3: Dreams Do Come True

168 14 1
                                    

"UY, VIA, napadaan ka?" bati ko sa pinsan ko nang madatnan ko siya sa kusina namin.

"Nagdala ako ng mga gulay galing sa farm."

"Ah," dumiretso ako sa fridge para kumuha ng tubig. May vegetable farm sila Via kaya kapag may bago silang harvest ay madalas na nagpapadala sila ng gulay sa amin. Pero most of the time ay iniuutos lang ni Tita yon sa driver nila.

Via and I used to be really close when we were young. Well, close parin naman kami hanggang ngayon pero hindi na tulad nung bata. Dati kasi ay magkatabi lang ang mga bahay namin. Pero nang lumago ang vegetable farm nila ay lumipat na sila sa kabilang town. We are from Quezon by the way. Kung sila Via ay may vegetable farm, ang pamilya naman namin ay may coconut plantation. Hindi kasinlaki ng mga plantation na pinapakita sa teleserye at pelikula. Hindi kalakihan ang plantation namin. So no, we're not filthy rich. We're just okay, I guess.

"Buti ka pa, Lhianne, pinayagan ka nina tita na mag-intern sa Manila."

"Nabalitaan mo na agad? Hindi pa nga ako sure kung matatanggap ako dun sa inapplyan kong kompanya."

"Saan ka ba nag-apply?"

Lumingon-lingon ako sa paligid. "Sikret lang natin ha?"

Tumango naman agad si Via.

"Nagpasa ako ng application sa Starlight Media."

Nanlaki ang mga mata ni Via. "Sa Night Hellions?"

Itinapat ko ang hintuturo sa bibig ko. "Shh! Baka marinig nila mama."

"Buti pumayag sila tita." Then she gave me a look. "Hindi nila alam no?"

"Well, may iba pa naman akong inapplyan maliban sa Starlight Media." Pagkatapos ay inisa-isa ko ang iba pang kompanyang pinadalhan ko ng application.

"So kelan mo malalaman kung tanggap ka na sa Starlight Media?"

Napangiti ako. Alam na alam na agad ni Via na iyon lang naman ang kompanyang inaabangan ko talaga. "Next week daw sila mag-e-email kung pasok ako o hindi."

"Hay naku, Lhianne, nakakainggit ka talaga. Paano kung i-assign ka sa Night Hellions? OMG!"

"Shh!" Hinila ko na si Via paalis sa kusina. Baka kasi may makarinig pa sa kuwentuhan namin. "Kalma ka lang, Vi. Sikret lang natin to ha? Wag mong ikukuwento kahit kanino."

"Oo naman. Basta ibili mo ko ng merch ha?"

"Don't worry, ako'ng bahala sa mga merch."

Kinikilig na nagtatalon si Via bago siya yumakap sa akin. "Oh, by the way, kailangan mo palang kontsabahin si Kuya Riley."

"Si Kuya Riley?"

"Oo, narinig ko si mama na kausap ang mama mo kagabi. Kaya ko nga nalaman na mag-i-intern ka sa Manila at kaya din ako nagvolunteer ngayon na magdala ng gulay dito sa inyo."

"Para makitsismis?"

"Oy hindi ah. Slight lang." We both giggled. "Pero di nga. Narinig kong tinatanong ni tita kay mama ang number ni Kuya Riley. Ibibilin ka daw kay Kuya Riley pag nasa Manila ka na."

"Hindi ko kailangan ng tagabantay."

"Tell that to your mother."

Sasagot pa sana ako nang tumunog ang cell phone ko. I received a message from Copper. "Eto ang isa pang kontrabida sa pangarap ko." Itinuro ko ang hawak kong cell phone.

"Sino?"

"Si Copper."

"Yung jowa mong hilaw?"

The Tale of the Non-Celebrity Girlfriend (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon