HAPPY 4.06k FOLLOWERS, SWEETIES.❤️
Enjoy Reading ;)
Abilene
"Still mad? Gusto mo talagang isubo ko sa 'yo ang a---"
"Shut up, Gioval," I told him rudely. I'm not in the mood to play with him today.
"Noong isang araw ka pa galit. Nag-sorry na nga ako e. Hindi na rin ako sumama kila Mang Kaloy mangisda, tapos ganito ka pa rin," may diin na sabi niya samantalang tutok lang ako sa mga batang naglalaro sa buhanginan.
"Ba't kasi nagpaiwan ka pa rito? Pwede ka namang sumama, isusumbat mo pa sa akin e hindi naman kita pinipigilan," malamig na sabi ko.
Nitong mga nagdaang araw pinapatay ako ng konsensiya ko. What the hell. Why am I jealous? I'm not his fiancée in the first place.
Tsaka naiinis ako at nagseselos at isa pang dahilan ay talagang inilalayo ko lang ang sarili ko kay Gioval. Maiiwan lang akong luhaan kapag nagkataon. Kailangan kong buuin ang loob at puso ko para matapang akong haharap sa pagsubok 'pag lumabas na ang anak ko.
Gioval can't be my weakness. I might not be able to stop being a bad woman again. I don't want to ruin any relationship again. I am changing my life for my baby, I should not prioritize my personal happiness and hurt someone again because of my selfishness.
I must not be vulnerable, and I must know my worth as a woman. Hindi ako kayang bigyan ni Gioval ng kahit na ano. May uuwian pa rin siya sa Manila kahit paulit-ulit kaming bumuo ng magandang mga ala-ala rito sa isla.
Kahit nagkakamabutihan na kami ulit dito. Iisang babae pa rin naman ang ihaharap niya sa altar kaya bakit pa ako aasa sa maganda naming pagsasama rito sa isla kung tanging dito lang ang pahingahan niya at hindi magtatagal ay uuwi siya sa totoong tahanan niya at kailangan kong tanggapin na si Ricky 'yon.
Kaya gusto kong sakalin ang sarili ko dahil sa naramdaman kong selos dahil sa Fiona na 'yon.
"Abilene!" inis na tawag sa akin ni Gioval pero hindi ko siya pinansin.
Masakit ang tenga ko pero magsisigawan lang kami oras na binuka ko ang bibig ko. Hindi ako marupok, hindi na pwede.
"Ate Ganda ko!" nagulat ako nang may pamilyar na sumigaw. Alam na alam ko ang matinis na boses na 'yon.
Gusto ko sanang lumingon kaso nahihirapan ako sa posisyon ko.
"Ate Ganda ko! Kamusta!?" tanong ng batang makulit na nakatayo sa harapan ko para sa kan'ya mapunta ang atensyon ko.
"Mauel! Bumalik ka na!" masayang sabi ko at niyakap ko siya.
Nakapang-alis pa ang suot niyang damit. Ang sinabi ni Dada ay kinuha si Mauel ng ama nila at pinunta sa Santiago para magbakasyon. Hiwalay kasi ang mga magulang ni Dada.
"Ang pogi natin ngayon ah!" masayang sabi ko kaya naman ngumiti siya at humawak sa malaking t'yan ko.
"Ate Ganda, akala ko maliit na t'yan mo 'pag balik ko. Hindi pa rin lumalabas baby mo," nakabusangot na sabi niya kaya malakas akong natawa.
"Malapit na, Mauel," sabi ko at kinurot ang pisngi niya.
"Ate Ganda, marami na akong pera, gusto mo ilibre kita? Mag-date tayo sa bayan," aya niya sa akin kaya hindi na ako tumigil sa pagtawa at napahawak ako sa malaking t'yan ko.
Kapag lalaki ang anak namin hopefully he will be like Maeul when he grows up.
"Hindi naman ako nagbibiro, Ate Ganda ko," sabi ni Mauel at magsasalita na sana ako nang marinig ko ang pekeng pag-ubo ni Gioval kaya napatingin kami ni Mauel sa kan'ya.
BINABASA MO ANG
His Beautiful Nightmare - COMPLETED - SELF-PUBLISHED
Romance[HIS SERIES 1] [SELF-PUBLISHED] "No one is born heartless; adversities make them."- Gioval Guiverra Gioval Guiverra is the man who seeks revenge to Ryemundo Villareal who ruined his life for using him as a puppet. The man who used him to steal mone...