EPISODE 43: THE PARTY
Naramdaman ni Sean ang mga luha na dumadaloy mula sa mata ni Kenneth. Kaya napapikit na lang siya at dinama ang mga halik nito. Nang lumalim na ang kanilang halikan ay binuhat ni Kenneth si Sean paupo sa desk ng nurse.
Nang matauhan si Sean ay itinulak niya si Kenneth. “Sorry Kenneth” at nagmadali siyang lumabas ng clinic. Gulong-gulo si Sean sa ginawa ni Kenneth. Minsan niyang minahal ang kaibigan pero noong naghalikan sila ay wala siyang naramdaman na kahit ano mula dito siguro nga ay naka move on na siya dito.
Habang naglalakad sa hallway ay nakasalubong niya si Marco. “Hey Sean what are you doing here, diba class hour?”
“Ahmmm. Hi Sir Marco” napakamot na lang si Sean at ngumiti dahil hindi niya alam ang isasagot dito.
“Nevermind” at ngumiti si Marco sa kanya. “By the way may lakad ka ba mamaya?” dugtong na tanong ni Marco.
“Uhmmm. Wala naman po, bakit?”
“Wag mo na nga akong pinupo. Ilang taon lang naman ang tanda ko sayo” Marco gave him a gentle laugh. “So going back to what I said, if you are not busy may party sa bahay mamaya and I want you to be there” pag-imbita ni Marco sa kausap.
“Uhmmm…” nag-iisip si Sean kung papaya ba siya or tatanggi. Iniisip niya kasi na mga mayayaman ang mga imbitado doon pero kung tatanggi siya ay baka magtampo si Marco sa kanya.
“Please…”
Napatingin si Sean kay Marco.
“Don’t get me wrong, is just that you know… Ahmmm…” hindi makatingin si Marco ng deretso kay Sean, bigla kasi siyang nakaramdam ng hiya dito.
“Sige po. I mean sige pupunta ako” pagpayag ni Sean dahil nakikita niyang hirap magexplain si Marco.
Ngumiti naman si Marco. “Nice, so see you later”
Tumango naman si Sean at nagpaalam na siya sa kausap dahil nga may klase pa siya.
Mabilis lang na tumakbo ang oras kaya agad ding natapos ang pang-umaga nilang klase. Agad na lumapit ang kanyang kaibigan na si Alexis. “Tara na Sean punta na tayo sa canteen, gutom na gutom na ako” yaya ni Alexis sa kanya.
Malungkot na ngumiti si Sean sa kanya, dahil habang papalabas ang kanyang mga kaklase ay tinitignan siya ng mga ito ng masama. Napansin naman ito ni Alexis. “Sean hayaan mo na sila, walang magandang maidudulot yan na maganda sa iyo. Kaya tumayo ka na diyan at pumunta na tayo sa cafeteria baka maubusan pa tayo alam mo naman na nagiging dragon ako pagnalilipasan ng gutom”
Natawa naman si Sean sa sinabi ng kanyang kaibigan kaya wala na siyang nagawa kundi sumama sa kaibigan. Pagdating nila sa canteen ay agad nilang nakita sina Ice, Mia and Clara. Kumaway si Clara sa kanila para sabihin na may space pa sa pwesto nila. Ngiti ang isinagot ni Sean at kumuha na sila ni Kenneth ng makakain. Pagkakuha ay agad din silang umupo sa pwesto nila Clara.
“Natagalan ata kayo?” maarteng tanong ni Mia.
“Baka may dinaanan pang iba? Or you know baka may iba silang ginagawa.” Pahaging ni Ice na iba ang naging dating kay Sean, maging ang iba ay nakadama nadin ng kakaibang tension.
“Ice what do you mean?” tanong ni Clara.
“Ano ka ba naman Clara parang di mo naman kilala ang kaibigan natin” muling pahaging ni Ice.
“Teka teka Ice, may gusto ka bang sabihin?” tanong ni Sean dahil nakakadama siya na pinapatamaan siya ni Ice or may gustong sabihin ito.
“Sean ano ka ba, wala iyon. Alam niyo kumain na lang tayo” pag-iiba ni Ice ng topic.
BINABASA MO ANG
W8TING 4 U
RomansaThe story revolves to eight students na may iba't ibang pag-uugali at may ibat ibang level sa lipunan. Sean (Main Character) got a scholarship sa isang prestigious school sa maynila. Dito niya makikilala ang kanyang mga magiging kaibigan at iibigin...
