Chapter 20

3K 63 3
                                    

Happy Reading and Happy Valentine's Day Sweeties. 🌼✨

Happy 2,381 Followers sa akin — sa atin Sweeties. Mahal na mahal ko kayo.🌼✨

🥀

Abilene

I woke up when someone knocked on my bedroom door. But that didn't catch my attention, but rather the man who's sleeping beside me. His arms were securely wrapped around me.

My heart almost jumped out of my chest when I realized who that man was.

Gioval.

Kusang gumalaw ang kanang kamay ko at hinaplos ang buhok niyang tumatabon sa noo niya. Hindi ko na gustong matapos ang oras na 'to. Pinagdadasal ko na sana huminto na lang ang oras para matagal kong masilayan ang lalaking katabi ngayon.

I know he has a girlfriend. It's not new to me if I steal Gioval from Ricky but it won't feel good. My wrong decision in life has taken a toll on my heart. Hindi ko na gustong manira pa.

Gusto kong maiyak dahil nakikita ko si Gioval sa kama ko mismo, sa tabi ko mismo, at sa piling ko mismo. Parang kahapon lang noong kasama ko pa siya at malayang nahahawakan at napagmamasdan ang mukha niya nang walang iniisip na pag-aari siya ng iba. Masakit sa akin pero hindi ko naman kayang maging masama at kunin s'ya sa iba. I don't want to force myself on anyone anymore.

Baka mapatay na ako ni Gioval kung magkataon.

I feel like I want to go back to the time when I still owned him, but he's Ricky's man now. If only I had known that I would become such a worthless woman, I would not have let him go then.

Dahil sa mataas kong pangarap ay may pinakawalan akong taong mahal na mahal ako noon. Kung nakuntento na lang sana ako noon. Nasa huli talaga ang pagsisisi.

Ngayon hindi magtatagal ay pakakasalan na niya si Ricky. May anak kami, pero kahit na gano'n ay hindi ko pwedeng gawin ang ginawa ko noon kay Giovanni.

Oo nga't may bata sa sinapupunan ko at hindi na ako nagpapanggap ngayon, pero hindi ako pwedeng bumalik sa dating Abilene na sisira ng buhay ng iba. Ikakamatay ko kung ang buhay na ni Gioval ang sisirain ko.

Gioval stirred from his sleep, unconsciously tightening his grip around my waist, and hid his face on the crook of my neck. In that moment, I felt a tug in my heart. It seemed like my heart wants to burst from happiness. It feels so good that it fucking hurts.

Napangiti naman ako dahil sa ginawa niya

Naalala kong ito ang paborito niyang parte ng katawan ko. Palagi niyang sinisiksik ang mukha sa leeg ko at sinasabi kung gaano niya ako kamahal.

Maya-maya lang ay inabot ko naman ang cellphone ko at nag-message kay Jeorge at Deo na huwag gambalain ang tulog ko. Ilang sandali lang ay tumigil ang katok sa pinto ng kwarto ko. Sa totoo lang talaga ay ayaw kong magising si Gioval, hindi ko rin gusto ang magiging reaksyon niya kapag nakita niya kami sa ganitong posisyon. Hindi naman masama na unahin ko muna ang sariling kasiyahan.

He looks really tired today.

Gusto ko naman maramdaman pa ang yakap niya at makapagpahinga sa mismong tabi ko.

I heard him grunt, and it seemed like he was going to wake up any moment. So, I stole a quick kiss on his forehead. This is the only time I can do this. Because by the time he wakes up, I know he will be angry at me. I just want a little more time with the man who has my heart.

Kapag gising na siya ay hindi ko na 'to magagawa at sigurado kong makikita ko na naman ang galit na emosyon sa gwapo niyang mukha.

Mag-aaway na naman kami kapag gising siya. Kahit sana natutulog siya ay maramdaman ko ang yakap niya kasi pakiramdam ko ay yakap niya rin ang anak namin sa sinapupunan ko. Para maramdaman naman ng anak ko ang yakap ng isang ama.

His Beautiful Nightmare - COMPLETED - SELF-PUBLISHED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon