40: The Meet-up

109 19 4
                                    

DAHAN-DAHAN kong idinilat ang mata ko. Ayoko pa sanang gumising pero parang galit na galit na ang tunog ng alarm ko. I searched for my phone. Pero hindi ko iyon makita sa tabi ng unan ko. Napilitan tuloy akong bumangon. And that's when I finally noticed that I'm in an unfamiliar room and there's a strange jacket that slipped to my lap as I got up.

Kinuha ko muna ang cell phone ko na nakapatong pala sa side table. I turned off the alarm and then returned my attention to the jacket. Pero bago ko pa ma-inspect ang jacket, parang alam ko na agad kung sino ang may-ari nito. Pati itong kuwarto, bago ko pa man ilibot ang paningin dito ay parang alam ko na din ako kung sino ang may-ari nito. Napahiga tuloy uli ako. Kinuha ko pa ang isang unan at niyakap. Hmm... there was a familiar faint smell in the pillow. And again, alam ko na agad kung kaninong amoy yun. Wait a minute. Napabangon nanaman ako. Ibig sabihin ba nito ay totoo yung mga napanaginipan ko kanina? I mean, hindi pala iyon panaginip?

I vaguely remember waking up a couple of times this morning. Well, not exactly wake up. Naalimpungatan lang ako. Yung unang beses ay nung parang may humahaplos sa ulo at balikat ko. Pero sandali lang iyon. Yung pangalawa naman ay nung parang may naghehele sa akin. Para bang dinuduyan ang pakiramdam ko. And the third was when someone was talking to me softly. Hindi ko na maalala ang sinabi niya. Basta ang natatandaan ko lang ay ang mga salitang good bye at see you soon.

Napapabuntong-hiningang humiga uli ako at tumitig sa ceiling. So totoo pala lahat yun. At si Gio yung napanaginipan kong gumigising, naghehele, at nagpapaalam sa akin. Kung may nakakita sa amin... Ah! I don't want to think about it. I don't even want to imagine the kinds of attack that Gio would receive. Hindi lang siya isang celebrity. Isa siyang sikat na celebrity. At sa panahon ngayon na usong-uso ang cancel culture, isang maling move lang ay masisira agad ang iniingatan niyang pangalan at status. How can I be so careless? I have to apologize to him.

Kaya binuksan ko agad ang Messenger app ko at nagpadala ng message sa personal niyang account. I thanked him and at the same time I apologized for what happened. Siyempre wala akong natanggap na reply. Ni hindi nga niya na-seen ang message ko. Sabi nga pala niya hindi niya inoopen ang account na iyon sa cell phone niya.

Nanlulumong isinara ko na lang uli ang Messenger app. That's when I noticed that I have a message at Incord. Binuksan ko agad iyon.

@hellic0ppeRsX: How are you, FiFi?

Agad na napangiti ako. Medyo namiss ko kasing kachat si Copper.

@HellionFairy16: I'm okay. I'm officially finished with my internship.

@hellic0ppeRsX: Wow! Congrats!

I sent him a bunch of thank you gifs.

@hellic0ppeRsX: Gusto mong magcelebrate?

Teka, tama ba itong nababasa ko? Tinatanong ba talaga ni Copper kung gusto kong i-celebrate namin ang pagtatapos ng internship ko? Ito ang unang pagkakataon na nagpahiwatig siyang gusto niya akong makita.

Ah, wait. Bakit ba naisip ko agad na personal celebration ang ibig niyang sabihin? Baka naman kasi online celebration lang tinutukoy niya. Like maglalaro kami ng Mobile Leagues or something.

@HellionFairy16: Sure! Ano'ng gagawin natin as celebration? Okay na ako sa 500 diamonds sa Mobile Leagues.

@hellic0ppeRsX: Ang sabi ko magcelebrate tayo, hindi ka magwiwish.

@HellionFairy16: Baka lang naman gusto mo ding magbigay ng gift. haha

@hellic0ppeRsX: Let's have dinner together.

What? As in WHATTT????? One moment we were just joking around. Tapos the next moment bigla na lang siyang magpapasabog ng ganyan!

@HellionFairy16: Wag ka nga, Copper. Baka seryosohin kita jan eh

@hellic0ppeRsX: Hindi nga. Ayaw mo ba akong makita, FiFi?

@HellionFairy16: Ayaw

@hellic0ppeRsX: Ouch!

Followed by crying gifs. Nakonsiyensiya naman agad ako.

@HellionFairy16: Seryoso ka ba? Hindi ka nangti-trip lang?

@hellic0ppeRsX: I've never joked about meeting you, FiFi

True naman. Sa katunayan ay never namin nabanggit pareho ang tungkol sa pagmimeet.

@HellionFairy16: Bakit bigla mo namang naisip na i-meet ako?

@hellic0ppeRsX: Wala naman. I just think it's about time. Saka since nandito ka na din sa Manila, so why not?

@HellionFairy16: Oo nga naman. Why not?

@hellic0ppeRsX: Is that a yes to dinner?

@HellionFairy16: Bakit parang biglang ang seryoso mo?

@hellic0ppeRsX: Lagi naman akong seryoso ah, ikaw lang ang laging nag-iisip na hindi

I sent him eye-rolling gifs

@hellic0ppeRsX: Ano na, FiFi? Do you want to have dinner with me?

@HellionFairy16: Tonight?

Teka, hindi ba masyadong excited naman ang dating ko? Tonight agad? But Copper replied to me immediately.

@hellic0ppeRsX: Call. Anong oras ka puwede?

Napacheck ako ng oras. 10:30 na pala ng umaga. Susunduin ako ni Kuya Riley before 12 noon. We should be at my condo in 3-4 hours. Or maybe less if there's no traffic.

@HellionFairy16: 6pm?

@hellic0ppeRsX: Okay. May gusto ka bang puntahan?

@HellionFairy16: Wala naman. Ikaw na lang ang magdecide. Basta yung madaling puntahan ha?

@hellic0ppeRsX: Well, I can pick you up if you want.

Ilang ulit kong binasa ang huling message na 'yan. Hindi kasi mabura sa isip ko na parang extra serious talaga si Copper ngayon. Wala naman siguro siyang binabalak na masama, di ba? Ah, ano ba 'tong iniisip ko? We're friends. As a matter of fact, we've been friends for years. I shouldn't be thinking this way.

But still, I know almost nothing about him. Hindi naman sa ayokong maniwala o magtiwala sa kanya. But I'm not stupid. Hindi ko ibibigay sa kanya ang address ko ng ganun-ganun lang.

@HellionFairy16: Wag na. Baka abala pa sa'yo. Basta ibigay mo na lang sa akin ang address. Much better kung may kasamang map, please

@hellic0ppeRsX: Sure thing, FiFi.

@HellionFairy16: Oks, babye muna.

@hellic0ppeRsX: See you later.

Hindi na ako nagreply uli. Tumatawag na kasi sa akin si Kuya Riley. Siguradong mangungulit na siya na maghanda na ako or something. Baka on the way na sila ni Ate Kalai.

*******

Malapit na! This is it. Magkikita na talaga sila. huhu! I can't. Ano kaya ang mangyayari?

The Tale of the Non-Celebrity Girlfriend (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon