64: TDR

111 20 10
                                    

"LHIANNE, you'll be in charge of the special guests, friends, and families. Ise-send ko sa'yo ang listahan mamaya."

"Okay po, Kuya Caloy."

"Hindi ka pa masyadong familiar sa production kaya sa'yo ko in-assign ang pag-usher sa mga guests. Kaunti lang naman sila, pero puro VVIP. And also, I think bagay ka dito. Hindi ka madaling ma-intimidate. Di tulad nitong si Billy," tinuro pa niya si Kuya Billy na ngingiti-ngiti lang. "Isang tingin lang diyan ng mommy ni Gio bumibigay agad."

Natigil ang pagngiti ko. I'm not sure kung may iba pang meaning ang pagmention ni Kuya Caloy sa mommy ni Gio. Pero kahit pa wala, medyo kinabahan pa rin ako. Siyempre mommy niya yun. And it's been three days since napalitan ang status ko from single to non-celebrity girlfriend. Hindi sa akin galing yan, si Via ang may sabi.

Yeah, I told Via about Gio and I. Alam ko namang hindi niya ipagsasabi kahit kanino. Saka isa pa, I have to say it to someone, kahit isa lang. Kasi baka sumabog ang utak ko kung sasarilinin ko lang lahat ito. Noong una akala pa ni Via tini-trip ko lang siya. Pero nung sabihin ko na sa kanya na si Gio ay si Copper, well, hindi din siya naniwala nung una. Pero mabilis din niyang natanggap ang information na yun. After that hindi na siya nahirapang maniwala sa binalita ko. And that's when she started calling me NCGF, as in non-celeb gf. Hindi ko alam kung saan-saan niya napagkukuha ang mga terms na yan. Pero maganda din namang pakinggan, so okay lang.

"Actually, Lhianne," pagpapatuloy ni Kuya Caloy. "Ang kailangan mo lang talagang tutukan ay ang pagsunod nila sa health and safety protocols. Other than that, they can pretty much do whatever they want, as long as nasa allowed areas lang sila. Hindi mo sila kailangan bantayan ng husto. Lalo na ang mga guests ng company. Alam naman nila ang limitations ng pag-attend nila."

"Noted po yan."

"Para naman sa mga sponsors natin, hindi pa sila nagko-confirm kung may mga guests sila na pupunta. Ifoforward ko din sa'yo kung sakaling merong pupunta sa kanila. For the sponsors' guests, medyo mas kailangan nila ng atensiyon. They are our sponsors after all. You can give them a mini tour of the venue, and a short background kung paano magwowork ang livestreaming ng event."

Para nga pala sa anniversary celebration ng Night Hellions, isang mini concert ang gagawin nila na ila-livestream ng libre. They will also be interacting with fans online. May mga inihanda ding gifts at give-aways ang team para sa mga maswerteng fans at viewers.

Nagpatuloy pa si Kuya Caloy sa pagbibigay ng instructions. Actually, hindi naman talaga official meeting ito. Nagkataon lang na nagkasama-sama kaming tatlo dito sa dressing room, while the boys are doing their tech and dress rehearsal o TDR. We just stayed here because we might just get in the way. Saka nagshu-shoot din sila ng vlog. Dagdag effort pa sa vlogging team ang pag-iwas na makunan kami.

"Guys, you can take a break muna. Adjust lang natin yung lighting," anunsyo ng stage manager.

Rinig dito sa dressing room ang kung anumang nangyayari sa stage. Saka may maliit na monitor din dito sa dressing room. So nakikita din namin ang nangyayari sa stage.

"Ituloy na lang natin yun meeting mamaya," sabi ni Kuya Caloy.

Sigurado kasing didiretso dito ang mga boys. True enough, the door to the dressing room opened just a few seconds later.

"Good job, guys," pang-e-encourage ni Kuya Caloy. Tumayo pa siya at isa-isang tinapik sina Gio, Dom, at Xander sa balikat.

It's fascinating to watch him work. He's really not just a manager and friend. He genuinely cares for each member of the Night Hellions like they are his real brothers. Nabanggit na sa akin ni Gio yan minsan. And to be honest, hindi ko yung pinapansin dati. Pero iba ngayon dahil kasali na ako sa inner circle nila at mas nakikita ko yung tunay na interaction nila in private. Kaya naniniwala at confident din ako sa sinabi ni Gio na plan nila ni Kuya Caloy para sa future.

The Tale of the Non-Celebrity Girlfriend (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon