EPISODE 30: RECONCILE

100 5 0
                                    

EPISODE 30: RECONCILE

Nasa dalampasigan ngayon sina Sean at Alexis. Medyo makulimlim ang kalangitan at tila nagbabadya ang mabigat na pagbagsak ng ulan. Humahampas na din ang mga malalakas na alon.

“Anong gusto mong sabihin?” inis na tanong ni Sean.

“Sean hindi ko alam, wala talaga akong alam sa nangyare kay Isaac.” Malungkot na pagkakasabi ni Alexis.

“Exactly wala kang alam. Dahil iniwan mo siya”

“Sean alam ko na alam mo na hindi ko siya iniwan, nasaktan din ako”

Napaisip si Sean sa mga sinabi ni Alexis. Pero ayaw niyang magpatalo dito. “Pero lumapit si Isaac sayo, he wants to tell you kung anong nangyayare sa kanya, pero anong ginawa mo? Iniwan mo siya?”

“Bakit Sean, I’m asking you. Mali ba na masaktan ako sa ginawa niya? Dumating siya o let say narealize niya na mahal niya pa ako because ginigipit na siya ni Leo. Pero Sean, huli na ang lahat wala na akong nararamdaman sa kanya.”

“Pero—” napahinto si Sean dahil narealize niya lahat ng sinabi ni Alexis ay may punto. Iniwas niya ang tingin kay Alexis. “Sorry, I didn’t know na ganyan na pala ang nararamdaman mo”

“Sean, sising sisi na ako sa nangyare sa kanya. Hinang hina ako ng marinig ko yung balita”

Niyakap ni Sean ang umiiyak na si Alexis. “I’m sorry, I really sorry. Hindi dapat kita sinisi sa mga nangyayare.”

“Sean sorry din, can we go back sa friendship natin”

Humiwalay si Sean kay Alexis at tumango ito.

Ngumiti si Alexis at niyakap ng mahigpit si Sean.

“Thank you, thank you.”

After ng pag-uusap nila ay nakita ni Sean na nakatingin si Nigel at Mia. Iba ang tinginan nila, lalo na si Mia. Nang mapansin ni Mia na nakatingin si Sean ay dali-dali itong tumakbo palayo.

“Mia” sigaw ni Sean at hinabol ang kapatid.

Pero pinigilan siya ni Nigel. “Hayaan mo muna siya”

“Pero—”

“Magpahinga muna tayo sa inyo, the two us ay kulang pa din ang tulog.”

Tumango na lang si Sean bilang tugon. Lumapit naman si Alexis sa dalawa.

“Gusto niyo bang pumunta muna sa place ko?” pagyaya ni Alexis.

“Maybe some other time, need din kasi magpahinga ni Sean sa bahay nila.” Sabay akbay ni Nigel kay Sean. He wants to tell Alexis na si Sean ay sa kanya.

“Ahm okay, sige mauna na ako sa inyo” at naglakad na palayo si Alexis. Si Sean at Nigel naman ay bumalik sa bahay nila Sean. Pagdating doon ay agad ding nakatulog ang dalawa dahil sa pagod.

Gabi na ng nagising si Sean, si Nigel naman ay mahimbing na natutulog sa tabi ni Nigel. Bumangon si Sean at nagtungo sa kusina ng madatnan niyang aligaga ang mother niya.

“Ma anong nangyayare?” tanong ni Sean.

“Anak alas onse na ng gabi pero wala pa din si Mia.”

“Paanong? Tinawagan niyo na po ba ang pinagtatrabahuhan niya?”

“Oo pero wala siya doon”

“Hahanapin ko siya” dali-daling lumabas ng bahay si Sean at agad hinanap si Mia. Agad siyang nagtungo sa pinagtatrabahuhan nito at napag-alaman niyang hindi ito pumasok ngayong araw.

W8TING 4 UTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon