Chapter 10

3K 67 2
                                    

Enjoy Reading:)

Gioval

Nakatingin ako sa nobya kong kalalabas lang sa operating room. Kanina pa ako naghihintay sa kan'ya rito. Napahawak ako sa batok ko nang maalala ko kung ano ang ginawa ko kanina.

Nagsalubong ang mga paningin namin kaya ngumiti na lang ako.

Nakita kong nagpaalam siya sa nurse na kausap niya at ngumiting lumapit sa akin.

I felt guilty because of her sweet smile.

I hate cheaters, but this is me now, and I'm becoming like the people I hate.

"Kanina ka pa naghihintay? Bakit ka nandito?" nakangiting tanong niya sa akin samantalang titig na titig lang ako sa kan'ya.

"Mga anim na oras na," mahinang sabi ko kaya gulat siyang napatitig sa akin.

Sakto kasing nasa operating room si Ricky nang dumating ako rito. May inooperahan siya kaya kailangan kong hintayin na matapos siya.

"6 hours kang naghintay sa akin?" malalaki ang matang tanong niya sa akin.

Tumango naman ako sa tanong niya sa akin.

"Ayos ka lang ba? Bakit ang lungkot mo? May problema ba sa opisina, sobra ka bang nahirapan dahil kakapasa lang sa 'yo ng Car Company ng pamilya niyo?" sunod-sunod na tanong niya sa akin kaya naman pilit akong ngumiti.

"Pagod lang sa trabaho, ang daming maling reports at rejected designs ng kotse kanina," pagsisinungaling ko kay Ricky.

Naningkit ang mga mata ni Ricky na para bang sinusuri ang buong mukha ko. Bigla na lang niya akong hinawakan sa magkabilang pisngi ko at pinakatitigan.

"Ano'ng nangyari sa labi mo?" tanong niya.

Napakunot naman ako ng noo at napahawak sa labi ko.

"Bakit may sugat?" tanong niya pa kaya kinabahan ako.

Mapusok ang halikan naming dalawa ni Abilene kaya doon ko yata nakuha ang sugat ko sa labi. Hindi ko man lang naramdaman.

"Aksidente kong nakagat kanina," mahinang pagdadahilan ko. Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kan'ya ang totoong nangyari lalo't may parte sa akin na ginusto ko ang nangyari kanina.

Ako ang humalik.

"Na-miss mo ako?" nakangiting tanong niya sa akin kaya agad naman akong tumango. "Ang nobyo ko, sige maghintay ka rito. Sakto tapos naman na ang duty ko, late dinner tayo."

Pumayag naman agad ako at hinalikan si Ricky sa pisngi bago nagpaalam sa akin si Ricky na may kukunin lang daw sandali.

Pabagsak akong naupo at madiin na napapikit.

I want to bang my head against the wall because of what I did earlier.

I don't know what crossed my mind when I kissed Abilene's red lips.

Pumunta lang ako sa bagong apartment niya upang insultuhin s'ya pero wala sa intensyon kong halikan ang labi niya.

Kung ano-ano nang pumasok sa isip ko habang mapusok kaming naghahalikan ni Abilene kanina.

Tila gusto ng katawan ko na maramdaman ulit ang pakiramdam na muling maangkin si Abilene at nagmamakaawang mas bilisan ang ulos ko sa loob niya.

Napasabunot ako sa buhok ko nang maramdaman kong sumakit ang puson ko.

"Pati sa isip ko ayaw mo akong patahimikin, Abilene."

"May sinasabi ka?"

Agad akong napatayo nang marinig ko ang boses ni Ricky.

His Beautiful Nightmare - COMPLETED - SELF-PUBLISHED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon