55: Focus, Gio!

116 17 17
                                    

IT'S already 9 in the evening. Nakabalik na kami sa base. Kanina during our last recording, pinauna na ni Kuya Caloy si Billy na pumunta dito. So he could prepare or rather order dinner for us.

Hindi na bago sa amin ang ganitong routine. Even before the pandemic happened, we're not really big on eating out. Una ay hindi kami nakakakain ng maayos. Maya't maya kasi ay may nag-i-interrupt sa amin para magpapicture or something. Hindi yan yabang. I'm just stating facts. At pangalawa, we just want peace and quiet after a full day of interviews and recordings. Kahit ako na palaging hyper ay nauubusan ng energy pagkatapos ng press day. Kaya hindi na nakakagulat na halos walang nagsasalita sa amin habang kumakain.

Patingin-tingin ako kay Lhianne. My girl looks like she's only half awake. Mukhang any moment ay babagsak ang ulo niya sa plato. I would smile if I wasn't tired myself. Pero obviously, mas malala ang pagod niya. Which is not surprising considering that she's been on the move probably since 5 in the morning.

"I still have to talk to the three of your after eating," basag ni Kuya Caloy sa katahimikan.

Sabay-sabay kaming napaungol. But none of us complained. Again, this is not our first time. Noong wala pang pandemic mas mahigpit pa nga ang sked namin eh. Usually our press days start at 6am and ends at about midnight. Pero ewan ko ba kung bakit pagod na pagod ako ngayon.

Man, I must be getting old.

Napapailing na sinilip ko uli si Lhianne. Hindi na ako nakatiis. Tumayo ako at lumapit sa kanya.

"Lhianne, tapos ka na?"

"Hmm?" Humihikab na tumingala siya sa akin.

"Tapos ka nang kumain?"

Tumango siya.

"Come on," sabi ko lang sabay hawak sa kamay niya. Pagod at inaantok na talaga siya. Ni hindi kasi siya nagreklamo sa pagkakahawak ko sa kanya. All throughout the day, I've been trying to hold her hand when we're in the car or waiting room. Pero mabilis niyang nababawi ang kamay niya. But now, she just let me grip her hand tightly as I pull her toward the stairs.

"Sinabihan ka ni Kuya Caloy na magdala ng pamalit?"

Tumango uli siya. "Nasa backpack ko."

"Okay, tara na." Tuluyan na akong umakbay sa kanya.

Don't get me wrong. I wasn't being naughty or anything. Talaga lang na kailangan niya ng alalay dahil baka mahulog siya sa hagdan. By the way, nasabi ko bang dito sila lahat matutulog ngayong gabi? Yeah, all of us will be staying here for the next two days. Mas convenient sa aming lahat at mas tipid sa resources. Hindi pa kasi tapos ang press day namin. Itutuloy pa yun bukas. And on the day after tomorrow, we'll shoot an exclusive behind-the-scenes documentary.

"Ang sakit ng paa ko, Gio," parang batang sumbong ni Lhianne sa akin after just a few steps.

Napangiti ako. "Sino ba kasi ang nagsabing maghigh-heels ka?"

"Sabi ni Kuya Caloy I should dress more maturely. Para daw seryosohin ako ng mga mamimeet natin today. Baka isipin daw kasi nila kung sinong staff lang ako instead na assistant ni Kuya Caloy."

"Hindi ibig sabihin na dapat naka-high heels ka. Nakita mo naman ang sked natin, di ba? Buong maghapon na palipat-lipat tayo ng studio."

"Mas bagay kasi ang high heels dito sa suot ko."

Napailing ako. "Next time, pag press day, wear something more comfortable."

"Yes, dad."

Natawa ako ng mahina. Mukhang kahit pagod ay maganda ang mood ni Lhianne ngayon. Nakalimutan ko tuloy yung magandang intention ko kanina. Not that I suddenly had bad intentions. Nasa mood lang ako biglang mangulit.

The Tale of the Non-Celebrity Girlfriend (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon