45: The Kabedon

118 19 7
                                    

IT'S BEEN three days since I last saw Lhianne. Three days since I hastily took her home. Kung wala lang kaming meeting that morning, hindi ako papayag na umuwi si Lhianne nang hindi kami nakakapag-usap ng maayos. And maybe we wouldn't be reduced to one-sided conversations.

One-sided lang kasi ako lang naman ang nagpapadala parin ng regular messages sa kanya. Walang palya yan. Saka confident akong magmessage sa kanya sa Incord dahil madaming safety features ang app na ito. Kahit pa hindi siya nagrereply sa akin. My only consolation is that she still hasn't blocked me. At nakikita ko ding binubuksan niya ang mga message ko. That's good enough for me.

"Sino'ng ka-chat mo?"

Napatingin ako kay Dom. "Si FiFi."

"Hmm..."

"What?"

Umiling-iling si Dom. Lalo lang tuloy akong na-curious.

"Spill it, Dom."

"Nah, malaki ka na, Gio. Alam mo na ang ginagawa mo."

Lalo lang akong naguluhan. "May namiss ba akong part ng usapan?" Tumingin ako kay Xander para magtanong. Pero nagkibit lang siya ng balikat.

Minsan talaga hindi ko din maintindihan ang trip nitong dalawang to. Ibinalik ko na lang ang atensiyon ko sa cell phone ko. We're currently on break from our planning meeting with our creative director. Pinaplano pa lang kasi namin ang anniversary celebration namin.

Actually medyo gahol na nga kami sa oras. But our team is confident that we can pull it off. Naniniwala naman ako sa kanila. They never failed us. Kaya hindi ako masyadong worried. Mas worried pa ako sa hindi pagrereply sa akin ni Lhianne.

"Gio, may pinapabigay sa'yo."

Napatingin ako kay Kuya Caloy na bagong pasok lang sa meeting room. "Ano 'yan?"

Nagkibit lang siya ng balikat bago inabot sa akin ang malaking paper bag. Hindi ko pa sana titignan ang laman niyon kung hindi lang nahagip ng mata ko yung logo ng Night Hellions. Shit! Eto lahat yung mga jacket na binigay ko kay Lhianne.

"Kuya Caloy, sino ang nagbigay sa'yo nito?"

"Pinaabot lang ng taga-PR."

PR? Oo nga pala, sa PR department naka-assign si Lhianne. Mabilis na lumabas ako sa meeting room.

"Huy, Gio! Saan ka pupunta?" pahabol na tanong ni Dom.

"Balik ka agad, Gio," sabi naman ni Kuya Caloy.

There's something about his tone that made me look back at him. Natatawang sumenyas lang siya sa akin na bilisan ko. Obviously, he already knew what I was up to. Kaya tumango na lang ako bago nagpatuloy sa pagtakbo.

Dere-derecho ako sa opisina kung saan naroon ang desk ni Lhianne. Paano ko nalaman ang desk niya? Well, ako pa ba?

Pero pagpasok ko doon ay wala si Lhianne. Si Kuya Ben ang nakita ko.

"Kuya Ben, nasaan si Lhianne?"

Kung nagtataka man siya dahil hinahanap ko si Lhianne, he didn't show it. Ngumiti lang siya bago sumagot. "Kakaalis lang niya papunta sa HR."

"Ano'ng gagawin niya doon?"

"Ang alam ko ay kukunin niya yung certificate of completion niya sa internship. Kung may kailangan ka sa kanya, puntahan mo na siya doon bago siya umalis."

"Umalis? Bakit siya aalis?"

"Tapos na ang internship niya. Tapos na din yung contract niya sa amin."

I didn't know that. Akala ko ba in-offer-an siya ng bagong posisyon nila Sir Teddie?

"Okay, sige, Kuya Ben. Salamat." And then I was out of there and running towards the elevator. Kung puwede lang na hilahin ko ang elevator para makarating agad sa third floor kung saan naroon ang HR department, ginawa ko na. I feel like it took forever before I got there.

The Tale of the Non-Celebrity Girlfriend (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon