Chapter 53

4K 87 55
                                    

Enjoy Reading, Sweeties :)

Abilene

Malalim ang gabi at ang gandang pagmasdan ng mga bituin sa langit. Sa pagtama ng hangin sa aking mukha ay alam kong panibagong bukas ang naghihintay sa akin.

Nang imulat ko ang mga mata ko kanina alam kong panibagong buhay 'yon para sa akin lalo nang marinig mula sa Doctor ko na natalo ko ang sakit ko. Ako na yata ang pinakamasayang tao sa buong mundo dahil sa wakas ay nalampasan ko ang pagsubok na 'to.

Tila ba binigyan ako ng pagkakataon na magbago, pagkakataon upang magsimula ulit, at pagkakataon upang patawarin ko na ang aking sarili.

'Higit anim na buwan.'

Ang tanging gusto kong mahawakan ay ang malulusog na kamay ng anak ko. Gusto kong makasama ang anak ko.

Biglang sumagi sa aking isipan si Gioval. Kumusta na kaya siya? Galit ba sa akin si Gioval dahil sa biglaan kong pagkawala? Ibabalik pa rin ba niya sa akin si Dali? Sa kabilang banda alam kong gagawin ko ang lahat para makabawi sa anak ko.

Anak ko si Dali kaya may karapatan ako sa kan'ya.

Alam kong nakapangako ako kay Gioval na babalik agad ko, nawa'y hindi siya naghinala na wala ako sa Palanan dahil baka mahirapan akong makuha ang anak kong si Dali.

Muli akong napapikit.

Ang sabi ni Uno ay susunduin niya si Dali. Paano kapag ayaw ni Gioval? Nagtaka pa ako kaninang nagpaalam siya sa akin at may kakausapin daw. Hindi ko alam pero umaasa akong masisilayan ko ang mukha ng anak ko.

The thought of seeing my daughter excites me. I want to hug her. Buti nga at may balkonahe ang kwarto kung saan ako namamalagi dahil gusto kong makalanghap ng hangin upang mapatunayan ko sa sarili ko na gising na talaga ako.

Kasya kaya ang ipon ko sa lagpas anim na buwan kong tulog dito sa hospital? Baka mabaon ako sa utang.

Napatalon ako sa gulat nang may yumakap mula sa likod ko! Ang amoy na 'yon! Kilalang-kilala ko ang amoy na 'yon.

"G-Gioval," mahinang tawag ko sa kan'ya.

Alam niya?! Paano?!

Mas nagulat ako nang maramdaman kong nabasa ang leeg ko lalo't doon nakabaon ang mukha ni Gioval. Umiiyak siya!

"W-what are you doing here, G-Gioval? P-paano mo nalamang nandito ako?" tanong ko sa kan'ya at gusto kong pigilan ang luha sa mga mata ko dahil ramdam na ramdam ko ang pangungulila sa kan'ya.

Kahit ilang beses kong itanggi sa sarili ko ay alam kong nanabik din ako sa kan'ya — sa kanilang dalawa ni Dali. Paano bang hindi? Silang dalawa ang buhay ko. Sila ang pinakamamahal ko!

"H-huwag mo n-na akong tatakutin ng gano'n, Rye. Pakiusap."

Hindi ko alam pero nang narinig ko 'yon mula sa bibig ni Gioval ay unti-unting nagsilaglagan ang mga luha sa mga mata ko.

Alam niyang nagkaroon ako ng karamdaman. Sinabi ba sa kan'ya ni Bea? Siguradong hindi si Uno ang magsasabi lalo't nangako sa akin si Uno na hindi niya sasabihin kahit na kanino ang sakit na meron ako.

Hinawakan ko siya sa braso niyang nakayakap sa aking bewang.

"Gioval."

"Matagal akong nangulila sa 'yo, Abilene," mahina niyang sabi sa akin kaya napakagat ako sa ibabang labi ko.

"'P-paano ang asawa mo?" mahinang tanong ko sa kan'ya.

Kung ganito pa rin si Gioval ay siguradong magkakasakitan pa rin kaming dalawa. Hindi ako nagising para lang magdusa lang ulit sa kamay niya.

His Beautiful Nightmare - COMPLETED - SELF-PUBLISHED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon