EPISODE 29:
Matapos mag-almusal ni Alexis ay nagtungo na siya sa maliit na Mall na makikita sa isla, kasama niya ang empleyadong si Mia. Agad na nagtungo si Alexis sa Department Store.
“Mia, can I ask if close ba kayo ng kuya mo?” tanong ni Alexis habang namimili ng damit. Nagtaka naman si Mia sa tanong na ito ng binata.
“Dati close kami” malungkot na sagot ng dalaga.
Nacurious tuloy si Alexis sa tinuran ni Mia.
“But what happen?” tanong ni Alexis na natigil sa pamimili ng damit.
“Sir, mahabang kwento, pwede ba wag na nating pagusapan yun” at nagwalk-out si Mia. Napakamot na lang tuloy ng ulo si Alexis, dahil sa inasta ng dalaga. At pinagpatuloy ang pamimili.
Lumipas ang dalawang oras ay natapos nang mamili si Alexis ngunit si Mia ay nakabusangot pa din.
“Hey Mia, bakit nakasimangot ka pa din?” tanong ni Alexis.
“Wala Sir, pwede ba— “hindi natuloy ni Mia ang kanyang sasabihin dahil may biglang inabot si Alexis sa kanya.
“For you” – Alexis.
“Ano to sir?” nahihiyang tanong ni Mia, talagang ikinabigla niya ang ginawang gesture ng binata sa kanya.
“I just wanna say thank you sa pagsama mo sa akin, despite of kung paano tayo nagsimulang magkakilala.” Sincere na pagkakasabi ni Alexis.
Pinamulahan naman ng mukha si Mia, hindi niya maitago ang kilig na nadarama. Nakatitig lang siya sa regalong tinanggap mula kay Alexis.
“Alam mo baka himatayin ka na niyan kakatitig diyan” at nauna nang maglakad si Alexis.
“Tinamaan na nga ako sayo Alexis” nakangiti niyang banggit bago siya sumunod na may ngiti sa mga labi. Her heart beats so fast. Iba ang naging tam ani Alexis sa puso niya. She saw the gentle side of Alexis pero hindi niya alam ang tunay na pagkatao nito.
Nang makaramdam ng gutom si Alexis ay niyaya niya si Mia sa isang mamahaling restaurant ngunit bago sila makapasok ay nakasalubong nila ang hindi inaasahang tao.
“Mia? Its that you?” tanong nang isang lalaki. Ang lalaking iyon ay si Mauro. Si Mauro ay galing sa isang kilalang pamilya. Ang pamilya nila ay nagmamay-ari ng 5-star hotel sa Pilipinas. They also have a conglomerate. And his father ay nakapasok sa listahan ng forbes for the richest man in the country.
“Mauro? Anong ginagawa mo dito?” Mia asks.
“Well, magtatayo ng new resort si Dad dito so yun. Kumusta ka? Si Sean kumusta?”
Bago pa man sumagot si Mia ay may lumingkis na babae kay Mauro.
“Babe who are they?” tanong ng babae.
“Nah Nothing, let’s go” – Mauro.
“Okay” at naglakad na sila palayo kina Alexis at Mia.
Dahil sa inis ni Alexis ay sinugod niya si Mauro, hinawakan niya ito sa balikat at sinuntok sa mukha na ikinagulat ng dalawang babae.
“Babe” sigaw ng babae.
Agad naman na nagtungo si Mia kay Alexis para awatin.
“Sir Alexis tam ana” hinila niya ito palayo kay Mauro. At doon na huminahon si Alexis.
“What’s wrong with you?” tanong ni Mauro habang pinapahid ang kanyang duguang labi.
“Para yan sa kayabangan mo” maangas na turan ni Alexis. At dahil sa napikon si Mauro dito ay agad niyang pinuntahan si Alexis at sinuntok din ito, hanggang sa nagkasapakan na sila. Pilit silang inaawat ng dalawang babae ngunit hindi sila maaawat. Natigil lang ang kanilang suntukan ng may dumating na mga guards.
![](https://img.wattpad.com/cover/275332197-288-k866649.jpg)
BINABASA MO ANG
W8TING 4 U
RomansaThe story revolves to eight students na may iba't ibang pag-uugali at may ibat ibang level sa lipunan. Sean (Main Character) got a scholarship sa isang prestigious school sa maynila. Dito niya makikilala ang kanyang mga magiging kaibigan at iibigin...