Enjoy Reading, Sweeties 📌Abilene
"You're totally fine, Mrs. Guiverra. Just like the last few months. I'll say the same thing, there's nothing wrong with your brain." I smiled at Dr. Castillo said.
Nandito kasi kami sa Manila dahil recognition ng mga bata.
"Thank you so much," I whispered. Naramdaman kong pinisil ni Gioval ang kamay kong hawak niya.
"Sinabi ko naman sa 'yo e. Nahihilo ka lang kasi stress ka sa mga bata," mahinang sabi ni Gioval kaya tumango na lang ako.
Tila nabunutan ako ng tinik sa dibdib nang malaman kong ayos lang ako.
"Si Papa talaga nag-aalala rin sa 'yo. Hirap na nga lang tumayo, gusto pang sumama kay Deo sa New York," mahinang sabi ni Gioval habang papalabas kami sa opisina ni Dr. Castillo. Sakto namang paglabas ko ay nakita namin si Ricky na mukhang papadaan lang.
"Kayo pala," nakangiti niyang sabi kaya napangiti na lang ako.
Matagal na kaming nagkaayos ni Ricky lalo't ayaw ko ng kahit na anong gulo nang magpatayo kami ng bahay rito sa Manila. Syempre, madalas pa rin kami sa isla kaso nang mag-aral ang mga bata rito ay napag-isipan namin ni Gioval na rito na manirahan kaya tuwing bakasyon na lang kami nakakauwi sa isla ni Gioval.
Si Dad naman ay nanatili na sa isla kasama ang private nurse niya lalo't payapa raw roon at kaya pa naman daw niya. Ilang taon na ba ang lumilipas? Limang taon na rin. Ang bilis sobra pero masaya naman kami, 'yon ang mahalaga.
"Kumusta? Kapapanganak mo lang, 'di ba?" tanong ni Gioval kaya natawa naman si Ricky.
"Kailangan kong bumalik ng trabaho ko lalo't kailangan talaga ako sa dami ng pasyente. Saktong nagkaroon ng emergency sa pamilya ng pumalit sa akin noong buntis pa ako kaya no choice," nakangiti niyang sabi.
"Kung gano'n ay mauuna na kami, kailangan pa naming sunduin ang mga bata kila Mom," nakangiting sabi ni Gioval.
"See you around," Ricky said.
Ngumiti ako sa kan'ya at nagpaalam na rin.
"Kilala mo napangasawa ni Ricky?" tanong ko nang makasakay ako sa BMW ni Gioval.
"Siya na ngayon ang may pinakamalaking insurance companies, banks, real estates dito sa Pilipinas. Balita ko expanded na rin ang Del Fuego Kingdom including chain of hotels and condominiums."
"Gano'n kayaman?" tanong ko lalo't mukhang hindi naman halata kay Ricky. Noong huling nakita ko ang asawa ni Ricky ay nang kausap ni Gioval tungkol sa business.
Ang lamig ng aura at nakakatakot din talaga. Tindig palang niya ay aakalain mo nang panganib.
"Ang hirap niyang ligawan sa business. Hindi mo akalain naging Governador," mahinang sabi ni Gioval kaya naman napatango ako.
"Mukhang masaya naman na si Ricky."
"Especially considering how she didn't express it to me, Ricky deserves to be happy."
"I'm sorry," I whispered dahilan kung bakit natigilan si Gioval.
Malaki rin naman kasi ang naging kasalanan ko kay Ricky.
"Why are you sorry? Para saan ang paghingi mo ng tawad, love?" Gioval asked.
"Kasi 'di ba? Nagloko ka sa kan'ya dahil s-sa a---"
"Stop, Abilene. It was a long time ago. The blame should be on me alone. Stop this, baby."
Napanguso naman ako dahil sa sinabi niya kaya hindi na lang ako nagsalita hanggang sa hawakan niya ang kamay ko at hinalikan sa likod ng palad ko. Ang daming nangyari pero sobrang saya naman.
BINABASA MO ANG
His Beautiful Nightmare - COMPLETED - SELF-PUBLISHED
Romansa[HIS SERIES 1] [SELF-PUBLISHED] "No one is born heartless; adversities make them."- Gioval Guiverra Gioval Guiverra is the man who seeks revenge to Ryemundo Villareal who ruined his life for using him as a puppet. The man who used him to steal mone...