92: Disappointing Night

111 17 3
                                    

HABANG nagmamaneho si Gio papunta sa base, pinanood ko ng buo ang video nila. Sabi niya naka-sked daw ang posting ng video for tonight. Kaya siguro siya pumunta sa condo ko para doon magtago.

I sighed, probably for the hundredth time already. Naiinis ako na ewan. I mean, I get it. Naiintindihan ko ang punto ni Gio. Pero hindi ibig sabihin non na sumasang-ayon na ako sa ginawa niya, I mean nila. It was still a very inconsiderate and irresponsible thing to do.

"You guys know me, I'm not that good with words," Gio had said in the video. "Kaya idaan na lang natin sa kantahan ang lahat." Pagkatapos ay nilingon niya sina Dom at Xander.

Xander reached out somewhere. Maya-maya pa ay may hawak na siyang ukulele. Si Dom naman ay kinuha ang maliit na portable piano na mukhang laruan. Habang si Gio ay may nilabas namang xylophone na maliit mula sa kung saan. If I didn't know what this video was about, I would think it's cute to see them playing these tiny instruments.

But anyway, si Gio ang sumenyas sa pagsisimula nila. Medyo sablay yung unang part ng pagtugtog nila. Para bang hindi nila napraktis ng maayos ang gagawin. Pero maya-maya lang ay unti-unti nang nagkakatugma ang tunog ng mga instrumento.

"Ang kantang ito ay bago para sa amin. Hindi pa ito tapos actually. But if we're going to sing one last song, I think this will be it," Gio had said. Na tinanguan naman nina Dom at Xander.

"I arranged this song na totally malayo sa usual style ng Night Hellions," dagdag ni Dom.

"I collaborated with Dom for the harmony. I've always been into reggae music, na malayo sa pop genre ng grupo namin. Ngayon ko lang ma-a-apply ang pagkahilig kong yan sa kanta namin mismo," sabi naman ni Xander.

"And for the first time ever, I wrote the lyrics," Gio said before grinning at the camera. "Ang pamagat nito ay 'Sa Tagpuan.'"

Pagkatapos ay biglang tumigil ang pagtugtog nila. Parang break ba. Nang muli silang tumugtog ay sumabay na ang boses ni Dom.

Sa pagtatagpo ng liwanag at dilim
Pagsapit ng takip silim
Maghihintay, mag-aabang
Sa aming munting tagpuan

I thought the lyrics were simple enough. Pero nag-iba ang lahat nung bumira na si Gio mismo ng ganito:

Ang sarap balik-balikan, kuwentuhang magdamagan
Ice cream na pinagsaluhan, jacket na pinahiram
Lamig ng gabi'y hindi ramdam
Doon sa tagpuan

Ano 'yoooonnnn? Like seriously? Kulang na lang ilagay niya ang pangalan ko. Oh wait, binanggit nga pala niya ang pangalan ko. Pagkatapos ng verse o chorus o kung anumang part yun na kinanta ni Gio, tumigil na siya sa pagtugtog. Pero sina Dom at Xander ay tuloy-tuloy lang. Parang background music ba. Habang si Gio ay nagsasalita.

"Hindi ko kayo pipiliting maintindihan. Gusto ko lang na inyong malaman. Ang buong katotohanan ay napakalayo sa mga kuwentong naglalabasan. Kung alam niyo lang, napakarami na naming pinagdaanan. Dahil sa kanya, ako ay naging matapang. Dahil sa kanya, nakatayo pa rin ako at lumalaban. Ang pangalan niya ay Lhianne. At hindi ako papayag na siya ay masaktan. Ipagtatanggol ko siya kahit saan, kahit kailan." Then the music completely stopped. But Gio continued with a solemn voice. "Sana muli nating alalahanin at tatandaan. Na musika ang orihinal na dahilan kung bakit nabuo ang Night Hellions at narito pa rin sa inyong harapan."

Hindi na yun part ng kanta. Or was it? It sounds like he was still rhyming, right? Parang yung mga nausong kanta noong 90s. Yung may mga parts na parang nagsasalita na lang ang singer. Ah, ewan. Hindi ko alam kung ano ang dapat isipin at maramdaman.

May anomaly yata ang pagiging babae ko. Kasi alam ko naman sa isip ko na bilang babae, I was supposed to find that romantic and sweet, right? Pero bakit iba ang nararamdaman ko? Well, of course I was touched. But I'm also pissed off right now. Iyon ang mas nangingibabaw ngayon sa lahat ng emotions ko. Kaya nga tahimik lang ako at hindi parin nagkokomento tungkol sa video. Maiksi lang naman yun. Pagkatapos niyang huling monologue ni Gio ay natapos na din ang video.

Finally, nakarating din kami sa base. Gio took hold of my hand. Hindi naman talaga ako galit sa kanya. I'm just disappointed, I guess. So I just let him hold my hand, kahit pa hindi pa rin ako nagsasalita. Naabutan namin sina Dom at Xander na nakaupo lang sa living room. Si Kuya Caloy ay may kausap sa telepono kaya nandoon siya sa studio.

The Tale of the Non-Celebrity Girlfriend (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon