EPISODE 46: THE EX
After a week na bakasyon ay nakauwi na sila ng maynila. The Closeness of Sean and Ice is getting tighter and tighter yung tipong hindi mo sila makikita na hindi magkasama.
“Love” bulong ni Nigel habang nakayakap kay Sean. Nasa sulok na parte sila ng library ngayon. Nagbabasa si Sean ng libro ngayon while si Nigel naman ay patuloy ang pangu-ngulit kay Sean.
Si Alexis naman ay nakaupo sa harapan ni Sean at si Ice naman ay nasa tabi ni Alexis.
“Bakit love?” tanong ni Sean habang ang mata ay nakatitig pa din sa binabasa.
“Love I want you right now” bulong ni Nigel kay Sean sabay pasok ng kamay sa likuran ng short ni Sean.
“Love ano ba yan?” inis na sabi ni Sean. Sabay alis ng kamay ng kasintahan.
“Guys may ginagawa ba kayong kalokohan sa harap namin?” mapang-asar na tanong ni Alexis.
“Wala ah ano ba kayo” pagtanggi ni Sean sabay tingin ng masama sa tumatawang si Nigel. Dahil medyo inis na si Sean sa ginagawang pagtatawa ni Nigel ay tumayo na ito. “Alam niyo Nigel at Alexis magsama nga kayong dalawa…” hinawakan ni Sean ang kamay ni Ice “…Ice tara na lumipat tayo ng pwesto”
At tumawa naman ang dalawa ng malakas dahil dito ay nilapitan na sila ng librarian at sinaway sila. Si Sean at Ice naman ay lumabas na ng library. Iniwan na nila ang dalawa doon.
“Sean gusto mo bang magcoffee tayo?” alok ni Ice kay Sean.
“Sure pwede naman, saan ba?”
“Doon na lang malapit sa amin”
Kahit hindi alam ni Sean kung saan nakatira si Ice ay sumama pa din siya rito. Dahil sa Malaki ang tiwala niya sa kanyang kaibigan o sabihin nating inaakala niyang kaibigan.
Dinala ni Ice si Sean sa area nila. Sumakay sila ng jeep palayo ng university. Halos kalahating oras ang naging byahe nila sa jeep. Dahil nga hindi taga maynila si Sean ay hindi na niya alam ang parteng ito ng kamaynilaan.
“Ice nasaan na tayo?” tanong ni Sean dahil medyo kinakabahan na siya. Hindi na siya pamilyar sa mga nakikita niya.
“Malapit na tayo don’t worry”
Kahit kinakabahan ay ngumiti na lang siya kay Ice.
“Andito na tayo” bumaba sila sa jeep.
Naglakad sila ng mahaba at talagang na mangha si Sean ng makita niya ang magandang coffee shop. Kakaiba ang tema ng coffeeshop na ito.
Pumasok sila sa coffee shop and nag order na kani-kanilang nais inumin.
After a few minutes na pag-iinom ng kape ay napunta ang usapan sa nakaraan ni Ice.
“Ano bang nangyare sa inyo ng recent ex boyfriend mo?” tanong ni Sean without knowing na ang tinutukoy niyang exboyfriend is si Nigel na kanyang kasintahan.
“Well alam mo yun Sean, mahal na mahal naming ang isa’t-isa. Yung tipong handa niyang ibigay ang lahat sa akin pero hindi pala lahat happy ending. Kahit gaano niyo pa kamahal ang isa’t-isa may mga bagay at pangyayare sa buhay natin na sisira ng relasyon.” Malungkot na litany ni Ice, binabalikan niya ang mga masasayang alaala nila ni Nigel which become a sad situation later on.
“Hindi ko alam ang isasagot, pero I’m curious kung ano nangyare bakit kayo naghiwalay. Okay lang if hindi mo kayang sagutin” tanong ni Sean sabay lagok ng kanyang Kape.
“Iyon na nga tulad ng sabi ko smooth yung relationship namin and here comes the time na…” nagdalawang isip si Ice kung sasabihin ba niya ang totoo kay Sean o hindi. Huminga siya ng malalim “…I’ve been raped”

BINABASA MO ANG
W8TING 4 U
RomanceThe story revolves to eight students na may iba't ibang pag-uugali at may ibat ibang level sa lipunan. Sean (Main Character) got a scholarship sa isang prestigious school sa maynila. Dito niya makikilala ang kanyang mga magiging kaibigan at iibigin...