Chapter 1

266 10 7
                                    


Chapter 1
*Her POV*
"Hellllllllll! gumising kana-- tangn*ng bata ka nagugutom na ako!."

Bigla akong napabalikwas dahil sa taong sumigaw. dali dali akong tumayo at binuksan ang pinto. duon ko nakita si tita na lasing na naman at may hawak pa itong bote ng alak.

"T-tita b-bakit p-po?."

"Anong bakit?! magluto kana nagugutom na ako." sigaw ni tita napapikit nalang ako dahil sa lakas nito at amoy na amoy ko pa ang hininga ni tita na amoy alak.

"O-opo tita."

Nagmamadali akong pumunta sa kusina para magluto. Ng matapos ako magluto hinanda ko na ito at tinawag sila tita.

"Tita, Ate Marie, ate mariel! Kain na po."

Pumasok si tita kasunod sila ate marie inirapan muna ako nina ate bago sila umupo at nagsimula ng kumain-- ako Naman nakatayo lang sa harap nila ayaw kasi nilang sumabay ako. Minsan nga di ako nakakakain dahil inuubos nila, kahit ako ang nagluluto di ako tumatabi ng pagkain para sakin dahil baka pagalitan pa ako ni tita.

Natapos na silang kumain at pagtingin ko sa lamesa Wala ng pagkain ubos lahat. Napabuntong hininga nalang ako at linigpit na ang mga pinagkainan nila bago ito hugasan.

Pagkatapos pumunta na ako sa kwarto ko para mag ayos dahil may klase pa ako at YES nag aaral ako. Sa H.K University lahat ng nag aaral don mga mayayaman pwera nalang sakin dahil isa akong scholar nagpapart time job din ako sa isang restaurant malapit sa school.

Pagkatapos ko mag ayos lumabas na ako ng bahay, Btw ako nga pala si Hellishly Gonzalez 17yrs old pangdemonyo pangalan ko diba haha di ko nga Alam bat yan pinangalan sakin at isa akong nerd kaya palagi akong nabubully sa school-- di na ako lumalaban sanay na ako eh at ayoko ding manakit ng kapwa.

Sumakay na ako sa tricycle na huminto sa tapat ng bahay. Kung nagtatanong kayo Kung nasaan ang mga magulang ko ang masasabi ko lang HINDI KO ALAM Sabi ni tita sakin iniwan lang daw ako ni mama sa kanya sanggol pa lang ako pero kahit ganun mahal na mahal ko pa din si mama.

Di ako galit sa kanya dahil Alam kong di niya ako iiwan kay tita ng walang dahilan, hanggang ngayon umaasa pa din akong babalikan niya kahit gaano pa katagal aantayin ko siya-- di ko namalayang tumulo na pala ang luha ko dali dali ko itong pinahidan at tumingin sa labas malapit na pala kami sa H.K.U hanggang sa huminto na ang tricycle.

Binigyan ko si manong ng 10 pesos at bumaba na.

"Good morning ishly," Bati ni manong guard nginitian ko lang si manong at binati pabalik.

"Good morning din manong."

Ng pagtapak ko pa lang sa entrance nasakin na agad ang atensyon ng lahat mga matang nandidiri, nasusuka, at parang isa akong sakit na nakakahawa napayuko nalang ako ng magsimula na silang magbulungan.

"Ewww andito na naman ang nerd."

"Kadiri talaga ang manang niya manamit panget pa."

"Bat ba di pa nila pinapaalis yan."

"Oo nga nangangamoy tuloy masangsang ang University dahil sa kanya."

"Sinumpa ata Yan eh," at nagtawanan na sila napabuntong hininga nalang ako at nagsimula ng maglakad.

Di pa ako nakakalayo sa entrance ng may biglang humarang sa daanan ko.

Gangster's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon