EPISODE 39: ANOTHER HEARTBREAK

42 4 1
                                    

EPISODE 39: ANOTHER HEARTBREAK

Napansin ni Marco ang pagkatulala ni Sean kaya nakaisip ito ng kalokohan. Lumapit siya kay Sean at bumulong

“You liking the view?” bulong ni Marco na may pagkahusky ang voice.

Napaatras naman si Sean sa ginawa ni Marco. Napaisip siya dahil parehas na parehas ang ginawa ni Nigel at Marco ng matulala si Sean sa kahubadan ng magkapatid.

“No Sir, you should get dress na po” ilang na sabi ni Sean dahil hindi niya maiwasang hindi tumingin sa magandang katawan ng kaharap.

Tumawa naman si Marco ng malakas. “Okay fine, baka kasi ako pa ang kainin mo” tatawa-tawang sabi ni Marco at pinamulahan naman ng mukha si Sean hiyang hiya talaga siya sa inasta niya sa kanyang bos.

“My ghad Sean ano ba kasing pinaggagawa mo” bulong niya sa sarili.

Matapos magbihis ni Marco ay nagsimula na silang mag-inuman. Lumipas ang thirty minutes na pag-iinuman nila ay nakakaramdam nadin sila ng tama ng alak.

“Sean can I ask something?” tanong ni Marco.

“Oo naman po. Ano po ba yun?”

Humingang malalim si Marco at muling nagsalita. “Nafall ka na ba? I mean did you fall inlove?”

Napayuko at ngumiti si Sean. “Oo naman po, lahat naman po ata tayo dito naiinlove. Kung hindi ka maiinlove malamang hindi ka tao at hindi ka din hayop.”

“Napatawa mo ako sa sagot mo, ito pa nainlove ka na ba sa taong hindi mo pwedeng mahalin?”

Kitang-kita naman sa mata ni Sean na naguluhan siya sa tanong ni Marco. “Sir ano pong ibig sabihin ninyo?”

Bumuntong hininga si Marco. “What I want to say is nainlove ka na ba sa taong… I mean same sex or may hindrances ang love story niyo, like that.”

Biglang naisip ni Sean ang pagka inlove niya dati kay Kenneth na pinigil niya dahil sa pinahahalagahan niya ang pagkakaibigan nila. Kumbaga its just a once sided love. Pero ang pinakatumagal sa kanyang isipan ay ang naging pag-iibigan nila ni Nigel. Dahil kung kailan na siya handang mahalin ang binata saka naman nangyare sa kanya ang malagim na pangyayareng hinding hindi niya makakalimutan.

“Sean are ypu listening?” tanong ni Marco ng mapansin niyang lumilipad ang isip ng kausap.

“Ah yeah. Oo, bakit ikaw sir did you experienced it” tanong ni Sean.

Ngumiti si Marco na may halong bitterness. “Yeah, I experienced it and I felt it”

“I’m sorry sir hindi ko po alam”

“No it’s fine” sumandal si Marco sa sofa. Hindi alam ni Sean ang sasabihin ng muling magsalita si Marco. “Do you know Tom Santillan?” napaisip si Sean sa tanong ni Marco.

“Yes Sir, yung manager po ng registrar office ng school”

“He’s my ex” Marco said blantly.

Nailuwa ni Sean ang tubig na kanyang iniinum dahil sa gulat. Hindi siya makapaniwala na ang isang tulad ni Marco ay nagkakagusto sa kapwa lalaki.

“Gulat ka ba?” tanong ni Marco.

“Opo sir kasi hindi ko lang expect na ganyan, I mean na nagkakagusto kayo sa kapwa niyo.”

Ngumiti si Marco ng malungkot “Isa yan sa mga reason kung bakit hindi ko siya malapitan, once na malaman ng parents ko na may realsyon ulit kami. Ay tiyak na mapapahamak siya” hindi alam ni Sean kung paano icocomfort ang amo, hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya. Hindi niya alam kung makakabuti ba ito or mapapasama lang. “…ikaw Sean kumusta yung lovelife mo”

W8TING 4 UTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon