Pambawi Sweeties. Happy 2,990+ Followers sa atin.❤️🦋
Thank you so much. Yey!🦋🥺
Enjoy Reading :)
Abilene
"You look happy," I smiled at him when I saw him humming around which swayed me to be in a good mood as well. He's been like this for two weeks now and I don't know what to think.
Napatingin naman sa akin si Deo na nag-iihaw ng isda. Nandito kami sa labas ng apartment at maganda ang panahon ngayon dahil hindi gano'n kainit at hindi masakit sa balat ang sinag ng araw.
"Buddy! Luto na?" tanong ni Jeorge kay Deo kaya napairap naman ako at napahawak sa t'yan ko na alam kong may umbok na. Hindi dahil sa busog lang ako kundi may bata nang lumalaki sa t'yan ko.
"Bakit ka nga masaya?" tanong ko habang nakangiti kay Jeorge. I really want to know what makes Jeorge so happy.
"Bakit hindi ako magiging masaya? Walang panggulo," nakangiting sabi niya sa akin.
Nawala ang ngiti sa mga labi ko dahil sa sinabi ni Jeorge.
"Hindi ka ba masaya na walang panggulo? Dalawang linggo ng tahimik ang buhay natin noong nawala si Guiverra."
Hindi rin siya tumatawag o nag-te-text sa akin kaya naman hindi ko rin naman mapigilan na mag-alala dahil nga si Gioval 'yon. Wala man lang siyang paramdam.
Hindi ko alam kung bakit bigla na lang na gano'n. Yes, I want a quiet life away from Gioval, but he didn't even tell me on how he was doing.
"This is one of the reasons why I don't want to mention that man's name," Jeorge sighed in defeat.
Napakagat naman ako sa ibabang labi ko bago ko tinignan si Deo na mukhang hirap na hirap na sa pag-iihaw.
"Kuya, tulong!" sigaw niya kaya nagtaka naman ako nang silipin ko ang isda sa ihawan at nakita kong kalahati ng laman ay dumikit na sa grill kaya naman natawa ako ng malakas. Maging si Jeorge ay nakitawa na rin.
"I need to take a picture of this. So cute," I said while laughing.
Tumayo ako at nagmamadali na kinuhanan ng litrato si Deo.
"Ate naman!" sigaw niya kaya nakapamewang akong tumingin sa kan'ya.
"Sinisigawan mo ako?" nakataas na kilay na tanong ko kay Deo kaya nakita ko siyang napakamot sa batok at tumingin sa Kuya Jeorge niya.
Alam na alam kong hihingi siya ng tulong kay Jeorge dahil palagi naman siyang gano'n.
"Aba, kahit magsama pa kayong dalawa ng Kuya Jeorge mo, hindi kayo uubra sa akin."
Alam ko kasing humihingi siya ng tulong kay Jeorge. Nakita ko namang nagtaas ng dalawang kamay si Jeorge na senyales na sumusuko siya.
"Buddy, I'm out of your conversation. Alam mong ang Ate mo ang boss," sabi ni Jeorge kaya bagsak naman ang balikat ni Deo na inaayos na ang mga laman na dumikit sa ihawan.
"Ate umalis ka rito, 'yong usok papunta sa pwesto mo," sabi ni Deo dahilan kaya napangiti ako bago inabot ang buhok niya at ginulo.
Alam kong hindi ako iiwan ni Deo kahit na ano ang mangyari. Alam ko iiwan ako ng lahat, pero hindi ng kapatid ko
Naglakad na lang ako papunta sa may inupuan ko kanina.
"Tulungan mo naman na si Deo do'n. Kayo ang may gustong mag-ihaw ah," sabi kokaya walang nagawa si Jeorge kundi umiling na lang bago tumayo at lumapit kay Deo.
I just watched the two who seemed to be in trouble because of that grilled fish. How I wish this was the only kind of problem we're trying to fix.
In fact, I left Deo too; when I chose my dream and ran away from the bad things that I did here in the Philippines. I left him, because why would I stay in the place where I was imprisoned by the pain? That everything I do is controlled by someone else.
BINABASA MO ANG
His Beautiful Nightmare - COMPLETED - SELF-PUBLISHED
Romance[HIS SERIES 1] [SELF-PUBLISHED] "No one is born heartless; adversities make them."- Gioval Guiverra Gioval Guiverra is the man who seeks revenge to Ryemundo Villareal who ruined his life for using him as a puppet. The man who used him to steal mone...