Enjoy Reading:)
Dalawang linggo na yata na walang Gioval na gumugulo sa akin pero bumalik ang pamamato gabi-gabi sa apartment ko. Inereklamo ko naman sa barangay kasi pati si Deo ay hindi na makatulog dahil sa ingay.
Kaso pansin kong tila wala silang ginagawang aksyon.
Ayaw kong isipin na kagagawan 'to lahat ni Gioval pero siya lang naman ang may malalang galit sa akin. Isama pang nagkaroon kami ng sagutan nang huli kaming magkita.
Ayos lang sana kung ako lang ang guguluhin niya at pahihirapan kaso nag-aaral si Deo. Hindi magandang palagi siyang kulang sa tulog dahil sa pamamato sa apartment namin. Minsan din ay paggising namin ni Deo ay may mga nagkalat na basura sa bakuran namin na hindi naman sa amin.
Syempre ako ang naglilinis no'n.
Napakunot na lang ang noo ko nang may kumatok sa pinto.
Si Jeorge lang ang inaasahan kong bisita lalo't malaki ang utang na loob ko sa kan'ya dahil tinaggap ako sa trabaho dahil sa tulong niya.
Pumapasok na ako sa kumpanya ng kuya ni Jeorge. Ayos naman at magandang magtrabaho lalo't konektado 'yon sa natapos ko.
Malaking tulong din sa amin ni Deo ang trabaho ko.
Naglakad ako sa pinto at binuksan 'yon. Natigilan na lang ako nang makita ko si Uno, ang secretary ni Gioval.
"Good morning, Ms. Abilene Villareal."
"G-good morning," alanganing bati ko.
'Ano na naman ba ang gusto ni Gioval sa 'kin?'
"Mr. Guiverra told me to pick you up," he seriously said but I shook my head.
"May pasok ako ngayon sa trabaho," sabi ko.
"I think it's more important for you and Mr. Guiverra to talk with an Attorney than to go to your work," he said making my eyes widen.
'Ano?! Ipapakulong niya ako?'
Lahat kayang gawin ni Gioval dahil sa pera niya.
Dahil nga wala akong ibang pamimilian ay sumama ako kay Uno upang makausap si Gioval. Hindi ko alam pero inaasahan ko na agad na magkakasagutan kaming dalawa.
Habang nasa byahe kami ay grabe ang bilis nang tibok ng puso ko dahil sa kabang nararamdaman ko. Kaso nangunot ang noo ko nang makita kong papasok ang sinasakyan namin sa subdivision kung nasaan ang mansyon namin —dati.
Nalulungkot pa rin ako kapag naaalala ko na hindi na 'yon ngayon sa amin.
"What are we doing here?" I asked in surprise.
"This is Mr. Guiverra's mansion now," he said as he went out to open the door for me. I was shocked.
Parang nabingi ako dahil sa narinig ko mula kay Uno.
Thousands of needles pierced my heart when I remembered the day when we were kicked out. Ginipit niya pa kami para tuluyan nang umalis sa mansyon na 'to.
Habang humahakbang ako papalapit sa mansyon namin ay parang nayurakan ang buong puso ko dahil sa sakit. Hindi ko akalain na mawawala ang lahat ng ari-arian ni Dad.
Hindi naman ako nakakalimot sa lahat ng kasalanan namin ni Dad sa kan'ya.
Alam na alam ko. Nakatatak 'yon sa isip ko.
Pero nakakulong na si Dad.
Nawala na sa amin ang lahat.
Nahihirapan na ako.
BINABASA MO ANG
His Beautiful Nightmare - COMPLETED - SELF-PUBLISHED
Romans[HIS SERIES 1] [SELF-PUBLISHED] "No one is born heartless; adversities make them."- Gioval Guiverra Gioval Guiverra is the man who seeks revenge to Ryemundo Villareal who ruined his life for using him as a puppet. The man who used him to steal mone...