23: Not Bad, Lhianne

123 16 2
                                    

DALA-dala ko ang drawing tablet ko habang sinusupervise ang pag-a-arrange nina Kuya Billy sa kuwarto kung saan gaganapin ang livestream ni Gio. Si Ed ay busy na sa pagse-setup ng camera at laptop.

Pagkatapos ng nangyaring... I still don't know what to call that incident with Gio this afternoon. Basta pagkatapos ng nangyaring iyon ay parang may nagbago sa akin. It's not like a big change. Basta parang may nagbago lang sa pananaw ko sa buhay. Narealize ko lang kasi na totoo pala talaga yung quote na, "don't judge a book by its cover."

Masasabi ko ngayon na nabawasan na yung prejudice ko kay Gio. Dati talaga ang tingin ko sa kanya ay nagpapacute lang lagi at siya yung may pinaka-kaunting contribution sa Night Hellions. Pero these past weeks, habang tumutulong ako sa panonood at pagka-cut ng raw footage nila sa vlogs, narealize ko na madaming side ni Gio ang hindi pinapakita sa public. One time tinanong ko si Kuya Ben tungkol doon.

"Si Gio ang happy pill ng group. Maguguluhan ang fans kapag bigla nating pinakita ang serious side niya sa mga vlogs. They want to see him goofing around and making every one happy. Saka ito ang directive ni Sir Teddie. Kailangan natin i-maintain ang image ng bawat isang member ng Night Hellions. So we edit out stuff that don't need to be shown."

Naiintindihan ko ang ibig sabihin ni Kuya Ben. In a way, I even agree with it. Bilang fan ng Night Hellions, totoo ngang medyo naguluhan ako nang mapanood ko ang mga raw footage na kuha nina Kuya Gary at Ed. Hindi ako sanay na nakikitang si Gio ang navigator nilang tatlo. Alam kong siya ang pinakabata sa kanila. Pero parang siya yung nag-aalaga madalas sa grupo. Oo nga at pagdating sa mga seryosong desisyon ay si Dom ang laging in charge. Pero yung mga maliliit na bagay tulad ng pagreresearch tungkol sa mga lugar na pinupuntahan nila, ano ang mga dapat nilang i-prepare, pati na ang pagdadala ng first-aid kit, it was all Gio. Yung bias kong si Xander parang laging may sariling mundo lang. Si Dom naman madalas na nakukunan sa vlog na nasa isang tabi at nagsusulat. He's probably writing lyrics. Pero kapag nagkanya-kanya na ng moment yung dalawa, that leaves Gio to handle the rest.

Muling bumalik sa isip ko yung nangyari kaninang hapon. I can't help but admire the decisiveness in his voice as he enumerated all the things he wanted to happen. Habang ako ay tumayo lang doon at parang timang na pinanood siya. In my defense, nagulat lang talaga ako sa biglang pagta-transform ni Gio into a serious person. Kahit pa napanood ko na siya sa raw vlogs na umaakto ng ganyan, iba pa rin yun epekto ng nawiwitness ko siya talaga in person. Kaya hayun, napatulala na lang ako sa kanya. It's no wonder that he reacted that way. Kahit siguro ako ay maiinis kung yung in-assign para mag-direct ng livestream ko ay mukha na ngang walang alam sa mundo eh mukhang wala pa sa sarili.

"Lhianne, okay na ba ito?" tanong ni Kuya Bill, yung assistant ng Night Hellions.

Lumapit ako sa kanya at sinipat ang ginawa niyang pagsasabit ng mga fairylights sa paligid. "Okay na yan, Kuya Billy. Puwede mo bang sabihin kay Sir Caloy at Gio na nakapagsetup na tayo?" Sumilip ako sa relo ko. "May 2 hours pa naman tayo pero puwede na silang pumunta dito para i-check."

"Okay," iyon lang at umalis na siya.

Lumapit naman ako kay Ed. Last year ay tulad ko din siya na naging intern ng Starlight Media bago nagwork dito. Kaya ayaw niyang magpatawag sa akin na kuya. Mahigit isang taon pa lang naman daw kasi siya dito sa company. He's still just a newbie.

"Lhianne, maupo ka nga doon. Aayusin ko lang ang framing saka yung spotlight."

Tahimik na sumunod ako sa kanya.

"Medyo magsideview ka ng konti. Harap ka sa terrace. Ganyan. Jan ka lang. Wag kang gagalaw."

Pero sandali pa lang akong nakakaupo ay naiinip na ako. Mula sa repleksyon sa bintanang salamin ay nakita kong ina-adjust na ni Ed ang spotlight. Hindi pa naman ako matagal na member ng team pero alam kong particular ang production team ng Night Hellions sa quality ng trabaho. Kaya alam ko din na hindi titigil si Ed hanggang hindi niya nape-perfect ang framing at lighting na gusto niya. I'm sure he won't be finished anytime soon. Kaya inopen ko na lang ang dala kong drawing tablet. Dinala ko lang naman ito dito kasi gumawa ako kanina ng sketch ng layout na gustong mangyari ni Gio. Mas madali kasi para sa akin na ipakita na lang iyon kesa ipaliwanag ko.

I opened a new document and started doodling. Hindi ko alam kung gaano katagal akong nagdo-doodle, when I just suddenly felt a presence behind me.

"G-Gio, I'm--"

"Stay there."

Pero kahit naman hindi niya sinabing mag-stay ako dito ay hindi parin ako makakagalaw. Masyado pa akong gulat para makagalaw. Hindi ko naman kasi ine-expect na nung pinasabi ko kay Kuya Billy na puwede na nilang i-check ang livestream setup eh aakyat na agad sila dito.

Naka-sideview pa rin ako, but I craned my neck to see where Gio was going. Lumapit siya sa livestream setup at sumilip sa monitor. And then he started barking instructions. Nakasunod naman agad sina Kuya Billy at Ed. And then he called my name.

"Ahm... yes?"

"Magsalita ka."

"Ha?"

"Yung mas mahaba sa isang salita please."

"Ano'ng sasabihin ko?"

"Kahit ano. Gusto kong marinig ang sound quality ng mga mic."

"Okay." And then nothing. Nablangko nanaman ang utak ko.

"Lhianne?"

Napatitig ako kay Gio. He was looking at me expectantly. Kung tutuusin ay mukhang maganda ang mood niya kung ikukumpara sa mood niya kaninang hapon. Pero kinabahan parin ako sa tingin niya na yan.

"Can you say anything? Kahit ano lang."

"Ahm..." wala talaga akong maisip na sasabihin. Until an idea came to my mind. I started rapping.

Oo, tama. Nagrap nga ako. I'm not a talented singer and I'm not about to sing in front of a person who sings for a living. Pero magaling ako sa mga tongue twister. At memorize ko ang lahat ng kanta ng Night Hellions. So I started doing the rap part of one of their songs. And it also happened to be Gio's part in that song. Sa kanilang tatlo, si Dom talaga ang nagra-rap. But sometimes, Gio does some of the rap parts as well. He has a softer tone, kaya iyong mga rap parts niya ang madalas kong ginagaya dahil maganda parin iyong pakinggan sa boses ng babae. At dahil nakatitig parin ako kay Gio, kitang-kita ko nang pasimpleng umangat ang isang sulok ng mga labi niya.

Pagkatapos kong magrap, may narinig akong pumalakpak. Sina Ed at Kuya Billy pala iyon. Sa tabi nila ay nakangiti ding tumatango si Sir Caloy. Kahit hindi siya pumalakpak ay mukha namang approved sa kanya ang pagrarap ko. That's good enough for me. And then I looked back at Gio. Wala naman akong ine-expect na kahit anong reaksiyon mula sa kanya. So I was surprised when he nodded and smiled.

"Not bad," sabi pa niya.

Oh my God, magkakatotoo na yata ang sinasabi ni Copper. Mukhang magsu-swerve na ako sa lane ni Gio.

The Tale of the Non-Celebrity Girlfriend (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon