Chapter 22

2.8K 75 14
                                    

Enjoy Reading:)


Abilene

Nagising ako nang maramdaman kong may nakahawak sa kamay ko. Nang tignan ko ay si Jeorge ang nakita ko kaya inilibot ko ang tingin ko, tama nga ako dahil sa na-amoy ko kanina nang magising ako, nasa hospital nga ako.

I think he noticed that I was awake. I could see he was relieved.

"Are you alright?" he asked me, and I immediately nodded even though my burns really hurt.

Hindi ko naman nakalimutan kung ano ang nangyari kanina. Masakit din ang mga paso ko kaya ibig lang sabihin ay talagang nangyari ang aksidente kanina.

"Ayos lang ba ang anak ko, Jeorge?" 'Yon agad ang tanong ko kay Jeogre dahil nilukob ako ng kaba.

"Don't worry about the baby. Think about yourself," he said softly.

"Nasaan pala si Gioval?" mahinang tanong ko kay Jeorge at kahit na mahapdi ang mga paso ko sa balat ay hinanap ng mga mata ko si Gioval sa loob ng kwarto, kaso wala siya.

"Umalis siya matapos ka naming maihatid dito sa hospital. Mukhang mas inuna ang trabaho dahil nakikipagtalo siya kanina sa kausap niya sa telepono. Ayaw niyang umalis kanina kaso nang malaman niyang ligtas naman ang baby mo, umalis na siya at sinabing babalik din siya agad," sabi niya kaya naman hindi ko napigilan na masaktan.

Ano pa nga ba ang aasahan ko kay Gioval? He is no longer in love with me. Ang bata na lang sa sinapupunan ko ang gusto niya sa akin. Hindi naman ako papayag.

Gioval hates me and wants to take revenge on me. I know he will keep our child away from me when he proves that I am carrying his flesh and blood.

Wala na siyang pagmamahal na natitira para sa 'kin at unti-unti ko 'yon tinatanggap dahil alam ko naman ang lahat ng kasalanan na ginawa ko. Mula sa kapatid niya at syempre sa kan'ya na rin.

Ano na ngayon ang gagawin ko? Hindi ko rin alam kung magtatagumpay ba ang plano namin na pekein ang DNA result kapag nagkataon. Balak naming bayaran ang doctor na siyang titingin sa akin. 'Yon ang plano namin ni Jeorge.

"Abilene," mahinang tawag sa akin ni Jeorge kaya naman napatingin ako sa kan'ya.

"Magpahinga ka na, uuwi na tayo mamaya, iuuwi na kita lalo't masusuka ka lang dito. Sabi naman ng doctor ay ayos naman kung iuuwi na kita at magpapadala na lang ng nurse na titingin sa sugat mo para malinis na rin ng maayos," sabi ni Jeorge sa akin.

Tumango naman ako kahit papaano dahil hindi ko na rin alam ang isasagot ko sa kan'ya

Magsasalita pa sana ako nang bigla na lang may pumasok sa pribadong kwarto kung nasaan ako naka-admit.

"Gioval." Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kaluwagan sa puso nang makita ko si Gioval.

Kahit pa ba walang emosyon ang mukha niya ay naging masaya pa rin ako. Ganito ko siya kamahal? Ang tanga ko naman ng sobra dahil iniwan ko 'to para sa pangarap ko, naging kabit pa nga ako without knowing na merong isang tao noon na handa akong pakasalan.

"Are you okay?" Gioval asked.

Naging masaya pa rin ako dahil tinanong niya kung ayos lang ako kahit seryoso ang tanong niya. Ang importante ay nagtanong siya.

"Ayos lang naman ako, salamat s---"

Hindi niya pinatapos ang sasabihin ko dahil agad siyang nagsalita, "Kung gano'n let's go home. I will take you home... in my house, of course."

Wala man lang pagsuyo ang pagkakasabi niya na para bang walang ganang nakikipag-usap sa akin.

"Are you crazy? Sa apartment ko iuuwi si Abilene," singit naman ni Jeorge at alam kong galit na naman siya.

His Beautiful Nightmare - COMPLETED - SELF-PUBLISHED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon