Enjoy Reading Sweeties:)
Abilene
"Babe, look at me," he whispered.
Hindi ako tumingin sa kan'ya dahil ayaw kong umuwi sa Manila. Narito na ang tahanan namin ni Dali. Hindi ko na gustong bumalik do'n para saan pa? Para maghirap na naman?
"Buo na ang desisyon ko, Gioval. Hindi kami sasama sa 'yo sa Manila," mahinang sabi ko at umiwas ng tingin sa kan'ya.
"What? Hindi ko kayo iiwan ni Adalia rito!" sigaw niya sa akin. Kitang-kita sa mga mata niya ang pagod.
Halatang stress siya dahil sa tawag ni Uno kahapon. Nakatulala rin siya kanina pa bago siya nag-impake. Pumasok ako rito sa kwarto nang makita kong pati gamit ko ay nilalagay niya sa maleta.
"Gioval, hindi kami sasama, pwede namang bumalik ka na l---"
"Paano kung umalis ka na naman? Paano kung iwan mo na naman ako, Abilene?!" sigaw niya sa akin kaya napakagat naman ako sa ibabang labi ko.
Sasagot na sana ako nang makita ko si Deo na humahangos na pumasok sa kwarto ko buhat niya si Dali.
"Bakit sinisigawan mo si Ate?" galit na tanong ni Deo kay Gioval.
"Deo, pwede bang lumabas ka na muna, mag-uusap lang kami ng Ku---"
Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang maunahan ako ni Gioval.
"Deo, mag-impake ka na, uuwi na tayo ng Manila," utos ni Gioval at tuloy lang sa pag-aayos ng mga damit ko sa maleta.
I want to cry because of what Gioval said as if there was nothing I could do but follow him.
"Anong mag-impake?" tanong ni Deo at tumingin sa akin. "Aalis tayo? Hindi pa bumabalik si Kuya Jeorge. Hindi tayo pwe---"
Hindi natapos ni Deo ang sasabihin niya dahil naunahan siya ni Gioval.
"Bakit kailangang hintayin siya?! Sino ba siya?!" sigaw ni Gioval kay Deo kaya nanlaki ang mga mata ko.
"Gioval! Bakit kailangan mong sumigaw?!" naiinis na tanong ko dahil pati si Deo ay sinisigawan niya.
Sasagot na sana si Gioval nang mag-ingay na naman ang cellphone niya at dahil nga nasa kama lang 'yon ay nakita ko kung sinong tumatawag.
Mom's calling
Ilang beses ko nang nakitang tumatawag ang ina ni Gioval sa kan'ya kaya sigurado akong malaki ang problemang bubungad kay Gioval pag-uwi niya sa Manila.
"Umuwi ka ng mag-isa mo sa Manila, Kuya Gioval. Kung ayaw ni Ate, hindi rin ako sasama," malamig na sabi ni Deo dahilan kung bakit napasabunot si Gioval sa buhok niya.
"Deo, lumabas ka na muna. Mag-uusap na muna kami," mahinang sabi ko.
Umalis din naman agad si Deo kaya agad kong nilapitan si Gioval at niyakap mula sa likuran.
I know he has a lot of problems now.
"Hindi kami aalis dito," bulong ko sa kan'ya pero umiling siya sa akin.
"Hindi kita pwedeng pagkatiwalaan, Rye. Sinabi mo na 'yan noon pero umalis ka pa rin," malamig na sabi niya habang nakatitig sa bintana rito sa kwarto ko.
Nakakuyom ang kamao niya kaya alam na alam kong nagpipigil siya ng galit.
"Gioval, please. Pagkatiwalaan mo na---"
"I've always trusted you, Rye... always. And you always break that trust, Rye."
Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kan'ya ang takot na nararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
His Beautiful Nightmare - COMPLETED - SELF-PUBLISHED
Romansa[HIS SERIES 1] [SELF-PUBLISHED] "No one is born heartless; adversities make them."- Gioval Guiverra Gioval Guiverra is the man who seeks revenge to Ryemundo Villareal who ruined his life for using him as a puppet. The man who used him to steal mone...