36: As Long As She's Here

122 17 7
                                    

IT is officially less than a week bago matapos ang lock-in taping. Technically, four days na lang kaming magwowork. Yung fifth at last day ay cast party and then pack up na.

"Gio, kumusta na yung assignment mo?"

Napasimangot ako sa tinanong ni Kuya Caloy.

"That's still a negative then."

"Kuya Caloy, hindi ko yata kaya," parang batang nagta-tantrums na sabi ko. Baka lang umubra kay Kuya Caloy.

"Not my problem, Gio."

Sabi ko nga walang effect sa kanya yung ginawa ko. Umayos na lang ako ng upo at huminga ng malalim. "May five days pa naman. I still have time."

"Pinapaalala ko lang, Gio. Ayusin mo ha? Baka mamaya kung anu-anong last minute ideas nanaman ang pumasok sa isip mo."

"Kung worried ka sa gagawin ko, bakit hindi mo na lang ako tulungan, Kuya Caloy?"

Umiling-iling siya. "Hindi mo ako mauuto, Gio."

Napasimangot nanaman ako. "Ang hirap naman kasi ng pinapagawa mo sakin."

"Still, somebody has to do it. And that somebody is you."

I could only sigh in response. Maya-maya pa ay tumunog ang cell phone niya. He just made a sign that he would go out to answer the phone.

"Ano'ng pinag-uusapan niyo ni Kuya Caloy?" tanong ni Dom na kakalapit lang sa akin. He handed me an extra bottle of soda.

"Thanks."

"So ano nga? May ginawa ka nanaman bang kalokohan?"

Napapailing na uminom muna ako bago nagsalita. "Kalokohan agad?"

"Knowing you? Hindi malabong ganoon nga ang nangyari." Tumawa pa siya.

"Nah, may pinapagawa lang sa akin si Kuya Caloy. But all these solo stuff isn't really my thing, Dom."

"Masasanay ka din."

Umiling lang ako.

"Ano'ng meron?" tanong ni Xander na nakalapit na din pala sa amin.

"Hindi pa man nagsisimula yung mga solo projects natin, namimiss na daw tayo ni Gio."

"Ulol!" Tumayo na ako. "Maglalakad-lakad lang muna ako. May 30 minutes pa naman bago tayo magresume."

Hindi ko na sila hinintay na sumagot. Dere-deretso na akong naglakad, with only one destination in mind: ang hanapin si Lhianne. That's the plan. Yun lang. As yun na yung plan, hahanapin ko lang siya. Ah, shit! There's actually no plan at all.

Hindi ko talaga alam ang gagawin. Alam ko winarningan na ako ni Kuya Caloy kanina. Pero bahala na. Hahanapin ko na lang muna si Lhianne. Narinig ko kila Kuya Gary kanina na may in-assign nanaman daw na ibang trabaho sa kanya ang PR team kaya wala siya sa editing room. I can only think of one other place where she would go.

Nakarating ako sa livestream room in record time. It has become our meeting room for the past few days. Patapos na kasi ang lock-in taping kaya dumadalas na uli ang mga meeting namin para sa mga susunod na projects. Pero sa isip ko ay livestream room parin ito. Kahit pa wala na iyong mga indoor plants na ipinalagay ko dati saka yung mahabang sofa. Ngayon ay dominated na ng long table sa gitna at mga plastic chairs ang kabuuan ng kuwarto. Still, it's like this room has become my and Lhianne's unofficial meeting place.

True enough, pagpasok ko ay nakita ko agad si Lhianne. Nandoon siya sa pinakadulong upuan. She was facing the terrace so I can only see her side profile. Nakapangalumbaba siya habang nakatingin sa screen. Pero parang blangko lang naman ang screen niya.

"Lhianne?"

Hindi siya sumagot. Imposibleng hindi niya ako narinig dahil wala naman siyang suot na headphones.

"Lhianne." I called her name again. Gumalaw siya pero para lang ayusin ang pagkakasapo niya sa baba.

Teka nga. Is she actually doing what I think she's doing? Dahan-dahang sinilip ko ang mukha niya. Nakapikit ang mga mata niya. Bahagyang nakataas ang isang sulok ng mga labi niya na parang may naiisip or rather napapanaginipan siyang maganda. Yup, it's confirmed. Natutulog nga si Lhianne. And she looks really adorable. Lalo na at suot nanaman niya ang isa sa mga jacket ko.

I wasn't really thinking when I gave her my jacket the first time. Naalala ko lang kasi na napag-usapan namin sa Incord as FiFi and Copper na lamigin siya. That time napansin ko na manipis lang iyong jacket na suot niya. She probably did not expect that it would be this cold here in our shooting location. Mabuti na lang ang nakaugalian ko nang i-research ang mga lugar na pinupuntahan namin. Kaya alam kong kailangan naming magdala ng jackets.

The second time I gave her my jacket, well, wala naman. Parang naging automatic na sa akin pagkarinig kong bumahing siya. But now, I just think that I like seeing her in Night Hellions merch. Naaalala ko nung nagkasabay kaming pumunta sa Korean Mart malapit sa Starlight Media office. She was wearing that yellow Night Hellions cap and I really liked seeing that cap on her.

"Hmm..." Lhianne hummed and moved her head to the side.

Napangiti ako. She really looks adorable right now. Ano kaya ang napapanaginipan niya? May tipid na ngiti sa mga labi niya, so it's probably something good.

Iginalaw nanaman niya ang ulo. And she almost slipped from her hand. Kusang gumalaw ang kamay ko para hawakan ang gilid ng ulo niya. But she saved herself at the last minute. Napangiti nanaman ako. Pero sandali lang. Naalala ko kasi bigla kung ano ba ang tunay na purpose ko sa pagpunta dito at paghahanap sa kanya.

Nah, I can't do this right now, not today, not tomorrow, probably not ever. I really can't. Seryoso ako. Paano ko sasabihin? Ni hindi ko nga alam kung saan magsisimula. Tawagin niyo na akong duwag pero hindi ko talaga kaya. Hindi ko--

Bigla na lang gumalaw ang kamay ko para saluhin ang pisngi ni Lhianne. Tuluyan na kasing dumulas ang baba niya mula sa kamay niya. It happened so fast. Ni hindi ako nakapag-isip. And that's how I ended up holding her face as she continued to sleep. Iginalaw pa uli niya ang ulo niya na parang naghahanap siya ng komportableng posisyon sa pagkakahawak ko. Again my instinct kicked in. Lumapit ako sa kanya para sa akin siya mapasandal.

Tuluyan nang tumigil sa pag-function ang utak ko. Wala na kasi akong ibang naiisip maliban sa kaya kong tumayo lang dito sa tabi ni Lhianne buong maghapon habang natutulog siya. I'd be contented to just stare at the view outside while softly touching her hair. Sa totoo lang kahit noong hindi pa kami nagkikita in person, kahit online lang kami nag-uusap, siya lang talaga ang nakakapagpakalma sa akin ng ganito. Parang lahat ng worries ko ay nawawala. Suddenly, I'm not that anxious about doing solo projects anymore. Para ngang medyo nae-excite na ako. Especially now that I know Lhianne would be working with us soon. As long as she's here, I feel like I would be able to endure and even tolerate anything that comes my way.

******


I thought about writing one of Gio's attempts in Lhianne's POV. Pero sa huli ay nanalo ang POV ni Gio. Feeling ko kasi mas interesting na makita ito sa perspective niya. Especially because I think he's already whipped, hindi pa lang niya nare-realize. hahahaha!

The Tale of the Non-Celebrity Girlfriend (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon