Chapter 36

2.8K 73 16
                                    

Happy 4.87k Followers, Sweeties. Salamat sa inyong lahat.<33

❤️🦋

Enjoy Reading Sweeties:)







Abilene

"Lagi kang umiyak anak kapag hawak ka ni Mommy," naririnig kong sabi ni Gioval kay Dali habang nasa hapag-kainan kami na para bang naiintindihan na ng anak namin ang sinasabi niya.

Kung kasalanan lang pumatay sa isip ay talagang nakakulong na ako kagabi pa dahil sa inis.

"Hindi ako pinapansin ni Mommy. Umiyak ka para mainis siya at tawagin niya ako para patahanin ka," sabi ni Gioval kaya muli akong napairap.

Hindi ko talaga siya pinansin at sa labas siya natulog kagabi. Hindi naman na siya nakaangal dahil lasing nga siya. Nang nilatag ko ang dati kong gamit na foam sa sala kagabi at hinila ko siya roon pagkatapos niyang maligo ay nagtaka pa siya. Pero dahil siguro hilong-hilo siya ay nakatulog din siya agad.

Kumatok na lang kaninang madaling araw sa kwarto ko at nagrereklamo kung bakit sa sala raw siya natulog.

"Good morning, Ate Ganda," rinig ko ang boses ni Mauel na kapapasok palang sa bahay.

"What are you doing here?" Gioval asked.

"Hindi naman ikaw ang pinunta ko rito, Panget," sabi ni Mauel at lumapit sa akin bago ako niyakap kaya natawa naman ako.

"Good morning, Mauel," I greeted him happily and Gioval didn't like that.

"Umalis ka na nga, supot na Mauel," galit na sabi ni Gioval pero hindi nagpatinag si Mauel at talagang kumuha pa ng pagkain nito at tumabi sa akin.

"Kaya tumataba ka rin dahil ang lakas mong kumain e," sabi ko at ginulo ang buhok niya.

"Ang kapal din naman ng mukha mong makikain dito sa b---"

"Shut up, Gioval," I said coldly.

Masama ko siyang tinignan bago ko binalik ang atensyon ko sa pagkain.

"Ate Ganda, who cooked this food?" Mauel asked suddenly, making me raise my eyebrow.

Gulat na gulat ako lalo't hindi naman siya nagsasalita ng ingles. He is not used to it, especially Tagalog or Paranan are what he is used to hear all the time here in Palanan.

"Ang galing mo ah," nakangiting sabi ko pero nakita ko siyang nahihiyang umiwas ng tingin sa 'kin. Gandang-ganda ako sa moreno niyang kutis.

"Sigurado inglisera rin si taba kapag laki, baka hindi ko siya maintindihan kaya kailangan kong mag-aral ng mabuti, tulog pa naman ako lagi sa English subject namin," sabi ni Mauel kaya napataas ang kilay ko.

So, he's learning to speak and understand English because of Dali?

"Bakit kailangan mo namang aralin? Hindi pa naman tayo sigurado kung madalas gamitin ni Dali ang English," sabi ko sa kan'ya habang inaayos ang buhok niya.

"Wala lang. Gusto ko lang matutunan," sabi ni Mauel.

Kaya napakagat naman ako sa ibabang labi ko. Mukhang naghahanap ng kapatid si Mauel.

"Turuan ka na lang ni Ate Ganda," sabi ko sa kan'ya kaya naman agad na umaliwalas ang mukha niya.

He's so cute!

Nang marinig kong umiyak si Dali ay lumapit agad ako kay Gioval.

"Akin na at kailangan na niya ng gatas," mahinang sabi ko at ayaw pa ring tignan ang mga mata niya.

"Kiss muna," aniya kaya pinanlakihan ko siya ng mata dahil nakikinig si Mauel. Mamaya ay kung ano'ng isipin ng bata. Lalo't si Jeorge naman ang mas nauna niyang nakitang kasa-kasama ko at si Jeorge na rin naman ang naipakilalang nobyo ko.

His Beautiful Nightmare - COMPLETED - SELF-PUBLISHED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon