Enjoy Reading, Sweeties :)Abilene
"Hey, Abi. Halika na bumalik na tayo sa loob ng hospital. Bakit bigla kang umalis? Kailangan mapag-usapan an---"
"Mamamatay ba ako?" umiiyak na tanong ko dahil pakiramdam ko ay unti-unti nitong pinapatay ang kasiyahan ko.
May anak akong naghihintay sa akin. Gusto ko lang siyang yakapin.
"Hindi. Kailangan mo lang magpatingin para makasigurado ang mga doctor. Halika na at subukan nating kaus---"
"Umuwi na muna tayo, Uno," natatakot na sabi ko kaya napakagat naman sa ibabang labi si Uno bago umiling.
"Kaila---"
"Umuwi na tayo... bukas n-na lang. P-pangako. Magpapatingin ako bukas," kinakabahan na sabi ko kaya tumango naman si Uno.
'Astrocytoma Brain Tumor.'
Natatakot ako dahil paanong nagkaroon ako ng gano'ng sakit?
Tahimik lang kaming dalawa ni Uno. Gusto kong maiyak pa pero naiyak ko na yata kanina ang lahat. Mas okay sana kung buntis na lang ako e.
At least kahit papaano mapag-uusapan pa namin ni Gioval.
Pero 'yong sakit ko? Tang-ina may anak ako e. Hindi ako pwedeng mawala!
Napatingin ako kay Uno nang hawakan niya ang kamay ko.
"Susunduin kita bukas, pupunta tayo sa hospital para makasigurado," mahinang sabi ni Uno pero nanginginig ang mga kamay niya kahit napakakalmado ng mukha niya.
"Natatakot ako."
"Ako rin naman, pero naalala ko na babae ka... ikaw pa ba? Ang lakas mo. Cancer lang 'yan. Siguradong matatalo mo 'yan," nakangiting sabi ni Uno sa akin kaya kahit papaano ay gumaan ang loob ko.
"S-salamat."
"Mag-se-search ako about sa sakit mo. Huwag mong masyadong isipin. Maaga kang matulog, kapag sumakit ang ulo mo ulit, tawagan mo ako. Nasa kabilang condo lang ako. Hindi ako matutulog at nakabantay lang sa cellphone ko. Tawag ka."
Wala akong ibang masabi pero nakatitig lang ako kay Uno.
'Lord. Why me?'
Umuwi kami na mabigat na naman ang loob ko. Hindi nawala ang takot sa dibdib ko.
"Pasok ka na," nakangiting sabi sa akin ni Uno pero kita ko ang pag-aalala sa mga mata niya lalo't bigla akong umalis kanina. Hindi ko hinayaan na makapagpaliwanag ang Doctor. Hindi ko matanggap at dahil sa takot ko ay tumakbo na lang ako papalayo kahit hindi 'yon ang solusyon sa problema ko.
"S-Salamat. S-Samahan mo ako bukas ah," mahinang sabi ko, tumango naman siya agad sa akin.
"Yes, Ma'am!" Sumaludo pa siya habang sinasabi 'yan kaya kahit papaano ay napangiti ako.
"Uno, pwede bang huwag mong ipaalam sa iba?" tanong ko dahilan kung bakit nakita kong nagtaka naman siya.
"Huh? Dap---"
"I'm scared. B-baka maging dahilan 'to para may pagkakataon na mailayo ni Gioval si Dali sa akin," mahinang sabi ko kaya dahan-dahan namang tumango si Uno sa akin. Tila nauunawaan niya ang sinabi ko.
Nagkatitigan lang kami pero maya-maya ay dinampian niya ng halik ang noo ko.
"Sabi mo, matatalo ko 'to. Pinanghahawakan ko ang sinabi mo," bulong ko pero natatakot talaga ako.
Naramdaman ko namang niyakap ako ni Uno.
"Ikaw pa ba? Matatalo mo 'to at sigurado akong matatanggal ang tumor. Pipiliin mo pa nga ako e," bulong niya at tumawa.
BINABASA MO ANG
His Beautiful Nightmare - COMPLETED - SELF-PUBLISHED
Romance[HIS SERIES 1] [SELF-PUBLISHED] "No one is born heartless; adversities make them."- Gioval Guiverra Gioval Guiverra is the man who seeks revenge to Ryemundo Villareal who ruined his life for using him as a puppet. The man who used him to steal mone...