Happy 2,080+ Followers Sweeties. Thank you so much.♥️😊
Pasensiya na, kanina ko pa sana naiupdate 'to kaso nagbrown out sa amin. Sorry ulit, Sweeties.
Enjoy Reading Sweeties!
Abilene
Hindi ko alam kung gaano kagalit sa akin ang tadhana. Parang pinili lang ako nito para lang masaktan ng sobra. Binuhay lang 'ata ako para makaramdam ng sakit.
Nasalo ko na yata lahat ng kamalasan sa mundong 'to.
'I'm so lost.'
This is the game I can never win. Larong magsisimula pa lang pero talo na agad ako.
Ano'ng mangyayari kung tama nga si Jeorge?
I can't just leave it all behind and run away like I did when I faced my problem back then.
"Abilene, please... lumabas ka r'yan."
Kanina pa si Jeorge sa labas ng pinto ko kaso hindi ko siya pinagbubuksan. I knew that the moment I opened that door, he'd take me to Ob-gyne.
Hindi ako papayag kasi hindi naman talaga ako buntis. Hindi naman kami agad makakabuo sa unang pagtatalik namin.
I hugged my knees and shook my head. This child will only suffer if it happens.
"Abilene!"
"Sinabi ko na ngang hindi ako buntis! Bakit ba pinipilit mo Jeorge?! Bakit mas alam mo kaysa sa akin? Katawan mo ba 'to?!" tanong ko sa kan'ya at sunod-sunod na bumagsak ang masagana kong luha mula sa mga mata ko. Pinagpapawisan ako ng malamig dahil sa kabang nararamdaman ko.
Paano na ako ngayon? Paano na si Gioval? Guguluhin ko na naman ba ang buhay niya? Sigurado akong magkakagulo kaming dalawa.
Napasabunot ako sa buhok ko dahil sa mga katanungang hindi ko masagot.
"Lumabas ka na d'yan, Abilene. Hindi natin maaayos ang problema mo kapag magtatago ka r'yan sa loob ng kwarto mo," mahinahon na sabi sa akin ni Jeorge.
I just hugged my knees and wailed.
I know my sobs could be heard outside my room, but I don't care.
"Abilene, pinasok mo 'to, dapat alam mong pwedeng mangyayari 'to dahil sa kapusukan niyong dalawa," sabi pa niya pero umiling lang ako.
"Magkakasakitan kami," mahinang sabi ko dahil 'yon ang totoo.
Ayaw kong ako na naman ang magiging dahilan ng pagbagsak niya. Ayaw kong hilahin ko na naman siya pailalim. Wala na akong balak na saktan siya.
I heard keys jiggle before my door creaked open, and there I saw Jeorge.
I know I'm a mess right now. My face is stained with tears, and my hair is disheveled from all the pulling I did.
Ngumiti siya at lumapit sa akin.
"Halika ka na, mas magandang alam mo kung buntis ka o hindi. Hinala ko lang naman 'yon... mas maganda pa rin ku---"
"Hindi ako pwedeng mabuntis, Jeorge," umiiyak na sabi ko kay Jeorge.
Alam kong para akong bata na nagmumukmok pero wala na akong pakialam. Hindi ako pwedeng mabuntis.
"Paano nga kung buntis ka? Ano'ng gagawin mo? Ano'ng gagawin natin? Sasabihin mo ba kay Gioval?" sunod-sunod na tanong sa akin ni Jeorge. Wala akong masagot ni isa sa mga tanong niya dahil hindi ko rin alam ang isasagot ko.
Hindi kami maayos ni Gioval kaya alam kong magiging malaking problema ang bata kung nagkataon na buntis nga ako.
"Hindi ako buntis, Jeorge. Alam na alam ko," mahinang sabi ko kay Jeorge.
BINABASA MO ANG
His Beautiful Nightmare - COMPLETED - SELF-PUBLISHED
Romantizm[HIS SERIES 1] [SELF-PUBLISHED] "No one is born heartless; adversities make them."- Gioval Guiverra Gioval Guiverra is the man who seeks revenge to Ryemundo Villareal who ruined his life for using him as a puppet. The man who used him to steal mone...