EPISODE 24: THE CONTRACT

89 6 1
                                    

EPISODE 24: THE CONTRACT

“Magpirmahan tayo ng contract, ill do what ever you want pero its just one time doing”

Napangiti naman si Leo sa naging sagot ni Sean.

“Okay deal.” Matapos sabihin ni Leo yun ay nagkamayan sila ni Sean. Lumapit si Leo kay Sean at bumulong “Saan tayo gagawa ng contract? At saan natin seselyuhan?” malanding sabi niya.

Tinulak naman siya ni Sean palayo. “Not here” ngumisi naman si Leo.

“Okay Ill send you kung saan tayo magkikita, and kung ano ang gagawin natin” nakangising sabi ni Leo.

“Just make sure na buburahin mo ang video niyo ni Isaac”

“Sure” still nakangisi pa din si Leo. Dinedma na ito ni Sean at naglakad pero hinawakan siya ni Leo.

Tumingin ng masama si Sean kay Leo sabay sabing “What?”

“Maglinis ka ng maayos ah” pagbibiro ni Leo. Sa inis ni Sean ay inalis niya ang pagkakahawak ni Leo.

Hinihintay ni Isaac na matapos ang shift ni Alexis. He really wants to talk to him but si Alexis ang nagiging mailap kay Isaac, dahil nasasaktan pa din siya sa ginawa ni Isaac. Halos isang oras siyang nag antay si Isaac, pero nasaktan siya ng makita niyang sabay na lumabas si Alexis at Ethan. Ngunit ipinagsawalang bahala niya ang kanyang pain nararamdaman at agad na lumapit sa kanila.

“Alexis” naiiyak na bigkas ni Isaac.

“What are you doing here?” inis na tanong ni Alexis.

“Alexis let’s talk please”

“Wala na tayong dapat pang pag-usapan pa. **humarap si Alexis kay Ethan** Ethan let’s go”

Agad namang lumuhod si Isaac sa harap nila. “Please kausapin mo ko, please” umiiyak na sabi ni Isaac.

Naawa naman si Ethan sa sitwasyon ni Isaac. “Alexis you should talk to him na”

“But—”

“Don’t worry about me. I trust you I really do” sabi ni Ethan kay Alexis na siya namang narinig ni Isaac na ikinurot ng kanyang puso.

“Tumayo ka na, and follow me” tumayo naman si Isaac at sinundan si Alexis. Tumungo sila sa likod ng building. “Anong gusto mong sabihin, say it now”

“Ahm Alexis. Ako na lang, ako na lang ulit please. Pangako di na kitang sasaktan ulit”

Tumawa naman ng malakas si Alexis. “Nahihibang ka na ba? Matagal na tayong tapos, matagal na kitang kinalimutan” aalis na sana si Alexis pero hinawakan siya ni Isaac sabay halik sa labi. Mabilis naman na tumungo ang mga kamao ni Alexis sa panga ni Isaac na nagpatumba sa binate.

“Tumigil ka na Isaac, I am not your toy na pagnabobored ka iiwan mo na at pag gusto mo babalikan mo ulit. You are nothing to me. Kadiri ka” gigil na sabi ni Alexis. Tumalikod na ito at naglakad palayo, humabol naman si Isaac sa kanya at niyakap ito ng patalikod.

“Alexis I need you right now please, I really need you. Tulungan mo ako. Hindi ko kayang mawala ka sa akin. Ginigipit na ako ni Leo. Please come back to me” hagulgul na sabi ni Isaac. Sobrang bigat na ang kanyang nararamdaman, gusto niya ng bumalik sa normal ang kanyang buhay at sising-sisi na siya sa ginawa niyang kalokohan.

Inalis ni Alexis ang pagkakayakap ni Isaac sa kanya. “I’m sorry Isaac, matagal na akong walang pakealam sayo.” Matapos bigkasin ang mga katagang yun ay naglakad na palayo si Alexis.

W8TING 4 UTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon