Episode 6: My Hero

121 8 1
                                        

Episode 6: My Hero

3rd Person's Point of View

"Ni...Nigel" utal na sabi ni Sean. Hinawaka ni Nigel ang pisngi ni Sean at unti-unting nilapit ang mukha. Dahil sa di malamang dahilan ay pumikit si Sean at naghihintay ng isang malambot na labi na dadampi sa kanyang mga labi.

"Ehem" napahiwalay si Nigel at Sean sa isa't-isa ng marinig ang Ehem. Tumingin silang dalawa kung saan ito nagmula.

"Ivan anong ginagawa mo dito?" inis na tanong ni Nigel. Tumayo naman si Sean at pumunta sa mesa.

"Tsk tsk, mukhang nahuhuli na ata ako sa balita ahh, kaya wala kanina sa basketball practice ibang practice pala ang gagawin" pang-aasar ni Ivan. Binato naman ni Nigel ito ng unan.

"Tigilan mo ako Ivan, masama ang pakiramdam ko" inis na sabi ni Nigel.

"Nigel kumain ka muna oh" bitbit ni Sean ang lugaw at gamot.

"Hubby kain ka muna sabi ng wifey mo" pang-aasar ulit ni Ivan. Inis na inis si Nigel dahil nahuli siya sa balak nito kanina, at patuloy pa din itong inaasar. Umupo sa tabi niya si Sean at akmang susubuan siya ni Sean ay itinabig ito.

"I don't need your help" tumayo si Nigel at dumeretso ng banyo.

Napayuko na lang si Sean sa ginawa ni Nigel.

"Pare naman" biglang naging seryoso din si Ivan.

"Don't mind him, mainit lang siguro ang ulo niya" malungkot na pagkasabi ni Sean.

"Don't worry Sean igaganti kita pag nawala na ang lagnat nun" pagcomfort na lang ni Ivan kay Sean.

"It's okay, salamat" sabi ni Sean.

Umalis na lang si Ivan sa dorm nina Sean. Si Sean naman ay pumunta na lang sa kama niya at humiga, masama ang loob niya kay Nigel. Bukod sa napahiya siya ay nasayang pa ang effort niya sa pagmamagandang loob.
Lumabas si Nigel sa banyo, nakita naman niyang nakahiga na si Sean, pumunta siya sa lamesa at kinuha ang pagkaing binili ni Sean inubos niya ito at uminom ng gamot.

"Salamat" iyang ang huling sinabi ni Nigel bago niya patayin ang lamp shade at natulog

Matapos ang pagkikita nina Alexis at Isaac sa restaurant kanina ay hindi pa din sila nagpapansinan. Alexis doing his homework sa kama niya while si Isaac naman ay sa may study table nila.

"Babe" si Isaac na ang bumasag ng katahimikan. Patuloy pa din si Alexis sa ginagawa niya. "Babe" tawag ulit ni Isaac.

Tinanggal ni Alexis ang earphone niya. "May sasabihin ka?" cold niyang pagkakasabi.

"Yung nakita mo kanina sa restaurant, si kuya Bon yun. Kaibigan ng kuya ko." Pag-explain ni Isaac.

"I know. Si Bon Chan, family friend niyo ang family niya, close ng family at mga kapatid mo. Ang family nila ay may business sa china..." may sakit sa puso ni Alexis habang sinasabi ang mga kataga.

"Babe" singit ni Isaac sa mga sinasabi ni Alexis.

"Your idol at higit sa lahat first boyfriend. I mean first love mo **tumayo si Isaac at umupo sa kama ni Alexis** samantalang ako, isang probinsyano lang" yumakap si Isaac kay Alexis.

"Babe don't say that, ikaw pa din ang mahal na mahal ko. No matter what, ano man ang meron ka ikaw lang ang nandito" sincere na pagkakasabi ni Isaac kay Alexis. Hinalikan ni Alexis ang noo ni Isaac.

"I love you babe, and I miss you" bulong ni Alexis kay Isaac at hinalikan niya ito sa labi. Humiwalay si Isaac.

"Babe naman, right now talaga?" sabi ni Isaac.

W8TING 4 UTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon