Chapter 9

2.6K 74 4
                                    

Thank you so much! Happy 1,910 Followers Sweeties!♥️🤭





Enjoy Reading:)



Abilene

Masama ang pakiramdam ko nang magising ako kinabukasan. Masakit ang buong likod ko pero kailangan kong tumayo at maghanap ng trabaho.

Sigurado akong matatanggap ako sa trabaho lalo't mataas ang natapos ko at sa kilala pang unibersidad dito sa Pilipinas. Kilala naman akong fashion designer sa ibang bansa.

Huwag lang sanang maging hadlang ang pagiging Villareal ko.

"Ate, papasok na ako," paalam sa akin ni Deo.

Napatingin ako kay Deo na nasa labas ng nakabukas na pinto ng kwarto ko. Nakasuot siya ng uniform na halatang handa na siyang pumasok sa school.

"Sige, may pera ka?" tanong ko.

Umiling naman siya kaya kahit na hirap bumangon ay pinilit ko. Masakit talaga ang likod ko dahil sa biglaang pagtulak sa akin ni Gioval.

"Pakiabot naman ng wallet ko, please," nakangiti kong utos sa kan'ya kaya nagmamadali siyang pumasok at kinuha ang wallet ko at binigay sa akin.

Tahimik naman siyang naghihintay kaya agad kong inabot sa kan'ya ang dalawang libo pero ibinalik niya sa akin ang isang libo.

"Okay na ito Ate, may konti pa naman akong pera."

Tumango naman ako kaya nagpaalam na siya. Nagmamadali akong pumuntang banyo malapit sa kusina dahil ang dalawang kwarto rito sa apartment ay walang sariling banyo at kailangan pang bumaba.

Nagmamadali akong naligo at tumalikod sa malaking salamin dito sa banyo at kitang-kita ang may kalakihang pasa ko sa likod.

Mabilis lang talaga akong magkapasa at mabilis lang din 'yon mapansin dahil maputi ang balak ko.

Lumabas na ako sa banyo at dumeretsyo sa kwarto ko upang magbihis. Naayos ko naman na ang mga requirements na kakailanganin kapag naghahanap ng trabaho. Simpleng fitted ripped jeans lang na kulay light blue ang suot ko at pinarisan ko ng fitted white cropped top. Pinaresan ko na lang ng simpleng flat sandals para kung maglalakad ako ng malayo ay hindi ako masasaktan.

Susubukan ko lang talaga.

Marami akong dapat na bayarang utang.

Lumabas ako sa apartment ko at naghanap ng taxi na pwedeng sakyan kaso napakunot ang noo ko nang may humarang na mamahalin kotse sa harapan ko.

Bumaba ang bintana no'n kaya kahit hirap yumuko dahil masakit ang likod ko ay sinilip ko ang nagmamaneho ng kotse at nanlaki ang mga mata ko nang makilala ang lalaking may-ari ng mamahalin kotse sa harapan ko.

"Jeorge?" nakangiti kong tawag sa pangalan niya.

"Abilene! Damn! Kailan ka pa nakabalik ng Pilipinas? Akala ko namamalikmata lang ako..." he stopped talking for a moment and he glanced at my apartment, "...yours?"

Nagulat din siguro siya kung bakit sa maliit na akong apartment naninirahan kaya ngumiti na lang ako.

Lumabas si Jeorge sa kotse niya at lumapit sa akin.

Ex-puppy love ko si Jeorge. Bata pa ako noong nagkaroon kami ng relasyon. Hindi pa namin alam ang mga desisyon namin noon sa buhay. Limot ko na nga pero mga kinse anyos ako noong naging nobyo ko siya.

He is also in the circles of my friend's way back in high school.

"Kailan lang noong umuwi ako," pagsisinungaling ko kahit na pangalawang balik ko na rito sa Pilipinas. Hindi ko naman pwedeng ipangalandakan na ang unang balik ko ay para maging kabit lang ni Giovanni.

His Beautiful Nightmare - COMPLETED - SELF-PUBLISHED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon