Tissue please! Joke lang HAHAHA go! wala pa.
Enjoy Reading Sweeties:)
Abilene
Sinusubukan kong tawagan si Gioval ngayon. Kagabi ko pa siya actually sinusubukan na kausapin sa telepono kaso hindi naman siya sumasagot.
I kept his promise that he will come home on Dali's birthday.
No matter how bad he feels towards me and no matter how bad Gioval is to me, he definitely can't ignore Dali the way he ignored me.
I'm confident that Gioval's going home for Dali. He loves Dali so much; I know he will come home to be with our daughter on her first birthday.
"Bakit ayaw mong sumagot?" mahinang tanong ko at sinubukan ulit pero mukhang nakapatay ang telepono niya kaya napahawak na lang ako sa noo ko.
"Kuya Jeorge is coming, is it okay?" Deo asked me so I laughed.
"Oo naman, kahit sino pwedeng pumunta. Ito ang unang birthday ni Dali, hindi ko man maibigay 'yong magarbong selebrasyon at least, may mga taong dadalo na tunay na nagmamahal sa kan'ya," nakangiting sabi ko.
Simpleng handaan lang kasama ang mga taong napalapit sa anak ko.
"Ate Ganda, ang lambot talaga ng kama mo." Biglang sumulpot si Mauel sa likod ni Deo.
Dalawang araw na silang nandito. Pumunta talaga sila nang tumawag ako kay Noah. Talagang nagmakaawa ako kung sinong pwedeng dumalo sa kaarawan ni Dali.
Nandito si Dada, Noah, si Mauel, at si Mang Kaloy.
Sila lang ang nakapunta lalo't hindi talaga nakayanan nila Manang Loti dahil walang magbabantay sa mga pananim nila pero dala-dala naman ni Noah ang mga regalo galing sa kanila para kay Dali.
Who would think that I prefer the people who helped us in Palanan than my rich friends?
Hindi ko nga alam kung kaibigan ko pa sila.
Natapos na ang birthday ko, walang Gioval na dumating pero hindi naman ako nagrereklamo doon. Ayos lang sa 'kin. Hindi importante ang kaarawan ko rito ngayon. Nagdagdag lang naman ulit ng isa pang taon e, pero ang kaarawan ni Dali, ito ang unang taon niya sa mundo. Gusto kong makasama niya ang mga totoong taong nagmamalasakit sa amin.
"Ate Ganda, hindi ka nakikinig sa 'kin," sabi ni Mauel.
Sobrang iyak ni Mauel noong nagkita kami ulit. May condo si Noah dito pero mas pinili ni Mauel matulog sa condo ni Gioval kasama kami.
Hindi pala tumatabi sa akin. Mas tumatambay pa sa nursery room kasama si Dali.
"Where's Dali?" I asked Mauel.
Nine years old na ito at binata na. Malapit na!
"She's sleeping. Oh, English 'yon! Hindi mo kinakaya ang galing ko, Ate Ganda," tumatawang sabi niya kaya napahawak na lang ako sa noo ko at malakas na tumawa rin.
"Mauel, sige na magbihis ka na nga," tumatawang sabi ko kaya naman nagmamadali siyang tumakbo sa taas kung nasaan ang kwarto ni Gioval.
Early dinner lang din naman ang mangyayari pero naka-decor na sa condo. Napatingin ako sa mga letters na nakadikit sa ding-ding dito sa sala.
'Happiest 1st Birthday Adalia Gail!'
Plano ko sanang isabay na ang binyag niya ngayon pero gusto ko naman na sabay kaming magpaplano ni Gioval lalo't siya naman ang ama ni Dali.
BINABASA MO ANG
His Beautiful Nightmare - COMPLETED - SELF-PUBLISHED
Romansa[HIS SERIES 1] [SELF-PUBLISHED] "No one is born heartless; adversities make them."- Gioval Guiverra Gioval Guiverra is the man who seeks revenge to Ryemundo Villareal who ruined his life for using him as a puppet. The man who used him to steal mone...