EPISODE 47: SECRET PART 1
Tulalang naglalakad si Sean papunta sa kung saan man. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa kanyang mga narinig. Hindi niya alam ang kanyang gagawin. Both sides of the story ay alam niya. Alam niya na ang paghihiwalay ni Nigel at Ice ay isang malaking misunderstanding.
Napabuntong hininga si Sean sa kakaisip sa mga mangyayare.
“Ang lalim nun ah” bati ni Alexis sa nakaupong kaibigan sabay bigay ng soda.
“Ikaw pala yan Alexis” walang ka gana-ganang bati ni Sean.
“May problema ka ba?”
Tumango si Sean kay Alexis at sinimulang ikwento ang buong pangyayare.
***FLASHBACK***
Hindi makakilos si Sean sa kanyang mga narinig. Lumapit na si Nigel sa kanya ngunit hindi niya maintindihan or marinig ang sinasabi ng binata. Maging si Ice at Ivan ay lumapit na din.
“Sean let me explain” hinahawakan ni Ice ang braso ni Sean pero inaalis niya ito.
“What happen?” gulong tanong ni Nigel. Hindi niya alam ang nangyare kung bakit nagkaganito si Sean.
“Hayaan niyo muna ako” tulalang naglakad si Sean palayo sa kanila dahil sa makulit si Nigel ay sumunod pa ito.
“Sean ano bang problema? Anong ginawa niya sayo?” nag-aalala na si Nigel sa ikinikilos ni Sean.
“Pwede ba Nigel pakinggan mo ko. Hayaan mo muna ako please lang” umiiyak na si Sean habang sinasabi iyon.
Gulong-gulo na si Nigel sa mga nangyayare. Lumapit si Ivan kay Nigel at hinawakan ito.
“Pare hayaan na muna natin” pagpigil ni Ivan kay Nigel.
Nang makaalis na si Sean ay tinignan ng masama ni Nigel si Ice at sinugod ito sabay kinuwelyuhan. “Anong ginawa mo kay Sean. Diba sabi ko sayo. Stay away from him. Anong ginawa mo?” gigil na gigil si Nigel kay Ice.
Pumagitna na naman si Ivan sa dalawa. “Stop that Nigel, wala siyang kasalanan”
“So sinong may kasalanan? Ano ba kasing nangyare?” tumataas na ang boses ni Nigel.
“Narinig niya ata kami” sagot ni Ice.
“Anong pinag-usapan niyo na narinig niya? Ano yun?”
“Tungkol sa nakaraan natin” sagot ni Ice.
Unti-unting lumuwag ang pagkakahawak ni Nigel kay Ice. Hindi alam ni Nigel kung anong sasabihin niya. Naalala niya kasing naikwento niya kay Sean ang tungkol sa ex nito ngunit hindi niya binanggit ang pangalan.
***END OF FLASHBACK***
“Ano naman ngayon kung may nakaraan sila?” tanong ni Alexis.
Napalingon naman si Sean sa kaibigan at napaisip.
“Sean, hindi naman siguro mababago ng nakaraan kung ano ang tunay niyong nararamdaman ni Nigel sa isa’t-isa”
“Hindi ko alam Alexis, hindi ko alam. Natatakot ako na baka isang araw ay wala sa tabi ko si Nigel. Alexis ayoko dumating ang araw na yun. Hindi ko kakayanin”
Hindi alam ni Alexis ang sasabihin kaya niyakap na lang niya si Sean to ease yung pangangamba niya.
KInabukasan ay sabay na pumasok si Alexis at Sean. Habang papasok ay nakita nila na parang may iba sa paligid. Bawat estudyante ay nag-uusap usap at titingin sa cellphone nila.
“Anong meron?” tanung ni Sean.
Dahil sa curious din si Alexis ay agad niyang chineck ang cellphone niya. Then may lumapit sa kanila na tatlong estudyante at nagtanong.
![](https://img.wattpad.com/cover/275332197-288-k866649.jpg)
BINABASA MO ANG
W8TING 4 U
RomansaThe story revolves to eight students na may iba't ibang pag-uugali at may ibat ibang level sa lipunan. Sean (Main Character) got a scholarship sa isang prestigious school sa maynila. Dito niya makikilala ang kanyang mga magiging kaibigan at iibigin...