Chapter 24

2.6K 66 13
                                    



Enjoy Reading :)

Abilene

I woke up when someone knocked in my room, I rubbed my eyes because of annoyance. I don't want my sleep to be interrupted. Kaso hindi doon napunta ang buong atensyon ko nang hindi ako makaupo dahil may malaking taong nakayakap sa akin.

Gioval.

"Abilene, are you awake?" I heard Jeorge asked outside the room that's why my hands spontaneously stroked Gioval's hair who was hugging me.

Mukhang naramdaman niya ang paghaplos ko dahil mas ibinaon niya ang mukha niya sa leeg ko.

Hindi ako sumagot kay Jeorge para kunwari ay hindi pa ako gising. Ayaw kong lumayo sa akin ni Gioval.

"Abi, bubuksan ko. Kailangan kong linisan ang paso mo, hindi makakapunta ang nurse na kinuha ko ngayong araw kaya ako na muna," may kalakasang sabi ni Jeorge kaya naman napabuntong hininga ako.

Hindi ko gustong gisingin si Gioval pero kailangan kong gawin.

"Gioval," mahinang tawag ko sa pangalan niya at bahagyang yinugyog ang balikat niya.

Naramdaman kong gumalaw siya at umungol, hatalang nagigising na.

"Wake up," I whispered.

Pero mas binaon niya pa ang mukha niya sa leeg ko kaya napabuntong hininga na lang ako. Hindi talaga niya gustong bumangon kaya sinubukan ko na lang na tanggalin ang pagkakaunan ni Gioval sa pagitan ng balikat at leeg ko para makalabas na ako ng kwarto kaso mas hinigpitan niya ang pagkakayakap sa akin kaya naman nagulat ako.

"Abilene!" malakas na tawag sa akin ni Jeorge. Gustong-gusto yata talaga akong magising na.

"Susuntukin ko 'yan," malamig na sabi ni Gioval kaya naman napabuntong hininga ako.

Panibagong araw, panibagong away na naman.

"Mamaya na ako lalabas, Jeorge!" sigaw ko dahil ayaw naman akong pakawalan ni Gioval. Hindi ko rin namang gustong humiwalay sa kan'ya.

"Pero kailangan kong linisan ang sugat mo," malakas na sabi ni Jeorge mula sa labas.

"Kapag hinayaan mo siyang linisan ang sugat mo, alam mo kung ano ang gagawin ko sa 'yo," seryosong sabi sa akin ni Gioval. Hindi ko naman makita ang mukha niya lalo't nakabaon pa rin 'yon sa leeg ko.

"Abilene," muling tawag sa akin ni Jeorge.

"Ako na ang bahala sa sugat ko, Jeorge. Huwag ka nang mag-alala. Gusto ko pa talagang matulog," may kalakasan na sabi ko. Maya-maya lang ay hindi ko na narinig si Jeorge sa labas ng kwarto ko.

Nakahinga naman ako ng maluwag kahit na papaano dahil hindi niya kami mahuhuli ni Gioval na magkasama.

"Wala ka bang trabaho ngayon?" mahinang tanong ko kay Gioval.

Hindi ko kasi alam kung tulog ba siya o hindi.

Hindi niya ako sinagot kaya napakagat ako sa ibabang labi ko dahil mukhang tulog pa talaga siya.

Wala akong pwedeng gawin ngayon kundi matulog na lang ulit. Dahil walang balak si Gioval na pakawalan ako. Hindi ko na lang namamalayan na muli akong nakatulog dahil na lang din siguro sa magaan na dibdib na hatid sa akin ni Gioval dahil katabi ko siya ngayon.

I woke up when I felt a light hand caressing my thighs and when I opened my eyes and looked to see who it was, I felt the butterflies inside the tummy when I saw Gioval with a light hand cleaning my burn and applying medicine.

His Beautiful Nightmare - COMPLETED - SELF-PUBLISHED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon