Chapter 42

2.8K 87 86
                                    

Enjoy Reading, Sweeties:)

Abilene

Hindi ko alam kung ano'ng gagawin o kung kaya ko pa bang kumilos matapos ang sagutan namin ni Gioval nang gabing 'yon. Hindi ko alam kung bakit sinalubong niya ang galit na nararamdaman ko.

Dapat paliwanag niya ang sinasabi niya sa akin.

Dapat siya ang nagpapaliwanag kung bakit gano'n na lang siya kagalit sa akin na gugustuhin niyang makulong ako.

Naghirap ako ng dahil sa kagagawan niya. Dapat ako ang galit at hindi siya ang galit sa akin.

Dahil lang sa larawan na 'yon. Kung ano-ano na naman ang pumasok sa isip niya. Gano'n ba ako karuming babae sa paningin niya?

Bakit ang lala naman ng galit niya sa akin? Hindi pa ba kami ayos?

Sobrang dami kong katanungan pero hindi ko man lang 'yon mabigyan ng kasagutan.

Will he be haunted by the pain I did to him for the rest of his life? Will he look at me for the rest of his life as if I were the lowest woman in his life?

"Ate, kain na po," sabi ni Deo at sumilip sa kwarto namin ni Gioval.

Isang linggo na. Isang linggo na kaming hindi nag-uusap na dalawa.

He comes home here but he sleeps in the nursery room where Dali is. The sound detector is connected to our room so I can hear Dali when she's crying but it looks disconnected these past few days, and it looks like Gioval did that.

Ibinigay ko na lang sa kan'ya ang buong isang linggo para makapag-isip naman kami pareho. Pero madalas siyang madaling araw na umuuwi. Noong naglaba ako ay nakita ko sa laundry ang isang polo niya. May nakita akong marka ng lipstick.

Masakit na masakit para sa parte ko 'yon.

Gustuhin ko mang komprontahin siya ay galit din ako. Nagtatampo ako dahil sa ginawa niya.

Ngayon nagloloko siya.

"H-Hindi pa ba umuuwi ang Kuya Gioval mo?" mahinang tanong ko kay Deo.

"A-Ate nasa baba kasi si Kuya Jeorge," mahinang sabi ni Deo kaya napahawak naman ako sa noo ko.

"Deo, sinabi ko naman na sa 'yo na huwag mo nang papuntahin ang Kuya Jeorge mo rito," naiinis na sabi ko dahil sa inis na nararamdaman.

Napayuko naman siya kaya tumayo na lang ako.

Makakarating na naman ito kay Gioval. Sigurado akong makakarating na naman ito sa kan'ya.

"You're so stubborn. If you want to see him, you two should just meet outside! Pag-aawayin mo pa kami ng Kuya Gioval mo!"

Nagmamadali akong bumaba para makita si Jeorge at paalisin na siya. Paniguradong mag-aaway na naman kami ni Gioval.

"Abi---"

"Leave, Jeorge," I said immediately, he hadn't even gotten up from sitting on the sofa.

"Why?"

"Nag-aaway kami ni Gioval dahil sa 'yo, Jeorge. Umalis ka na lang," mahinang sabi ko sa kan'ya kaya napabuntong hininga siya bago ibinaba ang mga dala niya.

"I want to talk to him, Abilene," he said coldly so I just held my forehead.

Matutuyo ang utak ko sa katigasan ng ulo ni Jeorge. Mas pinapalala niya lang lalo ang lahat. Hindi pa kami nakapag-usap ng matino ni Gioval.

"Talk to him some other time. Go home, Jeorge," I begged weakly, so Jeorge just nodded. "Come on, I'll walk you out."

Tumango siya ulit bago nagpaalam kay Deo na tahimik lang naman sa isang tabi.

His Beautiful Nightmare - COMPLETED - SELF-PUBLISHED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon