EPISODE 35: Different Emotions

102 3 0
                                    

EPISODE 35: Different Emotions

“Sir ganto kasi yan—” biglang natapik ni Sean ang baso sa kamay ni Marco and accidentally natapon ito sa puting longsleeve ni Marco. “Sir, I’m sorry”

“It’s fine” tumayo si Marco at hinubad ang polo sa harap ni Sean at sakto namang pagbukas ng pinto at si Nigel ang iniluwa nito. Hindi alam ni Sean ang magiging reaksyon niya ng makita sila ni Nigel sa ganoong sitwasyon.

“What are you doing here?” tanong ni Marco kay Nigel.

Ngumisi si Nigel at umupo sa katapat na sofa na inuupuan ni Sean.

“I’m their son too, so I think I have the rights na pumunta ditto whatever I want” sagot ni Nigel. Kitang-kita mo sa mata ni Sean na gulat na gulat siya sa nalaman niyang magkapatid si Marco at Nigel ibig sabihin ay nagtatrabaho siya sa hotel na pagmamay-ari ng pamilya ng kanyang boyfriend or lets say ex-boyfriend. Hiyang-hiya talaga si Sean kay Nigel, hindi pa siya handang harapin si Nigel dahil bukod sa nangyare sa kanya ay wala silang naging closure sa kanilang relasyon. Basta na lang niyang inignore ang mga messages and calls ni Nigel.

“—And hindi ko alam big bro na your into **tinignan ni Nigel si Sean mula ulo hanggang paa** what do I call him? Ahmm gay? Faggot? Ahhh I knew it, I will call him a cancer. But don’t worry I wont tell mom and dad regarding this kasi you’re the good one, but looking at both of you. Big bro you’re a disappointment.” May halong pang-aasar sa boses ni Nigel, dahil na din sa inis ni Marco ay binigyan niya ng malakas na suntok ang kapatid na siyang kinagulat ni Sean pero baliwala ang gulat niya sa sakit na naramdaman dahil sa mga below the belt na salita.

“Enough Nigel lasing ka na naman ba” sigaw ni Marco.

“Eh ano naman ngayon kung lasing ako, kaya nga ako umakyat dito para makatulog malay ko bang ganito ang maaabutan ko” ngingisi-ngising paliwanag ni Nigel “At kung hindi ako iniwan ng taong mahal ko hindi ako magkakaganito. Kaso mukhang masaya naman na siya sa iba” dugtong nito.

Hindi kinakaya ni Sean ang mga salitang binibitawan ni Nigel kaya tumayo ito at nagpaalam kay Marco. “Sir, I need to go na po. Baka hinahanap na po ako sa baba”

“Okay sige, I’ll talk to you later na lang” pagpayag ni Marco.

Tumango na lang si Sean bilang tugon ngunit subalit dadapwat bago siya makarating ng pinto ay muling nagsalita si Nigel.

“Hey fag, magkano binayad sayo nitong kuya ko?” tatawa-tawang sigaw ni Nigel.

Hindi makasagot si Sean, gustong gusto niyang sigawan si Nigel dahil sobra sobra na ang pambabastos nito sa kanya pero hindi niya magawa. Alam niyang isa siya sa dahilan kung bakit ganito ang pakikitungo sa kanya ni Nigel.

“Nigel I said ENOUGH” may diin na sa tono ni Marco. Galit na ito dahil sa pinapakitang ugali ng nakababatang kapatid.

Hindi na lang ito pinansin ni Sean at nagpatuloy ng maglakad.

“Babe” sigaw ng isang babae pagkapasok na pagkapasok sa loob. Tumayo naman si Nigel at lumapit sa babae at hinalikan ito sa labi. Kitang kita ni Sean kung paano halikan ni Nigel ang dalaga. Hindi na kaya ni Sean ang kanyang nakikita kaya dali-dali itong lumabas ng unit, agad siyang dumeretso sa fire exit at doon ibinuhos ang sakit, lungkot at bigat na nararamdaman. Hindi niya inexpect na magiging ganito ang epekto ng ginawa niya kay Nigel. Bukod sa hindi na siya kinikilala ni Nigel ay mayroon pa itong kasintahan.

Matapos ng pagkakabalikan ng relasyon nina Alexis at Ethan ay tila nasa alapaap si Ethan. Hiindi niya mawari ang sayang nadarama. Buong gabi siyang hindi makatulog dahil sa kasiyahang nadarama, naeexcite siya na magkikita muli sila ni Alexis bilang magkasintahan.

W8TING 4 UTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon