Chapter 7

2.6K 74 7
                                    

Gioval niyo pagod na... HAHAHA




🥺



Enjoy Reading:)





Abilene

"Iba talaga kapag dumating ang karma sa masasamang tao, 'no? It's so scary," he said sarcastically.

Ibinaba ko ang kubyertos na hawak ko habang nakatitig sa plato ko. Kasalukuyan kasi kaming naghahapunan.

Alam kong patama sa amin ang sinabi ng ama ni Monique.

"Daddy." There was a warning in Monique's voice so I just grinned.

"Sinong mag-aakalang ako ang kukupkop sa anak ng gagong 'yon at may sabit pang isa."

I looked at Deo, because I knew he was the one Monique's father was referring to. I saw him darted his soft gaze.

I know that they have a grudge against my Dad, but I never thought that he would embarrass us like this.

"Dad, naparami ka na ng inom," mahinang sabi ni Marcus, ang kapatid ni Monique.

"It's good if you go to sleep, Dad." Monique stood up but her father shook his head.

"Ano'ng pakiramdam na nasa kulungan ang ama mo, huh Abi? Balita ko baon kayo sa utang," pang-iinsulto niyang sabi sa akin kaya napatingin ako kay Monique.

Pinipigilan ko ang magalit dahil ilang araw nang masama ang loob ko dahil sa problema namin ni Deo. Napangiti na lang ako ng mapait bago tumingin sa ama ni Monique.

Isa 'to sa dahilan kung bakit ayaw kong magkaroon ng utang na loob sa kahit na kanino.

"Uncle, you can tell me if you don't want me to live here, I can leave. Damn, I have a lot of money," I said with a smirk on my face while looking at him. "You don't have to waste your spit to say what Dad did to you in the past."

I could clearly see the anger in his eyes.

Tumingin ako sa kapatid ko at ngumiti sa kan'ya para iparating na ayos lang ang lahat.

"Have you finished eating? Is it good? That's okay. Kain ka lang nang kain since pera naman ni Ate ang pinambili ng pagkain na 'yan," nakangiti kong sabi kay Deo na mukhang nahihiya na before looking at Monique's parents.

Ayaw umimik ni Monique kasi alam niyang hindi ako magandang kalaban lalo't alam ko kung paano ipagtatanggol ang sarili ko.

"Don't forget that I was the one who helped Monique when she couldn't find a job to support y'all. Pwede niyo naman sabihin sa akin ng harapan na hindi niyo kami gustong patuluyin dito," malamig na sabi ko bago ako tumingin kay Deo.

"Abilene, please," Monique begged.

Para bang sinasabi niya lang na tumigil na ako kahit na may karapatan naman akong magsalita at ipangtanggol ang sarili ko sa pang-iinsulto nila.

"Uncle, kaya kong buhayin ang sarili ko, hindi mo ako kailangang insultuhin. Kung si Dad lang ang may atraso sa 'yo, p'wes sa kan'ya ka lang magalit," kalmadong sabi ko.

Hindi siya nakapagsalita dahil sa sinabi ko kaya tumingin ako kay Deo.

"Ano? Done?" I asked softly to him.

Tumango naman siya kaya aayain ko na sana siya para umalis sa hapagkainan nang magsalita na naman ang Ama ni Monique.

"Hindi sana kami magdadanas ng kahirapan kung hindi dahil sa panloloko ng Ama mo!" galit na galit na sigaw ni Uncle kaya napabuntong hininga ako.

"Uncle, ang ama ko... hindi ako. Kaya kung gusto niyong maglabas ng sama ng loob, bakit sa akin? Ako ba ang nanloko sa inyo? Ako ba o si Deo ang dahilan kung ba't kayo naghirap?"

His Beautiful Nightmare - COMPLETED - SELF-PUBLISHED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon