Enjoy Reading 👌
Abilene
The three of us eat dinner in silence. No one wanted to open a conversation. I don't want to talk about anything either. I know that Gioval is stubborn and I'm sure he won't ignore me even if I repeatedly tell him and make him feel that he's not welcome here.
Mag-aaway lang kami kapag kumibo pa ako.
"Ate, ayos ka lang ba?" tanong bigla ni Deo. Natigilan ako at napatingin sa kan'ya at nakita kong hindi ko pa nauubos ang pagkain ko samantalang kanina pa siguro tapos sila Deo dahil wala nang laman ang mga plato nila ni Gioval.
"Tapos na akong kumain," mahinang sabi ko kahit na hindi ko na maalala kung nakailang subo lang ako ng pagkain.
"Sigurado ka po?" tanong ni Deo sa akin kaya tumango ako.
"Hindi mo nga ginalaw ang pagkain mo," malamig na sabi ni Gioval kaya napairap na lang ako sa hangin.
Tumayo ako at lumabas. Kahit naman madilim sa labas ay ligtas naman sa lugar na ito. Ilang sandal pa ay naramdaman kong may umupo sa tabi ko.
"It's late and it's dark out here. Mamaya pinapapak ka na ng lamok dito," malamig na sabi ni Gioval.
"Kahit dito ka pa matulog sa labas, walang lamok dito," mahinang sabi ko at tumitig sa mga bituin sa langit.
Hopefully it will rain later. I don't know but I really like the noise on the roof created by the rain. It really feels better to sleep when you hear the rain hitting the roof.
"Kahit hindi mo ako gustong nandito, hindi pa rin ako aalis hanggang hindi kita naaayang umuwi," mahina niyang sabi.
Ngayon lang siya kalmado na nakipag-usap sa akin.
"Can I sleep in your room?" he asked while looking straight to my eyes.
Nakatingin na pala ako sa kan'ya nang hindi ko man lang namamalayan.
"Hindi pwede," mahinang sabi ko.
"Deo doesn't want me to sleep in his room. I don't fit and I'm not comfortable in the wooden chair," he said.
Hindi ko alam kung maaawa ako sa kan'ya.
"Magagalit si Deo sa akin kapag nalaman niyang pinatulog kita sa kwarto ko."
"Okay lang naman sa kan'ya noon na tumabi ako sa 'yo sa kwarto mo, ah. Ngayon kay Jeorge na siya?" tanong niya at tumawa na para bang nakakainsulto ang sinabi niya.
"Mabait si Jeorge at hin---"
"I'm kind too... I was. You just abused my kindness to you," he bitterly said.
Hindi pa rin siya tapos sa panunumbat kaya ano pa ba'ng aasahan ko?
"Hindi ka pa rin matutulog sa kwarto ko," malamig na sabi ko dahil ayaw ko nang makipag-argumento kay Gioval kahit hindi naman ako mananalo.
"Civil Engineering," Gioval whispered.
"Why? That's Deo's course in college."
"Does he really want that course?" he asked while looking in the sea.
"Pinili niya kaya siguradong gusto niya 'yon," mahinang sabi ko at hindi ko nga alam kung paano niya nalaman na civil engineering ang course ni Deo.
"Pinili niya dahil kay Jeorge?" tanong ni Gioval kaya natigilan din ako. Hindi ko rin kasi alam kung ano'ng isasagot ko.
Naging tahimik na lang ako.
"Even my relationship with Deo, Abilene. You ruined everything," he whispered.
BINABASA MO ANG
His Beautiful Nightmare - COMPLETED - SELF-PUBLISHED
Romance[HIS SERIES 1] [SELF-PUBLISHED] "No one is born heartless; adversities make them."- Gioval Guiverra Gioval Guiverra is the man who seeks revenge to Ryemundo Villareal who ruined his life for using him as a puppet. The man who used him to steal mone...