Arat at bigyan na ng eksena si Abilene at Gioval sa susunod na kabanata. Gusto kong magsumbatan sila sa sakit pero nagdadalawang isip ako. HAHAHAHA
Sampalin niyo nalang ako HAHAHA.
Isang magandang simula para sa Author na nagpapaluha.😊
Kawawain natin si Abilene since nainis kayo sa kanya at the same time mahalin niyo siya dahil sa buhay na pinagdaanan niya kung bakit nga ba napakasungit at napakatigas niyang babae.😉
Madami pa talaga akong plano para sa kwento na ito at nawa'y huwag niyo akong iwan at samahan ako hanggang sa katapusan ng kwento. Hanggang muling kabanatang ilalabas ko mga Sweeties. Salamat sa walang sawang pagsuporta sa akin. Pwede niyo akong i-add sa facebook — Sweet Aga ang account ko sa facebook. Pwede tayong mag-usap doon at magchikahan about sa mga sa kwento ko.
Salamat ulit.
Enjoy Reading:)
Abilene
Napatayo ako sa pagkakaupo ko nang pumasok si Monique sa opisina ko. Inaaral ko kasi lahat ng bank account na padadalhan ko ng paunang bayad ng mga utang ni Dad.
Inuuna kong bayaran ang mga taong naniningil sa amin at ihuhuli ko na lang ang mga pinagkautangan ni Dad na mukhang wala namang pakialam. Hindi talaga kakayanin ng ipon ko kung lahat babayaran ko ng sabay-sabay.
Hindi rin naman gano'n kalaki ang savings ko.
Nakila Auntie na nga kami nakatira, sa mga magulang ni Monique. Ramdam kong hindi kami welcome ni Deo sa bahay nila pero nilulunok ko na lang ang masasama nilang tingin kapag nagkakasalubong ang mga paningin namin.
Hindi pwedeng maghanap kami ng mauupahang apartment lalo't dadagdag lang 'yon sa gastusin. Deo and I need to make progress, even a bit, before spending for ourselves. Naibenta ko na ang ilang mga gamit namin sa mansyon para may maipaunang bayad sa mga pinagkautangan ni Dad.
"Pwede bang ikaw na muna ang magbantay, Abi? May iniutos lang si Mom sa akin, malapit lang 'yon kaya mabilis lang ako," paalam sa akin ni Monique.
Nakahanap kasi si Monique ng magandang location na marerentahan namin para sa clothing line na sinimulan ko lang last month. On process pa lang ang mga papers nito pero nagbukas na kami.
I used Monique's name on every paper we needed. May takot kasi sa dibdib ko na baka masira ang pangkabuhayan ko dahil sa isyu ni Dad. Mainit pa naman ang pangalan ng pamilya namin ngayon.
Kilala rin naman ang Clothing line ko rito sa Pilipinas kaso hindi ko pwedeng gamitin ang pangalan ko ngayon na kailangan namin ng business permit.
"Sige, bumili ka na rin sa labas ng meryenda natin. Kanina pa tayo nandito wala man lang bumibili."
"Natatakot kang malugi ang pinuhunan mo rito?" tanong niya sa akin kaya natawa ako.
"Sinong hindi matatakot? Alam mo kung magkano ang pinuhunan ko rito. Nag-uumpisa palang tayo kaya alam kong mahihirapan tayong makakuha ng customer," malamig na sabi ko sa kan'ya kaya nanahimik siya.
Umalis na lang si Monique kaya ako ngayon ang nagbabantay ng shop. Buti at magaling makiusap sa mga supplier si Monique kaya nakapagbukas kami agad.
"Good aftern---"
I wasn't able to finish what I was going to say when I saw Gioval, and our eyes met. Nalipat ang paningin ko sa katabi niyang babae, nakayuko ito at tila may hinahanap sa shoulder bag na hawak nito.
BINABASA MO ANG
His Beautiful Nightmare - COMPLETED - SELF-PUBLISHED
Romance[HIS SERIES 1] [SELF-PUBLISHED] "No one is born heartless; adversities make them."- Gioval Guiverra Gioval Guiverra is the man who seeks revenge to Ryemundo Villareal who ruined his life for using him as a puppet. The man who used him to steal mone...