Chapter 34

3.2K 85 43
                                    

Happy 4,21k followers, Sweeties. ❤️

Enjoy Reading, Sweeties :)

Abilene

I'm just staring at the food in front of me but I'm not eating it. Gioval holds Dali while he is eating. I haven't had enough sleep for four days straight.

My head hurts but I can't trust Gioval.

I have given birth already. In fact, I am useless to him now. He doesn't care about me anymore.

"Abilene."

Mababaliw na ako kakaisip kung paano ko lalabanan ang sarili kong pag-iisip.

Madalas ko ring nasusungitan sila Dada pero ayaw ko naman silang paalisin totally. Kailangan ko siya kapag nagkataon na ilalayo ni Gioval si Dali.

Tuwing gabi ay putol-putol ang tulog ko. Meron pa ngang buong araw wala akong tulog. Kapag inilalabas ni Gioval si Adalia, susunod agad ako kahit masakit pa rin ang pagkababae ko. Si Gioval na rin ang madalas na maglinis ng katawan ko dahil wala akong gana na siyang dahilan kung bakit siya na mismo ang mag-aaya sa akin. Feel ko mabaho ako para sa kan'ya kapag siya na ang nagpupumilit na linisin ako.

"Rye!" nataranta ako at napatingin kay Gioval nang malakas niyang tawagin ang pangalan ko.

"What?" I asked not enthusiastically.

"Are you okay?" he asked.

"Y-yeah. M-may kailangan ka ba?" tanong ko. Dinikit ni Gioval ang likod ng palad niya sa leeg ko at nag-aalala ang tingin niya sa akin.

"Are you okay? Kanina ka pa walang kibo. You have been anxious these past few days. I'm just letting you be not in yourself because I'm giving you space because we need that. But... hindi ko maiwasan na mag-alala," sabi ni Gioval kaya naman napakagat ako sa ibabang labi ko bago umiwas ng tingin sa kan'ya kaso hinawakan niya ako sa baba ko para hindi ko maitago ang mukha ko.

Hindi ako tumingin sa kan'ya. Baka ang panget-panget ko.

"Rye, what's wrong? Tell me," he said sincerely.

"It's nothing," I said.

"Rye. I'm not joking here. What's the matter? Sa tingin mo hindi ko napapansin? Kahit hawak mo si Adalia wala ka sa sarili mo at ang layo ng iniisip mo. Napapabayaan mo na ang sarili mo gano'n din ang anak natin," mahinang sabi ni Gioval kaya natigilan ako sa sinabi niya.

Suddenly something triggered me, and I started crying. I tried to hide my face from Gioval. I could not accept what he told me.

Tears came to my eyes because of what he said.

Neglecting myself? Is there something wrong with me now?

Napapabayaan si Dali?

Hindi ko 'yon napapansin.

"R-Rye," tawag ni Gioval dahil iniiwasan ko siya ay agad akong tumayo at nagmamadaling pumasok sa kwarto ko.

Nanginginig ang mga kamay ko. Dahil lang sinabi niya 'yon. Kung ano-ano na namang pumasok sa isip ko.

Narinig ko ang pagkatok ni Gioval sa kwarto ko habang tinatawag ang pangalan ko.

"Rye, come on. Ano ba talagang problema natin, Rye? Please, tell me. Para alam ko kung ano'ng gagawin ko," sabi ni Gioval pero umiiyak lang ako. Hindi ko siya pinansin at nahiga na lang sa kama.

Kahit gaano pa kalambot ang bago niyang biling foam, hindi pa rin ako nakakatulog ng maayos tuwing gabi. Natatakot ako, pakiramdam ko nag-iisa lang ako at hindi ko kaya si Gioval kapag nagkataon na may gawin siya.

His Beautiful Nightmare - COMPLETED - SELF-PUBLISHED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon