38: Marathon Date?

107 24 2
                                    

CAST party na. Sa wakas ay natapos na namin ang shoot kanina at lahat ng members ng production ay nandito sa dining hall para magcelebrate. As for me, napili kong maupo lang dito sa dulong table para makapag-isip.

Honestly, I still don't know how we got to this day that fast. Bakit ang bilis? One moment, I still have a week. And now, I only have a day to talk to Lhianne. Ah, ni hindi nga pala isang buong araw. Bukas ay aalis na kaming lahat dito. Hindi ko alam kung ano ang schedule ni Lhianne. Pero ina-assume ko na isa siya sa mga unang aalis bukas pagkatapos naming magpack-up. Hindi naman kasi siya talaga involved sa production kundi sa content creation ng Night Hellions.

"You should have done it earlier, Gio."

Hindi ko na kailangan tumingin sa tabi ko para malaman kung sino ang nagsalita. "Eh kung tinulungan mo ako nung una pa lang di tapos na sana to."

"Kung palagi kitang tutulungan, you will never grow up. You would continue running away from responsibilities."

Napakamot ako sa ulo. "Naman, Kuya Caloy, masyado mo namang sineseryoso ang lahat. Relax ka lang. Ako'ng bahala."

"Kilala kita, Gio. Lalong nagiging extreme ang tendency mong maging impulsive kapag nagagahol ka sa oras."

"Oo na. Alam ko na ang gagawin. Ikaw naman, masyado kang intense diyan."

I heard him sigh. "Gio, ginagawa ko lang ito para sa'yo. Parang kapatid na din kita. Yung bunsong kapatid na laging sakit sa ulo. But still, kapatid. Alam kong hindi ganoon kadaling itama ang damage na ginawa sa'yo ng mama mo. In your twisted mind, you believe her words. That you're useless and irresponsible. But you're not. Kailangan mo lang maniwala sa sarili mo."

Napatayo ako bigla. I just suddenly felt agitated.

"Gio--"

"Lalabas na muna ako para magpahangin. Parang biglang uminit dito sa loob eh." Pagkatapos ay tuloy-tuloy na akong lumabas sa dining hall.

Nakasalubong ko si Dom sa pinto. "Oh, saan ang punta mo?"

"Magpapahangin lang." And then I left.


Wala naman talaga akong specific destination na iniisip. Gusto ko lang maglakad at magpakalma. Alam ko namang maganda ang intensiyon ni Kuya Caloy kaya nga umalis na lang ako kesa sumagot ng hindi maganda. Isa pa, alam ko ding nag-aalala siya sa akin. Di ba nga ako ang trouble child ng magulong pamilyang ito? I know that he worries about me the most. Sina Dom at Xander, they can handle themselves out there. Pero ako? Hindi ko alam. Alam mismo yan ni Kuya Caloy. Kaya niya ako tinutulak nang ganito.

You see, I'm already 24 and I'm the youngest among us three. Saan ka nakakita ng boyband na kaya paring magsurvive hanggang tumanda sila? Kahit hindi kami magdisband, sooner or later we have to face the reality that things will change. It's the same reason why Starlight Media is making us do solo projects. Logically speaking, gets ko lahat nang yan. Pero kailan pa gumana sa akin ang logic? I think I was born with a few damaged genes. Kasi hindi talaga kayang i-absorb ng utak ko yang mga logic-logic na yan.

"Gio."

Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses. "Sino yan?"

"Ako to, si Lhianne."

Lumapit ako sa partially open na pinto. I'm not exactly sure what room this is. Basta madilim sa loob. Saka hindi ko maaninag ng maayos si Lhianne. "Ano'ng ginagawa mo diyan?"

"Nanonood."

Tuluyan na akong pumasok sa loob. Pagkatapos ay kinapa ko ang switch ng ilaw.

"Aw! Turn it off, please."

The Tale of the Non-Celebrity Girlfriend (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon