Episode 8: Jealousy Part 2

106 7 1
                                        

Episode 8: Jealousy Part 2

3rd Person’s Point of View

“Sean can we talk?” – Nigel

“Sean may sasabihin ako” – Kenneth.
Sabay na nagsalita si Kenneth at Nigel. Nagpalipat-lipat naman ang tingin ni Sean sa kanilang dalawa. Si Kenneth naman at Nigel ay nakatingin sa isa’t-isa. To break the silence nagsalita si Nigel.

“Sige mag-usap na muna kayo ni Kenneth” sabi ni Nigel kay Sean “and una na ako guys, may gagawin pa pala ako” pag-iwas ni Nigel sa sitwasyon at dali-dali itong umalis sa harap nila.

“Ah sige, alis na din kami ni Ethan” sabi ni Ivan sabay akbay kay Ethan. Si Ethan naman ay nagtataka kasi wala naman silang gagawin ni Ivan.

Tumingin si Ethan kay Ivan, then Ivan gave him a “sumakay ka na lang” look. Agad din naman na gets ni Ethan ang gustong sabihin ni Ivan.

“Ahh, oo we have to go. Bye Sean” pagpapaalam ni Ethan at nagmadali na silang umalis.

“Anong nangyare sa kanila?” tanong ni Sean kay Kenneth.

“Ewan, ayaw mo ba nun dalawa na lang tayo. Namiss ko kaya ang bestfriend ko” sabay pisil-pisil ni Kenneth sa psingi ni Sean. Umakbay si Kenneth kay Sean “sa bahay ka na lang matulog today” sabi nito habang naglalakad sila.

“Bakit may problema ba kayo ni Cristy?” tanong ni Sean.

“Wala lang, nagseselos ako kay Nigel.” Napatingin naman si Sean kay Kenneth at inalis ang pagkakaakbay nito.
“At bakit ka naman nagseselos doon?” takang tanong ni Sean.

“Sa kwento kasi ni Ivan mukhang close na close na kayo eah, nakalimutan mo na nga ata ako” nakapout na explanation ni Kenneth, and Sean’s found it cute. Lumapit siya kay Kenneth at hinawakan ang pisngi nito.

“Don’t act like a baby, remember you have gf na” nasaktan mismo si Sean sa mga sinabi niya, pero di niya ito pinahalata sa kaibigan.

“But I want to be a baby in front of you, para alagaan mo ako” pagpapacute ni Kenneth.

“Naku tigilan mo nay an **hinila niya si Kenneth** payag na ako magovernight sa inyo”.

“YES!!!” sigaw naman ni Kenneth ng mapapayag niya si Sean na mag overnight. Sakay ng sasakyan ni Kenneth ay tumungo sila sa bahay nito. Pagpasok ng bahay ay agad na silang dumeretso sa dining room.

“Mom were here na” sigaw ni Kenneth. Nagulat naman ang mom ni Kenneth ng makita si Sean.

“Sean ikaw ba yan? Akala ko naman kung sino ang dadalhin ni Kenneth ikaw pala.” Tuwang-tuwa sabi ng Mommy ni Kenneth, pumunta siya kay Sean at niyakap ito.

“Opo Tita kumusta na po kayo?” sabi ni Sean.

“Tita? Before you always call me Mommy” reklamo ng Mommy ni Kenneth.

“Mom pakainin mo muna kaya yang si Sean” singit ni Kenneth sa usapan ng dalawa.

“Manahimik ka diyan, alam mo naman na ngayon ko lang nakita tong Baby Bunso ko eah” nakapout na sabi ng Mom ni Kenneth at inalalayan paupo si Sean sa tabi nito.

“Mom unico ijo kaya ako” reklamo naman ni Kenneth.

“Magtigil ka, si Sean pa din ang baby bunso ko” – Mom ni Kenneth.

Sobrang close kasi ang family nilang dalawa before pa nung nasa province pa lang sila. Madalas kasing hinihiram ng Mommy ni Kenneth si Sean sa Nanay nito. Madalas ding natutulog si Sean sa kanila kaya anak na ang naging turing nito kay Sean. Matapos magkamustahan at maghapunan ay umakyat na si Kenneth at Sean sa room.

W8TING 4 UTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon