EPISODE 50: EVERYTHING WILL BE FINE
Mas lalong lumakas ang mga bulungbulungan at ang masasamang tingin kay Ice. Gustong gusto na ni Ice na maglaho sa kanyang kinakapwestuhan.
“Ice, Ice bakit? Bakit mo nagawa ang lahat ng yun” sabi ni Sean bago matumba at mahimatay.
“Sean, Sean” binuhat ni Nigel si Sean. “Mag-uusap tayo Ice mamaya” banta ni Nigel kay Ice at itinakbo na si Sean sa clinic.
Sa takot ay tumayo si Ice at tatakbo ng hilahin siya ni Ivan at itulak. “Saan ka pupunta?” gigil na gigil si Ivan kay Ice.
“I…I…van wag dito please” pagmamakaawa ni Ice at bakas sa mukha niya ang takot sa kung ano mang gagawin ni Ivan.
Kinuha ni Ivan ang baso ng juice na hawak ng isang estudyante at ibinuhos ito kay Ice. Kinuwelyuhan niya si Ice at hinila patayo. “Alam mo gigil na gigil ako sayo ngayon, pinipigilan ko lang ang sarili ko—“ hindi natapos ni Ivan ang kanyang sasabihin ng biglang may humila kay Ice at nakita na lang ito ni Ivan nan aka upo sa sahig at may dugo ang labi.
Kitang-kita ni Ivan ang galit sa mga mata ni Alexis.
“Ice bakit mo ginawa yun, alam mo bang mapapatay kita ngayon. Huh” nanginginig sa gigil si Alexis. Dinaganan ni Alexis si Ice at pinagsusuntok suntok ang mukha nito.
“Alexis tama na” awat ni Ivan.
Pero hindi pa din tumitigil si Alexis sa kanyang ginagawa. Gusto niya ipadama kay ang sakit na nararamdaman niya ngayon.
“Alexis enough” hinila palayo ni Ivan si Alexis at pumagitna.
“Pero—“
“Tama na, tignan mo ang mukha niya. Tumigil ka na ayokong mapatay mo siya. Dahil once na mapatay mo siya ikaw pa din ang magsisisi sa huli” duguan na ang mukha ni Ice na halos hindi mo na siya makilala.
Tinignan ni Alexis ang nakahigang si Ice na duguan at basag-basag ang mukha.
“Halika na, puntahan na natin Sean mas kailangan niya tayo ngayon” at inalalayan na ni Ivan si Alexis palabas ng canteen.
Habang naglalakad sila patungo sa clinic ay walang nagsasalita. Hindi pa rin magsink in sa kani-kanilang isip na ang lahat na nangyareng hindi maganda sa kanilang barkadahan ay dahil kay Ice.
Naabutan nilang tulog si Sean sa kama ng marating nila ang clinic.
“Kumusta siya pre?” tanong ni Ivan kay Nigel.
“Okay naman na daw siya pre sabi ng nurse, nabigla lang daw sa mga nangyayare kaya nagkaganyan” explanasyon ni Nigel habang hinahawak-hawakan ang buhok ni Sean.
“Ikaw naman umupo ka dun sa kabilang kama” utos ni Ivan kay Alexis. Kumuha si Ivang first aid kita para gamutin ang sugat sa kamao ng kaibigan.
“Hindi ko lubos na maisip na magagawa ni Ice ang mga bagay na yun” gigil na gigil pa din si Alexis sa nangyare.
“Dahil sa akin kaya nagawa iyon ni Ice” sabat ni Nigel.
“Hindi mo kasalanan iyon pare, ikaw ang iniwan niya noon. Kitang-kita ko kung paano ka nasaktan” saad ni Ivan.
“Wait, wait ex mo ang gagong yun?” tanong ni Alexis na naguguluhan sa nangyare.
“Unfortunately yes” si Ivan na ang sumagot dahil tahimik si Nigel.
“Kailangan ko siyang makausap, baka kailangan niya ng closure namin” suhestyon ni Nigel. Tumayo siya at lalakad na ng hawakan siya ni Sean.
“Huwag please” sabi ni Sean na kakagising lang. Unti-unting tumutulo ang mga luha ni Sean. “Please huwag hindi ko na kakayanin kung pati ikaw makuha pa niya sa akin.”
![](https://img.wattpad.com/cover/275332197-288-k866649.jpg)
BINABASA MO ANG
W8TING 4 U
RomansaThe story revolves to eight students na may iba't ibang pag-uugali at may ibat ibang level sa lipunan. Sean (Main Character) got a scholarship sa isang prestigious school sa maynila. Dito niya makikilala ang kanyang mga magiging kaibigan at iibigin...