papel kasi ang listahan ng likes and dislikes ni Cristy lahat ng info regarding to her ay nandoon.
“Yes at ayan na ang tulong ko sayo” ngumiti si Sean ng pilit, dahil alam niyang makukuha na ni Kenneth si Cristy. Dahil para kay Sean gaagawin niya ang lahat makita niya lang masaya ang taong mahal niya.
“Thank you talaga bestfriend” yumakap sa kanya si Kenneth sa sobrang saya nito.
“Galingan mo ahh, dapat mapasagot mo siya diyan”sabi ni Sean habang pinapat niya ang likod ni Kenneth. Humiwalay na si Kenneth sa yakapan nila.
“Salamat ulit dito Sean” at dali-dali siyang naglakad palayo dito, pupuntahan niya kasi si Cristy. Dahil isa sa list na mahilig si Cristy makipagpustahan yun ang gagawing way ni Kenneth para mapasagot ang dalaga.
Nang makita na ni Kenneth si Cristy ay agad itong lumapit dito.
“Hey Cristy” tawag ni Kenneth sa dalaga.

BINABASA MO ANG
W8TING 4 U
RomanceThe story revolves to eight students na may iba't ibang pag-uugali at may ibat ibang level sa lipunan. Sean (Main Character) got a scholarship sa isang prestigious school sa maynila. Dito niya makikilala ang kanyang mga magiging kaibigan at iibigin...