51: Food Debate

101 20 5
                                    

THEY weren't kidding when they said Kuya Caloy can't handle everything alone anymore. Professional at magagaling naman ang lahat ng members ng production team na bumubuo sa anniversary celebration ng Night Hellions. But there are simply too many things to do and too many decisions to make. At karamihan sa mga iyon ay dumadaan kay Kuya Caloy para ma-approve niya. That's the only reason why I'm here right now.

Tinawagan ako ni Kuya Caloy kagabi para sabihing pumunta ako sa venue ng mas maaga. Sa dami ng ginagawa niya ay nakalimutan daw niyang ngayong umaga ide-deliver dito sa venue iyong mga gamit at props mula sa sponsors. Kaya sa akin na niya ini-assign ang pagreceive sa mga iyon. Supposed to be ay sa hapon pa ako naka-sked na pumunta. Ang role ko lang naman talaga ngayon ay maging babysitter ng Night Hellions mamayang hapon pag nagrehearse sila dito.

But now, I'm sitting here at the lobby and waiting for the deliveries to arrive. Sumilip pala ako sa loob kanina. It was kinda chaotic inside. Kaya lumabas din agad ako. Baka maging cause of delay pa ako instead na makatulong. Nagsisimula na akong makaramdam ng pagkainip nang magmessage sa akin si Gio.

@hellic0ppeRsX: FiFi, nasa venue ka na daw sabi ni Kuya Caloy?

@HellionFairy16: Yup, hinihintay ko yung deliveries galing sa sponsors

@hellic0ppeRsX: Malapit na ang lunch time. Nasabi ba sayo ng PM kung dinamay ka nila sa lunch?

@HellionFairy16: Actually, hindi ko tinanong. So I'm not sure.

@hellic0ppeRsX: That's okay. I'll just bring you lunch

@HellionFairy16: Okay lang sayo?

@hellic0ppeRsX: Oo naman. Bakit naman hindi?

@HellionFairy16: Wala, parang nahiya lang ako bigla

@hellic0ppeRsX: FiFi, ako lang to. Bakit ka mahihiya?

@HellionFairy16: Alam ko. Pero kasi your face is kinda all over the venue right now. Naalala ko tuloy bigla na member ka ng Night Hellions

Gio sent me eye-rolling gifs. Napangiti na lang ako.

@HellionFairy16: Okay, since nagvolunteer ka naman. Sige na nga

@hellic0ppeRsX: Anong gusto mong kainin?

@HellionFairy16: Kahit ano na lang na madaanan niyo on the way dito

@hellic0ppeRsX: No. Tell me what you want and I'll get it for you.

@HellionFairy16: Ok nga lang sa akin kahit ano.

Suddenly, Gio was calling me. Sandaling tinitigan ko pa muna ang cell phone ko bago ko sinagot ang tawag niya.

"H-hello?" napangiwi ako pagkarinig sa sarili kong boses. Hello na nga lang ang sinabi ko pumiyok pa ako.

"Hindi ko tatanggapin yang kahit ano na yan, Lhianne."

Napakamot ako bigla sa ilong. Nakalimutan ko nang pareho nga pala kami ni Gio na matigas ang ulo. "Gio, I'm just being considerate. Ayaw mo ba non?"

"I don't want you to be considerate with me."

"Ano?"

"Just treat me like the way you used to. Ayoko na ganyan ka sa akin. Na iniisip mong ako si Gio ng Night Hellions. Don't be like that, FiFi."

Hay... Alam na alam ko na ang ganitong drama ni Gio. As Copper, maraming beses ko nang na-encounter ang topak niyang ganito. "Anong don't be like that? Hindi ko naman sinasabi ito dahil ikaw si Gio ng Night Hellions, okay? Kahit pa ibang tao ang kausap ko ngayon, I would still say the same."

"Hindi ako naniniwala. You just said a while ago. Sabi mo dahil nakikita mo ang pictures ko diyan, naiisip mo na--"

"Kanina lang yon. Nakalimutan ko na uli ngayon dahil sa topak mo."

"Basta gusto ko paring sabihin mo sa akin kung ano ang gusto mong kainin."

"Kahit ano nga. I really don't want you to go out of your way just to buy me food." Nasabi ko bang pareho kaming matigas ang ulo? Yeah? So, sorry na lang kay Gio. Hindi talaga ako basta-basta bibigay sa gusto niya.

"But I want to go out of my way to get you food," giit pa rin niya.

"Hindi na nga kailangan, Gio. Alam kong busy ka, kayong lahat. Kaya please, sundin mo na lang ako."

"Bakit ako ang dapat magconcede? Ako na nga ang nagvovolunteer diba?"

"So you're saying na ako dapat ang magconcede? Kahit na gusto ko lang naman maging considerate?"

"Eh kung sinabi mo na agad sa akin kanina pa ang gusto mong kainin, eh di tapos na sana ang usapan."

"Eh kung pumayag ka na lang din sa sinabi ko na bumili ng kahit anong madaanan niyo, eh di mas okay yun."

"Ayoko nga. Baka mangayayat ka pa dahil sa amin."

"Hindi naman yun mangyayari kasi nga bibilhan mo ako ng food, di ba? Yung mabibili niyo na along the way. Saka hindi ako mangangayayat dahil madami naman akong reserbang fats sa katawan."

"But I like you that way, Lhianne."

"Anong that way?"

"Cuddly."

Hindi agad ako nakasagot. "Teddy bear ba ako?"

I heard him sigh. "Talaga bang aawayin mo ako dahil lang sa food?"

Napabuntong-hininga din ako. Parang bigla akong napagod. "Hindi naman kita inaaway ah. I'm being considerate nga eh."

"Inaaway mo ko eh," parang batang sabi ni Gio.

"Hindi nga kita inaaway." Parang gusto ko tuloy biglang matawa sa aming dalawa. "Okay, sige na nga, ganito na lang, why don't you tell me kung anong mga restaurants or fastfood ang madaanan niyo? Doon na lang ako mamimili."

"Fine," then he proceeded to name the restaurants he remembers.

May nabanggit siyang Korean restaurant. And I immediately thought of gimbap. Dahil sa kakapanood ko ng K-drama kaya familiar ako sa ilang Korean foods.

"Okay, gimbap it is. Yun lang ang kakainin mo?"

"Ahm... puwede mo akong ibili ng ice cream?"

"Hindi puwede. Isip ka pa ng iba, wag lang ice cream."

"Bakit?"

"Siguradong gagabihin tayo sa rehearsals. Baka magkasakit ka pag kumain ka ng ice cream."

"Anong koneksiyon?"

"Basta. Believe me, na-experience ko na yan."

"Hindi naman ako kakanta eh," natatawang sabi ko. "Nandito lang ako as your babysitter."

"Kahit na. It's better to be safe. Kaya bawal kang kumain ng ice cream."

"Sige na nga." Pumayag na lang ako kasi medyo napagod talaga ako sa mahabang debate namin dahil lang sa pagkain. Saka may nakita akong pumaradang van sa labas. "Gio, nandito na yata yung isang delivery. Babye na."

"Okay. See you later."

The Tale of the Non-Celebrity Girlfriend (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon