EPISODE 38: BAD HEALTH

100 6 0
                                    

EPISODE 38: BAD HEALTH

“I want you na i-enroll this sem ang kasama ko. Can you assists him” deretsahang utos ni Marco na ikinagulat ni Sean at ng mga tao doon.

“Sir, seryoso ka po?” hindi makapaniwalang tanong ni Sean.

“Sir can we talk?” tanong ni Mr. Santillan. At naglakad na ang dalawa sa loob ng conference room. Halos magkasing tangkad lang si Marco at Mr. Santillan, matangkad lang si Marco ng kakaunti. At kung edad lang ang pagbabasehan ay may pagkakapareho din ang dalawang ito. Si Marco ay 32 years old while Mr. Santillan is 30 years old. Both of them is not yet married. 

Si Tom Santillan ay kaklase ni Marco noong nag-aaral pa lang sila sa states. Si Tom ay scholar ng pamilya nina Marco, noong una ay hindi sila nagkakasundo dahil na rin sa parehas silang achiever ngunit kalaunan ay naging malapit na sila sa isa’t-isa at naging matalik na kaibigan. Hindi pa kasal si Tom dahil na din sa hindi pa siya nakakamove on sa dati niyang karelasyon.

“Marco are you insane?” bungad ni Tom ng makapasok sila conference room.

“Why?”

“Hindi ka ba nadadala? Hindi ka ba pagod sa issue na binabato sayo? I mean katulad ng dati sa company niyo sa states.” Pag-papaalala ni Tom kay Marco.

Ang issue sinasabi ni Tom ay 2 years ago pa nangyare sa states. Si Marco ay manager na ng isang department nang kumpanyang pagmamay-ari ng kanilang pamilya, naging malapit si Marco sa isa nilang ojt at doon pumutok ang issue kaya napabalik siya dito sa pilipinas.

“Pwede ba lets not talk about that. Basta what I want is makapag-aral muli ang bata kahit gawin niyo siyang student assistant dito sa office. I’m sure na he will accept that.”

Sa isip ni Tom ay wag pakinggan ang nais ng kanyang kaibigan dahil alam niyang ikakapahamak niya ito ngunit ang sabi ng kanyang puso ay salungat. Alam ni Tom ang paghihirap ng taong may pangarap ngunit walang sapat na pera para pag-aralin ang sarili, dahil isa siya sa mga tulad ni Sean.

“Yeah, I will allow that in one condition…”

Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan ng dalawa.

“What? What’s your condition?”

“Please don’t come back here and ask for another request, I know na isa ang family mo ang may malaking shares dito kaya I’m begging you wag ka nang bumalik dahil ayokong banggain ang dad mo kasi hindi ko na alam kung anong gagawin ko once na tanggalin niya ako.” Mahabang litanya ni Tom bago lumabas ng conference room at agad na pinuntahan ang isa sa mga staff niya at pinaayos na ang requirement ni Sean.

Bago tuluyang lumabas ay tinignan niya si Sean ng masama. Tumungo siya sa likod ng building naglabas ng isang stick ng yosi at sinindihan ito. Bumabalik sa kanyang isipan ang nakaraang ayaw na niya balikan.

Hinatid ni Alexis si Ethan sa tapat ng bahay nila.

“Paano ba yan babe hanggang dito na lang ako” pagpapaalam ni Alexis kay Ethan.

“Ingat ka sa pag-uwi mo babe ah, don’t forget to call me once you got home”

“Okay po babe, ahm pasok ka na po” – Alexis.

“Eeeehhh sakay ka na ng car mo, I’ll watch you na makaalis” – Ethan

“No babe, pagpasok mo saka ako aalis. Okay?” – Alexis.

“Ahm okay po” pag-sang ayon ni Ethan at nagpuppy eyes pa ito. Dahil sa kacutetan ni Ethan ay hindi nakapagpigil pa si Alexis at agad na sinunggaban si Ethan ng halik. Hindi lang ito basta basta halik, pinipilit ni Alexis na maipasok ang kanyang dila sa loob ng bibig ni Ethan at ginalugad ito. At nang magsawa siyang galugadin ito ay sinipsip naman niya ang dila ni Ethan. Lasang-lasa niya ang matamis na laway ni Ethan. Tumigil sila ng halos maubusan na sila ng hininga. Parehas na hihingal-hingal ang dalawa.

W8TING 4 UTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon