Part 42: Interrogation Portion

107 19 11
                                    

"GIO."

Tumigil ako sa paghahalungkat sa kusina at lumingon sa tumawag sa akin. Si Dom ang nalingunan ko.

"Tara sa kuwarto ko," he said.

Napapabuntong-hiningang sumunod ako kay Dom. We might as well get this over with. Pagpasok sa kuwarto niya ay nandoon na si Xander. Sa katapat niyang mesa ay nakabukas ang laptop ni Dom. I took a peak at the screen and saw that he was or we are in a video conference with Kuya Caloy.

"Nandiyan na ba si Gio?" narining kong tanong ni Kuya Caloy.

Hindi na ako sumagot. Iniharap na kasi sa akin ni Xander ang laptop.

"So nandiyan daw si Lhianne sa penthouse." It wasn't a question. Pero tumango pa rin ako. "Ano'ng nangyari at dinala mo siya diyan?"

Hindi nanaman ako sumagot. Hindi ko kasi alam kung ano lang ang puwede kong sabihin. Una sa lahat ay hindi pa kami nakakapag-usap talaga ni Lhianne. At pangalawa ay siguradong pauulanan ako ng sermon ni Kuya Caloy kapag nalaman niya ang kapalpakang ginawa ko.

"Ngayon ka lang yata tumahimik ng ganyan, Gio. Come on, spill it," mukhang naiinip nang dugtong ni Kuya Caloy.

"Teka lang, nag-iisip pa ako."

"Wow, bro, totoo pala talagang there's a first time for everything."

Tinignan ko ng masama si Dom. Pero nagsalita na uli si Kuya Caloy.

"What's there to think about, Gio? Sasabihin mo lang naman kung bakit nandiyan si Lhianne at bakit kayo dumating diyan nang basang-basa daw sabi ni Dom."

"Tsismoso lang yang si Dom, Kuya Caloy."

"Hindi yun tsismis, I saw it with my own eyes."

"I saw it too," dugtong ni Xander. Napatingin tuloy ako sa kanya.

"Nasa sala ka din kanina? Bakit hindi kita nakita?"

Nagkibit lang ng balikat si Xander.

"Come on, Gio. Wala namang magagawa yang pagpapatagal mo. You still have to explain."

Tama naman si Kuya Caloy. Walang saysay na patagalin ko pa ito. I still have to tell them something no matter what.

"Ganito kasi," isinuklay ko ang mga daliri ko sa buhok, just so my hands would have something to do. Ganito talaga ako pag nate-tense. Kailangan laging may ginagawa ang kamay ko.

"Yes, Gio? Matatapos ba tayo anytime tonight?"

Tinignan ko uli ng masama si Dom na mukhang tuwang-tuwa pa sa pinagdadaanan ko ngayon. Totoo talagang hindi ko alam ang sasabihin. These three guys in front of me right now are the only people in the world who probably know me more than I know myself. Kaya malalaman agad nila kapag nagsinungaling ako. But I know that I can't tell them anything until I talk to Lhianne. Ang tanging paraan para matakasan ko ang pang-i-interrogate nila sa akin ay ang magsabi ng totoo. Well, at least half of the truth.

"Okay, okay. In-invite ko si Lhianne na magdinner."

Hindi pa man ako tapos magsalita ay nagtatanong na si Kuya Caloy. "May nakakita ba sa inyo?"

Umiling ako. "We didn't even make it to dinner. Umulan na kasi bigla. Mas malapit itong penthouse kaya dito ko siya dinala."

"Nice, Gio. Makikipagdate ka na nga lang, hindi mo pa naisip na gumamit ng kotse."

Hinarap ko si Dom. "My bike was a reasonable choice. Mas walang makakakilala sa akin sa suot kong helmet. Saka hindi ko naman siya sinundo. We were just supposed to meet at Clark's." Iyon ang pangalan ng cafe na madalas naming puntahan. Kilala namin ang may-ari kaya confident ako na imbitahan si Lhianne doon.

"Teka, ang gulo mo, Gio," singit ni Xander. "Akala ko ba hindi mo siya sinundo? Tapos sabi mo hindi kayo nakapagdinner. Pero naka-angkas siya sa motor mo. Labo mo."

"Hindi pa kasi ako tapos. As I said, we were supposed to meet at Clark's. Hinihintay ko na siya doon nang magmessage siya sa akin na na-stranded siya malapit sa cafe. I don't know yet how that happened. Hindi ko pa siya natatanong. Anyway, when I received her message, umalis ako sa Clark's at pinuntahan ko siya. After that, bumuhos na ang ulan. So okay na ba? Gets na nating lahat?"

"Hmm... mas okay na siguro na dinala mo agad diyan si Lhianne. It's safer there."

Napatingin ako bigla sa laptop. Tama ba ang narinig kong sinabi ni Kuya Caloy?

"Sobrang lakas ng ulan at baha na sa ibang areas. Kaya nga wala ako diyan ngayon. If this was any other night, baka nilipad ko na ang papunta diyan sa penthouse pagkamessage pa lang sa akin ni Dom."

Kinindatan lang ako ni Dom pagtingin ko sa kanya.

"Anyway, makakapunta din naman si Lhianne diyan sa penthouse sooner or later. So this is not a problem. Pero technically, hindi pa siya official member ng team. Kaya make sure na walang makakakita sa inyo na magkasama. It would be too hard to explain."

Sabay-sabay kaming tumango na tatlo.

"One last thing," dagdag ni Kuya Caloy. "Don't scare her, okay?"

I'm not sure exactly what Kuya Caloy means by that. Pero tumingin pa rin ako kina Dom at Xander. Bigla kasing bumangon yung protective instinct ko.

"Gio, since ikaw ang nagdala diyan sa kanya, responsibilidad mo siya. Puwede mong ipagamit sa kanya iyong guest room sa--"

"Doon na lang siya sa kuwarto ko."

All eyes turned to me.

"What? Mas komportable naman sa kuwarto ko kesa sa guest room."

"Bakit sa kuwarto mo pa? Bakit hindi sa kuwarto ko o kay Xander?"

I looked at Dom. "Bakit? Papayag ba si Xander na magpapasok ng kahit sino sa kuwarto niya? At ikaw, maaatim mo bang magulo ang kuwarto mo dahil may ibang taong gagamit doon?" Tumingin lang sila sa akin. "See? My room is the best choice. Hindi problema sa akin na pumasok si Lhianne sa kuwarto ko at matulog doon."

As a matter of fact, she already slept in my room at the villa this morning. Pero sa isip ko na lang sinabi yan.


******

When I plotted this story, hindi talaga ganito ang "confession" ni Gio. Doon sa original na outline/scene na ginawa ko ay maayos ang pagkakaplano ni Gio. Yun bang tipong for the first time in his life eh may tama siyang ginawa. Pero habang papalapit yung part na ito, I realized na hindi pa yata time para magtino ng ganyan si Gio. Para bang hilaw pa. Kailangan pa niya ng more character development. haha! So I decided to deviate a little and write this messy or rather rainy confession.

As for Lhianne, well, kung si Gio ay hilaw pa, itong si Lhianne ay nag-ge-germinate pa lang yata. hahaha! Parang ang baby pa niya in terms of having feelings for Gio. Parang sa kanya ay considered siyang privileged fangirl lang since somewhat friends na sila ni Gio. So I think kailangan mangyari ang "confession" na ito sa ganitong paraan. Yung major palpak talaga para tuluyan nang mabasag yung image ni Gio as a member of Night Hellions. Tapos ipasok pa natin sa equation yung identity niya as Copper.

Anyway, don't worry. I don't plan on dragging naman yung issue ng pagtatago ni Gio ng identity. I really hate it when writers do that to characters. Yun bang pagdating sa mga difficulties ay nagiging childish na ang supposed to be ay reasonable at matalinong mga characters. Parang hindi na sila marunong umintindi. Ayoko talaga ng ganyan. Kaya ayokong maging ganyan sina Gio at Lhianne. hahaha!


The Tale of the Non-Celebrity Girlfriend (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon