❤️
Enjoy Reading :)
Abilene
I just sat on the wooden chair. No one wants to talk to us inside the house. I just want Deo to come home, so he knows what's going on. I don't know what to do. I'm nervous and I'm sweating cold.
Ayaw kong maniwala na nandito na nga si Gioval sa Palanan.
Ano'ng gagawin ko? Paano ko ngayon matatakasan si Gioval? Tahimik kaming tatlo nila Dada, pansin kong nagtataka na si Dada kung sino si Gioval.
"Pwede bang paalisin mo 'yang kasama mo?!" sigaw ni Gioval kaya halos mahulog ako sa kinauupuan ko.
Si Dada na lang ang meron ako na nagpapakalma sa akin na hindi ako masasaktan ni Gioval dahil may iba kaming kasama rito sa loob ng bahay.
Nakita ko rin na nataranta si Dada pero hindi pa rin niya ako iniwan. Nilingon ko ngayon si Gioval kaya kitang-kita ko ang pamumula niya na tila konting-konti na lang ay sasabog na siya.
"B-bakit ka ba sumisigaw?" natatakot kong tanong kay Gioval.
"Don't try me Abilene. Masyado mo na akong sinagad. Kung hindi ka lang buntis ngayon siguradong masasakal kita," malamig na sabi sa akin ni Gioval dahilan kung bakit napalunok ako ng ilang beses.
"Ate, sino ba s-siya?" tanong sa akin ni Dada kaya napapikit na lang ako bago umiwas ng tingin kay Gioval dahil hindi ko kayang makita ang galit niyang mga mata. Siguradong kitang-kita niya rin ang takot sa mga mata ko.
I can't think straight.
Hindi ko gustong madamay si Dada pero hindi ko rin naman gustong maiwan kaming dalawa lang ni Gioval dito.
Paano niya nalaman kung nasaan ako?
"Hoy ikaw!" may inis na tawag ni Gioval kay Dada.
"A-ako po?" tanong ni Dada.
"Leave." May diin na ang boses ni Gioval.
Kinuyom ko ang mga kamao ko dahil sa takot na nararamdaman ko.
"Hindi aalis si Dada," mahinang sabi ko pero hindi naman ako makatingin ng maayos kay Gioval.
I was just pretending to be strong but deep inside... I'm scared. Para kasing mananakit na ang reaksyon na ipinapakita sa akin ni Gioval.
"Okay," he said before he grabbed me tightly by my arm and forced me to stand up from sitting. Nagulat ako dahil sa sakit na bumalatay sa braso ko.
"Ate Abilene!" sigaw ni Dada at lalapit sana nang magsalita si Gioval.
"Try to come closer. I'll make your face bleed," he warned her.
Nagmamakaawa akong nakatingin kay Dada, umaasa akong tutulungan niya ako pero nakita ko siyang umatras dahil sa takot kay Gioval.
"Gioval, ano ba... nasasaktan ako," sabi ko na lang sa kan'ya kaya naman nalipat sa akin ang tingin niya.
"Mas masasaktan ka kung hindi mo paaalisin ang babaeng 'yan!" sigaw ni Gioval habang nakatingin sa akin. Muli akong tumingin kay Dada.
Hindi ko dapat dinadamay si Dada sa gulo namin ni Gioval.
"Sige na, Dada, ako na ang bahala rito," mahinang sabi ko at ngumiti kahit na masakit ang braso kong hawak-hawak ni Gioval ay hinayaan ko lang dahil nga kailangan kong ipakita na ayos lang ako para hindi na mag-alala pa si Dada.
Alam ko rin na kanina pa natatakot si Dada kay Gioval.
"A-ayos k-ka lang ba talaga, Ate?" tanong sa akin ni Dada kaya naman napakagat ako sa ibabang labi ko at tatango na sana nang magsalita pa si Gioval.
BINABASA MO ANG
His Beautiful Nightmare - COMPLETED - SELF-PUBLISHED
Romance[HIS SERIES 1] [SELF-PUBLISHED] "No one is born heartless; adversities make them."- Gioval Guiverra Gioval Guiverra is the man who seeks revenge to Ryemundo Villareal who ruined his life for using him as a puppet. The man who used him to steal mone...