EPISODE 42: THE RETURN OF NIGEL
Unang lumabas sa kotse ay si Ivan kitang kita mo ang angking kagwapuhan nito sa suot niyang kulay pink. Naghiwayan ang ilan sa mga estudyante. Sumunod naman na lumabas ay si Kenneth at inalalayan niya ang kanyang kasintahan na si Cristy. Sa una ay nagtitili ang mga kababaihan ngunit ng makita nilang lumabas si Cristy ay nanlumo ang mga ito. At ang huling lumabas ay si Nigel at taas noo niyang ibinandera ang kanyang napakagwapong mukha. At nagpakawala ng malalakas na hiyawan ang mga kababaihan at kabaklaan. Hindi ngumingiti si Nigel at hinanap ang taong matagal na niyang gustong makita at yun ay si Sean.
Napaiwas si Sean ng tingin ng mapansin niya si Nigel na nakatitig sa kanya.
Naglakad si Nigel patungo sa direksyon nila Sean. “Hi Sean its nice to see you again” he gave Sean an evil smile. Kinuha niya ang cup na hawak ni Clara at ibinuhos ito sa kaharap na ikinagulat ng maraming estudyante. Maging si Kenneth na kasama niya ay nagulat sa ginawa ng kaibigan kaya agad itong lumapit.
“Nigel anong ginagawa mo?” tanong ni Kenneth.
“Mind your own business Kenneth” at naglakad na ito palayo sa kumpulan. Sumunod naman sa kanya si Ivan na tuwang tuwa sa ginawa nito.
“Sean are you okay?” tanong ni Kenneth at agad niyang hinubad ang kanyang suot na varsity jacket at ibinigay ito sa kaibigan. Tumango naman si Sean bilang tugon at tinanggap ang jacket.
“Kenneth let’s go” yaya ni Cristy na may pahagip na irap kay Sean.
“Sige na Kenneth, okay lang ako” ngumit si Sean ng pilit.
“Are you sure?” tanong ni Kenneth na ikinais naman ni Cristy.
“Ano ba Kenneth malaki na yan, for sure kaya na niya ang sarili niya.” Iritang-irita na si Cristy at nagsimula ng maglakad.
“Sige na, I’m fine don’t worry” pinipigilan ni Sean ang kanyang luha. Kahit labag sa loob ni Kenneth na iwan ang kaibigan ay ginawa niya ito dahil ayaw naman niyang mag-away sila ng kasintahan.
Nagsi-alisan na din ang iba pang mga estudyante.
“Hey Sean okay ka lang ba?” tanong ni Alexis na alalang-alala sa kaibigan. Maging sina Ice, Clara at Mia ay nagtanong dito.
“Okay lang ako guys. Magsi Cr lang ako” at umalis na agad si Sean sa harapan nila. Hindi niya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman. Kanina pa niya gustong umiyak pero pinipigilan niya ito sa harap ng kanyang mga kaibigan. Dali-dali siyang dumeretso sa banyo at pumasok siya sa pinakadulong cubicle at doon umiyak.
Sobrang sikip ng dibdib niya dahil nasaktan siya sa ginawa ni Nigel. Wala kasing nakakaalam sa mga kaibigan niya ang tunay na dahilan maging ang panggagahasa sa kanya ay hindi nila alam. Tumayo siya pinunasan niya ang mga luha at nagbihis. Paglabas niya ng cubicle ay may nakasulat sa wide mirror na “Get out of here Sean Faggot” hinanap niya kung sino ang nagsulat nito pero walang mga tao sa CR kundi siya lang. agad siyang kumuha ng tissue at binasa ito then pinunasan niya ang nakasulat sa salamin.
“Hey Sean tara na, tumunog na ang bell” yaya ni Alexis na kadarating lang para sunduin ang kaibigan. Nagtaka naman siya na hindi kumibo si Sean at busy ito sa pagpupunas ng salamin. “Anong ginagawa mo? Bakit mo pinupunasan ang salamin?” tanong nito.
Ngumiti ng pilit si Sean “Wala ito. Napansin ko kasi ang gwapo ko pala sa salaming ito. Parang gusto kong iuwi” pagsisinungaling ni Sean. Lumapit si Alexis sa kanya at inakbayan siya.
“Tara na malelate na tayo, ikaw talaga puro ka kalokohan”
Pagdating sa room ay nagkukumpulan ang mga classmate nila sa pwesto ng upuan ni Sean at nang mapansin nila na dumating na si Sean ay bigla silang nagkalasan. Pagpunta ni Sean sa pwesto niya ay nasaktan siya dahil maraming nakavandal dito like “Sean Faggot” “The School doesn’t deserve you” “Go to Hell” “Social Climber Bitch” “Ambisyosa” unti-unting nagsitakasan ang kanyang mga luha.
BINABASA MO ANG
W8TING 4 U
RomansaThe story revolves to eight students na may iba't ibang pag-uugali at may ibat ibang level sa lipunan. Sean (Main Character) got a scholarship sa isang prestigious school sa maynila. Dito niya makikilala ang kanyang mga magiging kaibigan at iibigin...