Chapter 26

2.9K 80 22
                                    

Happy 3,060+ Followers Sweeties. Thank you so much.❤️

Enjoy Reading:)

Abilene

"Ate, halika po! Labas ka!" sigaw ni Dada at papasok siya sa maliit na bahay kung nasaan kami tumutuloy sa Palanan.

My stomach is six months old now. I've been holding it for six months now. I said I was just going to rest here in Palanan, but now I am here and want to live here forever. Sobrang ganda rito sa Palanan at pakiramdam ko wala akong problema.

This is where I want to live... away from trouble, away from pain, away from Daddy's debt, and most of all away from Gioval. It's hard for me to stand up because my tummy is already big. I'm about to give birth. Malapit na akong manganak, makikita ko na ang baby ko.

I opened the door of the house where Deo and I were renting, and I smiled when the fresh air hit me. I could hear the water hitting the sand.

"Ate Ganda!" sigaw ni Mauel na siyang kapatid na lalaki ni Dada.

"Ate Abi, tignan mo si Kuya Jeorge na nagsisibak ng kahoy," sabi ni Dada.

Dahil nga malayo ang bilihan ng gasul dito sa dalampasigan ay kailangan talagang gumamit ng pugon para lang makapagluto, rito ko sa Palanan nalaman kung paano gumamit ng pugon. Meron noon kila Giovanni sa Santiago pero hindi ko naman alam gumamit no'n.

Napangiti ako nang makita ko si Jeorge na nagsisibak ng kahoy samantalang nag-iigib naman si Deo ng tubig namin sa 'di kalayuang poso. Minsan naman binabayaran ni Jeorge si Mauel kapag nag-iigib ito ng tubig para may magamit kami sa paghuhugas ng pinagkainan o sa pangligo.

Noong una, nakakapanibago pero nang makaramdam ako ng kaginhawaan ay gusto ko na lang na tumira rito. Ayaw ko nang bumalik sa Manila para harapin lahat ng problema na ginawa ni Daddy.

I know I'm running away from my problem again, but I know Gioval and we'll both be destroyed if I didn't leave. It's not good when we're both angry because I know I can say harsh words to him, and he would do the same to me.

Kaming tatlo nila Deo ay masaya kami rito at 'yon ang importante.

"Ate Ganda, kapag hindi ka lang buntis at hindi ka lang binabantayan ni Kuya Jeorge ay talagang popormahan kita," sabi ni Mauel lalo't walong taong gulang palang siya kaya natawa naman ako.

Ang kulit-kulit niya talaga.

"Iparinig mo 'yan kay Kuya Deo o kay Kuya Jeorge mo, siguradong may pingot ka na naman mula sa kanila," tumatawang sabi ko at ginulo ang buhok niya. Gustong-gusto ko ang kulay ng balat ni Dada at Mauel, moreno't morena, talaga nga namang magkapatid sila.

"Ang gwapo po ni Kuya Jeorge at Kuya Deo. Gan'yan po ba ang mga taga Manila? Ang ganda rin po ng lahi niyo," sabi sa akin ni Dada kaya napailing na lang ako.

"Mas magaganda kayo rito sa probinsiya," mahinang sabi ko.

Nakita ko ang pagsilay ng magandang ngiti sa mga labi ni Dada kaya naman mas lumawak ang ngiti ko.

"Alam mo ba na ang ganda-ganda mo. Walang makakatalo sa ganda mo na taga Manila," sabi ko pa.

Gustong-gusto ko ang mga tao rito sa Palanan, kahit maliit lang ang populasyon ng mga nakatira rito ay hindi ka nila iisipan ng masama dahil lang sa dayo ka rito. May ngiti sa mga labi nila nang tanggapin nila kami rito.

I'm so thankful to Mauel and Dada because ever since we got here in Palanan they're always here to help us in every way they can to settle in our new home.

"Sabihin mo kung natalo na kita sa ganda, Ate Abi. Ang ganda mo po, sa tingin mo ba may mas gaganda pa sa 'yo rito sa lugar?" Natawa naman ako sa tanong ni Dada dahilan kung bakit nakita kong nagningning ang mga mata niya na tila masyado niyang hinahangaan ang mukhang meron ako.

His Beautiful Nightmare - COMPLETED - SELF-PUBLISHED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon