Enjoy Reading, Sweeties:)
Abilene
"Ang aga mo naman umakyat ng ligaw," nakataas ang kilay na tanong ko kay Uno lalo't siya agad ang bumungad sa akin ngayong umaga.
"You should appreciate me, my condo is so far from here," he said while smiling.
"Magkatabi lang ang condo na pinagtutuluyan natin," nakataas ang kilay na sabi ko.
"Ang sungit!" sabi niya bago may ipinakita sa akin.
"A-Ano'ng gagawin ko s-sa grocery bouquet?"
Nakita kong mga gatas para kay Dali, may mga bagong bottles na rin at may maliit na teddy bear sa gitna. Panay pambata, ang itsura ay pinalitan lang ng mga gatas at ibang gamit ng bata ang bulalak sa bouquet.
"For baby Dali," he whispered.
Umiling na lang ako bago ko nakita si Gioval na papalapit sa amin kaya napakagat na lang ako sa labi ko. Naalala ko ang nangyari kagabi. Nag-away lang silang dalawa, pero hindi naman siya pinapatulan ni Uno kaya nagpapasalamat ako na si Uno na ang umiwas sa gulo.
Hinayaan ko na lang si Gioval na bantayan niya si Dali para naman makabawi siya sa anak naming lalo't alam kong masama ang loob niya nang hindi siya ang tawagin ni Dali na Dada.
"What are you doing here?" I asked.
"This is my condo," he said while looking at me.
I didn't speak because I was annoyed. That's the reason why I'm going to leave and find a simple apartment because he keeps coming here. I'm afraid that this will be the reason for him and his wife to fight.
Minsan kasarap nilang pagbuhulin ni Ricky.
"Pasok kayo," mahinang sabi ko at kukunin na sana ang hawak ni Uno nang magsalita si Gioval.
"Ano 'yan basura?" malamig na tanong ni Gioval kay Uno kaya napataas ako ng kilay.
"Siya nga bumili ng gatas e, ikaw presensiya mo na nga lang iaambag mo hindi mo pa nagawa," malamig na sabi ko dahilan para matigilan si Gioval. Hindi siya nakaimik sa sinabi ko kaya tumalikod na lang ako pagkatapos kong kunin ang bigay ni Uno.
Nakasunod lang ang dalawa at hindi ko alam kung ano'ng ginawa nila sa likod ko.
"Abi, sasamahan na kitang maghanap ng mauupahan," mahinang sabi ni Uno.
"You are not leaving," Gioval said.
"Sino'ng nagsabi? Ikaw? Kasal ka, 'di ba? Nasa taas si Dali. Pwede bang bantayan mo muna siya saglit? Hindi ka naman aalis at hindi mo naman ilalayo ang anak ko, 'di ba?"
Mukhang kay Gioval ko na lang ihahabilin si Dali habang naghahanap kami ni Uno ng pwedeng paglipatan.
"Why would I do that?" Gioval asked.
Hindi siya matinong kausap at nakakainis siya ng sobra.
"Tsaka sinabi ko na sa 'y---"
Hindi ko hinintay ang sasabihin ni Gioval sa akin dahil nagsalita na ako.
"Hindi ako pumayag, hindi ako papayag, at hindi ko tatanggapin," mahinang sabi ko habang nakatingin sa kan'ya. Alam ko kasing pagpipilitan na naman niyang dito kami manirahan ni Dali.
Hindi na nga pwede lalo't alam kong mas magliliyab lang ang galit sa 'kin ng asawa niya.
Nakita kong napabuntong hininga siya bago malamig na tumingin kay Uno.
"Leave," he said coldly.
"Why am I leaving? You're not the reason why I came here," Uno said.
"Ako na ang magbabantay sa kanila. Ako na rin ang sasama sa kanilang tumingin ng bagong lilipatan," malamig na sabi ni Gioval.
BINABASA MO ANG
His Beautiful Nightmare - COMPLETED - SELF-PUBLISHED
Romance[HIS SERIES 1] [SELF-PUBLISHED] "No one is born heartless; adversities make them."- Gioval Guiverra Gioval Guiverra is the man who seeks revenge to Ryemundo Villareal who ruined his life for using him as a puppet. The man who used him to steal mone...