Chapter 38

2.5K 64 18
                                    


Enjoy Reading, Sweeties:)

Abilene

Nagising ako nang tila lumutang ako pero agad kong naamoy ang mabangong amoy ni Gioval. Niyakap ko na lang ang mga braso ko sa leeg niya. Inaantok pa rin ako.

"Love," I whispered.

Alas kwatro kami ng madaling araw umalis sa isla kanina. Maliwanag na lalo't nasisilaw ako.

"Matulog ka lang. You need some rest," he whispered, softly.

"Where's Deo? Dali?" I whispered, still sleepy.

"Nauna nang nakasakay sa kotse. Matulog ka na muna," malambing na sabi ni Gioval kaya 'yon ang ginawa ko. Hinayaan ko siyang buhatin ako kung saan niya gusto.

Nasa Manila na kami.

Nagising na lang ako ulit na nakahiga nasa kulay puti at malambot na kama. Wala akong katabi kaya napabuntong hininga ako.

Malambot na kama.

Mabangong paligid.

Salaming ding-ding.

Lofty ceilings.

Nagmamahalang paintings na nakasabit sa kung saang parte ng kwarto.

Napatingin ako sa terrace at nakita ko ang mataas na building na bumungad sa paningin ko.

"Nasa Manila na kami," mahinang sabi ko bago ako tumayo at dumeretso ng banyo para makaligo na. Kumukulo na ang t'yan ko at naghahanap nang pagkain.

Pagkatapos kong maligo ay naalala kong hindi ko alam kung nasaan ang mga gamit ko.

Pati ang mga kagamitan sa banyo ay lahat panlalaki kaya amoy Gioval tuloy ako.

I entered the walk-in closet because I couldn't find my suitcases, so I just got Gioval's boxer shorts and his big t-shirt. Bumaba agad ako para tanungin ang mga gamit ko at kailangan kong ayusin. Tsaka ko lang napagtanto na nasa condo ako ni Gioval.

Nakita kong nagluluto na si Gioval sa kusina kaya nakangiti naman ako at lumapit sa kan'ya.

Dahil nga alam ko ang pasikot-sikot sa condo niya ay hindi na ako nawala. Ang inaalala ko ay si Dali at Deo.

Hindi yata napansin ni Gioval ang paglapit ko kaya halos mapatalon siya nang yumakap ako mula sa likod niya.

"Babe?"

"Where's Deo and Dali?"

"You smell like... me," he whispered.

"Hindi ko nakita ang mga gamit ko kaya ginamit ko na lang 'yong sa 'yo. Bawal?" mataray na tanong ko, dahil nga matangkad siya sa akin ay sinubukan kong ipatong ang baba ko pero hindi ko nagawa dahil humarap na sa akin si Gioval.

"Sit down at the dining table first. Matatapos na rin ang niluluto ko."

"Kiss," sabi ko at sabay nguso ng aking labi kaya napangisi naman siya bago ako hinalikan ng matunog sa labi.

"Pumunta ka na muna roon. Baka kung ano'ng mangyari kapag nandito ka pa," sabi niya habang puno nang pagnanasang nakatingin sa akin.

Mukhang napansin na niya ang suot ko kaya napailing na lang ako.

"Where's Deo and Dali?"

"Nasa kwarto ni Deo sa taas. Doon na nakatulog si Dali kaya hindi ko na ginising kanina."

"Akala ko ba may work ka? Dapat nando'n ka, right?" tanong ko habang nakatingin sa mga mata niya.

"Bukas pa ako papasok," sagot naman niya bago ako pasadahan ng tingin ulit.

His Beautiful Nightmare - COMPLETED - SELF-PUBLISHED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon